"Everyday I Love You"

5.6K 204 59
                                    

"Everyday I Love You"

Kinakabahan ako habang naglalakad papuntang coffee shop, dito ang usapan namin ni Sheena.

Naki-usap siya sa akin na mag-kita kami, kung ano ang sasabihin niya o pakay niya ay wala akong maisip na dahilan malibang sigurado akong involved si Arix dito.

Nag-ring ang cellphone ko pero hindi ko sinagot, it was Ford. Isa pa siya, lagi niya akong kinukulit kahit maayos akong nagpasabi sa kanya na hindi ko pa sinasabi kay Arix ang alok niya. Gusto kong alam ni Arix ang mga plano ko. Ipinostponed ko muna ang dapat ay pagkikita namin.

I took a deep breath bago ako pumasok sa coffee shop. Hinanap ko si Sheena and I saw her sitting sa pandalawahang mesa. Nag-wave siya sa akin kaya nag-wave back ako sa kanya. Tipid ang ngiti niya nang makalapit ako pero at least mukha namang hindi iyon pakitang taong ngiti.

"Hi!"Sabi niya. Nag-hi din ako sa kanya.

She asked me kung ano ang gusto kong orderin."Hot mint tea na lang, please." Sabi ko.

Tinawag niya ang waiter at nag-order siya. Ako naman pigil ang kaba na hinihintay ang pasabog niya.

"Thank you for coming, Cj." Sabi ni Sheena sa akin.

"You don't have to thank me, Shen. Hindi naman malaking abala ito." Sabi ko na pilit nilalabanan ang lakas ng kabog ng dibdib ko. I hope na magiging okay ang magiging pag-uusap naming ito.

"How's Arix?" Sheena asked. This is it, bulong ko. Simula na ng tunay niyang pakay sa akin. It pains me, bakit ganun kung magtanong siya parang akala mo pag-aari niya si Arix? Iyong feeling na para bang may kinuha ako sa kanya?

"He's okay, I guessed? Why not ask him na lang, ayaw kong mag-salita on his behalf, what if mali pala ako." Mahinahon kong sabi.

"Hindi ka pa niya kinakausap? We met yesterday, and I'm expecting for his decisions the soonest possible time. But before that, I believed na you're the right person na dapat kong kausapin. Kung may makaka-tulong sa kanya para mag-desisyon ng tama, I believed it's you, Cj." Sabi ni Sheena.

Naguluhan ako sa sinabi niya. Hindi masyadong pumasok sa utak ko.

"Hindi ko magets." Simple kong sagot. Yes, hindi ko talaga ma-gets. Decisions, me as the right person? Arix needs to make his decisions and I should help him? How? Bakit hindi pa niya ako derektahin?

"I'm pregnant." Sabi ni Sheena. "My baby needs a father, pero naguguluhan si Arix dahil nariyan ka." Nangingilid ang mga luha ni Sheena.

Para akong binuhusan ng isang timbang malamig na tubig na puno mg yelo. Pakiramdam ko humiwalay ang katawan ko aa katinuan ko. Parang nilipad ng hangin ang realidad ko.

Paanong nawala sa isip ko na buntis si Sheena? Masyado akong nag-padala sa emosyon ko. Bakit hindi ko hinayaang mag-paliwanag si Arix? I was wrong. Akala okay na ang lahat?

Subrang parang hinihiwa ang puso ko, nagkita sila ni Sheena kahapon pero wala siyang sinasabi sa akin? Wala akong alam. Heto na naman. Wala na naman akong alam.

"What do you want me to do? Paanong makaka-tulong ako sa decision making ni Arix?" Tanong ko kay Sheena. Ako naman ay nagpipigil na pumiyok ang boses. Kailangan kung maging matapang kahit pakitang- tao lang kay Sheena. Ayaw kong dito ako bumigay. Kahit ang totoo durog na naman ako.

Hinawakan ni Sheena ang kamay ko, hinayaan ko lang siya. Ayaw kong ma-offend siya kung babawiin ko ang kamay ko kahit gustong-gusto ko iyong iwaksi. "Ayaw kong hingin sayo na layuan mo siya, hindi ko rin alam Cj. All I know is kailangan ko si Arix. Kaya lang nariyan ka, nahihirapan siyang mag-desisyon." Gusto kong masamid sa sinabi ni Sheena. Kunwari pa siya, ayaw lang niya akong deretsahin pero sa huli ang point niya kailangang layuan ko si Arix. Kumbaga ang gusto niya ako ang magdesisyon para sa amin ni Arix. Ganun ba kaduwag si Arix para sa akin ibigay ang mahirap na decision making? Nagawa na niya na iwanan ako, I'm magagawa niya ulit.

HOW MUCH? I LOVE YOU! (Completed)Where stories live. Discover now