"As Long As I Don't Say Goodbye.

8.1K 301 18
                                    

"As Long As I Don't Say Goodbye."

Ang saya ni mama nang makita niyang magkasama kaming umuwi ni Arix.

Para siyang walang sakit.

"Ma..." nagmano ako kay mama.

"Good evening mama..." nag-mano rin si Arix kay mama.

Gusto kong kompruntahin si Arix, at tanungin ito kung bakit mama na ang tawag nito kay mama? Kaya lang inunahan na naman ako ng hiya.

"Good evening anak..." Kitang-kita ko kung paano ginulo ni mama ang buhok ni Arix at pagkatapos ay hinaplos pa ni mama ang mukha nito.

Ang sweet naman nila? Anong meron? Meron ba akong hindi alam?

Alam ko namang magiliw si mama kay Arix, hindi na nakakapagtaka iyon. Oo, si Arix ay malapit din kay mama pero sanay akong "tita" ang tawag nito kay mama at hindi "mama".

"Magpalit na muna kayo ng damit, maghahain lang ako para makakain na tayo." Utos ni Mama.

Pumasok na ako sa kuwarto ko. Hindi ko inaya si Arix. Bahala siya sa buhay niya kung susunod siya sa akin o hindi?

"Cj anak, ano ka ba namang bata ka? Asikasuhin mo nga itong si Arix."Bulyaw ni mama sa akin."Sige na Arix, manghiram ka na lang sa kaibigan mo nang pamalit mo ng damit." Lakas talaga ni Arix kay mama.

Naramdaman ko ang mga yabag ng paa ni Arix na papasok sa kuwarto ko.Kaya nagmadali ako, ayaw kong madatnan niyang nakahubad ako at magpapalit pa lang ng damit.

Mabilis na nakapagpalit ako ng damit.

"Bakit parang nagmamadali kang magpalit? Hindi naman kita hinahabol ah.."Kahit hindi ako nakatingin kay Arix ay alam kong pilyo ang
ngiti niya. Nang-aayasar, sigurado ako.

Bakit siya ang bilis niya atang naka-move on sa nangyari sa amin? Parang wala lang sa kanya? Parang kinalimutan na nga niya?

Hindi ba niya naiisip na pwedeng nasasaktan pa ako hanggang ngayon? Hindi ba niya naiisip na baka nahihiya ako sa kanya ngayon?

Na hindi ko alam kung paano ko siya pakikiharapan sa normal na paraan, iyong hindi ako maiilang?

Sinabi ko naman na di ba na hindi ko na lang palalakihin pa ang mga bagay-bagay? Hindi ko lang talaga maiwasang hindi itanong ang mga iyon sa sarili ko.

Wala lang ba sa kanya ang mga nangyari?

"Shut up!" Singhal ko kay Arix.

"Tssk..." Si Arix.

"May dala ka bang damit mo?" Tanong ko sa kanya kahit alam ko namang wala siyang dala. Hindi ko pa rin siya tinitingnan. Abala ako sa paghahanap ng pwede kong ipahiram sa kanya.

"Bakit ako magdadala eh andami mo namang damit.Pahiram ako ng sando at boxer mo ha." Kailangan ko pa bang sabihin na pa-cute ang tono ng boses ni Arix? Naglalambing na ewan.

"Tsssk...plano mo naman pala na dito matulog bakit hindi ka nagdala ng damit mo? Pati boxer ko hihiramin mo, ang dugyot mo." Reklamo ko.

"Tsssk...Kung magsalita ka parang ang dugyot ko nga ah, sige na huwag na lang." Alam ko namang nagdadrama lang si Arix.

"Sheeessh...dami mong arte, drama mo!" Ibinato ko kay Arix ang sando at boxer short ko.

"Bukas pahiram ako ng brief mo ha...saka ng uniform mo."

"Asa ka, manigas ka!" Bulyaw ko.

Hindi ko inaasahan ang gagawin ni Arix. Mula sa aking likuran ay inakap niya ako.

HOW MUCH? I LOVE YOU! (Completed)Where stories live. Discover now