"Miss You Like Crazy 2"

7.8K 278 22
                                    

"Miss You Like Crazy 2 ."

"Tsssk...adik talaga ang isang iyon. Salamat tol ha, meryenda ka muna." Sabi ko na lang kay Renz. Binalik ko na ang cellphone sa kanya.

"Naku huwag na. Hinihintay na ko ni nanay nagpapasama siya sa akin sa palengke. Saka malamang mamaya lang andito na yang si Honteveros. Hahaha..miss na miss ka atang masyado, ah...mukhang binakuran ka na talaga?" Nang-aasar na sabi sakin ni Renz.

Nag-iwas ako ng tingin kay Renz. Ano kayang ibigsabihin niya? Wala naman kaming relasyon ni Arix, ah? Kahit ako ay nagtataka kung bakit ganun ang inaakto nito sa akin kanina?

"Tsssk...huwag mong pansinin yon. Isip bata lang iyon. Bored lang sa rich life niya. As if papayagan siya ng daddy niya na umalis ng Cebu nang hindi tapos ang inauguration. One week sila dun. Kailangan nila ng exposure, malapit na ang election, di ba?" Alam kong paghahanda para sa pagpasok ni Arix sa politics ang mga pagsama niya sa mga event na pinupuntahan nila ng daddy niya. Nakwento na ni Arix sakin na sinabihan na siya ng daddy niya na pag-aralan ang takbo ng pulitika sa Pilipinas.

"Pustahan tayo, on the way na iyon. As if you don't know Arix...hahahha. May sariling private plane ang mga Honteveros at sigurado akong hindi talaga iyon papayag na maisahan siya ni Ford. Malamang umuusok na ang puwet nun ngayon sa subrang galet."

"Tsssk...bat kasi niluko mo pa?" Nakailing kong sumbat kay Renz.

"Hahaha..yaan mo siya..ang kulet kasi eh. Nakakabwesit..Oh siya alis na ko baka abutan pa ko nun dito, mabalian pa ko ng leeg ng gagong iyon." Nagpaalam na si Renz sa akin.

Tamang halos mag-iisang oras at kalahati mula nang umalis si Renz nang makarinig ako na may kumakatok sa pintuan namin.

Napagbuksan ko si Arix na nakatayo sa labas ng pinto at napakaluwang nang ngiti.

"Anong nginingiti-ngiti mo dyan? Bakit nandito ka?" Sabi ko habang kinakalma ang sarili kasi naman halos tumalon talon ang puso ko sa aking dibdib.

"Tsssk...bakit ba tuwing pumupunta ako dito laging mong tanong ay kung bakit ako nandito? As if di mo alam, noh? Nandito ako kasi you're here. Kapag andun ka, andun din ako." Pumasok si Arix sa loob ng bahay kahit hindi ko pa inaayang pumasok siya.

"Gago...dami mong alam...bumalik ka na lang ng Cebu." Wala eh...hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Tsssk...problema talaga ng mokong na to?

"Babalik lang ako dun kung sasama ka." Nakamaktol na sabi ni Arix sa akin. Hayssst, sarap lang talagang pektosan ng isang ito.

"Sus, kumain ka na ba?" Wala lang, natanong ko lang. Wala naman akong ipapakain sa kanya eh. Hindi ko kasi masakyan mga pagpapacute nya.

"Hindi pa nga eh, gutom na ko. Ipaghain mo naman ako." May lambing sa boses ni Arix.

"Walang pagkain dito, kumain ka na lang sa labas." Bulyaw ko.

"Tsssk...tatanong tanong ka pa tas wala ka naman palang ipapakain. Alam mong darating ako di ka man lang naghanda. Hindi mo talaga ako mahal. Ayaw kong kumain sa labas, ipagluto mo na lang ako. Kahit ano, basta luto mo kakainin ko." Pektosan ko kaya siya? Bakit kailangan pa niyang kindatan ako. Tssskkk...sarap bigayan ng mag-asawang bigwas.

Pumunta si Arix sa refrigerator at tumingin ng pwedeng ipaluto sa akin.

"Walang laman yan. Sabing sa labas ka na lang kumain." Bulyaw ko pa rin.

"Wala bang lutong lumpia si mama?" Kumuha ito ng tatlong pirasong itlog. " Ipagprito mo na lang ako nito, iyong may onion, tas dagdagan mo nitong tocino."

Kinuha ni Arix ang nakasabit na apron sa pader at isinuot sa akin. Nabigla ako pero hindi ako nagpahalatang nailang ako sa ginagawa niya.
"Ako na..." Saway ko.

HOW MUCH? I LOVE YOU! (Completed)Where stories live. Discover now