"From This Moment"

5.8K 227 48
                                    

"From This Moment"

Arix:

Hindi ko maalis ang mga titig ko kay Cejs. Tinititigan ko ang maamo niyang mukha. Gustong gusto kong pagmasdan ang mukha niya na mahimbing sa pagtulog. Kanina pa siya natutulog. Subrang namiss ko siya. Kung hindi lang sana ako naduwag. Kung hindi lang sana ako naging gago, sana hindi nasayang ang mga oras na dapat ay kasama ko sila ni Mama. Sana masaya kaming tatlo. Sana hindi ko siya nasaktan ng subra. Sana hindi niya naranasan ang mag-isa. Napakaraming sana...at aminado ako na kasalanan ko lahat iyon.

It breaks my heart. Subrang nagi-guilty ako sa mga nagawa ko. If only I could turn back time sana hindi ko na lang ginawa ang mga bagay na iyon.

Unexpected ang naging pagkikita namin ni Sheena sa isang coffee shop. Nung una simpleng exchange of hi and hello lang tapos nagkakwentuhan. Nalaman kong matagal na palang hiwalay silang dalawa ni Ford. Hindi ko alam kong bakit at kung ano ang pumasok sa utak ko kung bakit ko naisip na baka ito na ang pagkakataon para ituloy ko kung ano ang hindi natuloy sa aming dalawa.

Pero agad kong kinontra ang aking naisip; sigurado ako, I love Cejs so much. Kung may gusto akong makasama habang buhay ay siya iyon. One hundred percent na sure ako dyan. Gusto ko siya ang forever ko.

Ewan, even myself ay hindi maintindihan ang mga naging decisions ko. Nagtext sa akin si Sheena one time, nag- aya na magkita kami. Nakipagkita ako, isang malaking pagkakamali. Hanggang nasundan ang mga iyon. Guilting-guilty ako nun kay Cejs dahil kailangang ilihim ko iyon sa kanya. Nagkaroon pa ng pagkakataon na tinawagan ako ni daddy, akala ko simpleng family dinner lang namin iyon pero nagulat ako na nandun ang family ni Sheena. Nasa iisang political party sina daddy at ang daddy ni Sheena. Hanggang sa napunta ang usapan sa future namin ni Sheena. Pinagkasundo nila kami na maging mag-asawa dahil sa tingin nila daddy na makakatulong iyon sa political career nila. At sa plano nila sa akin sa pagpasok ko rin politika.

God knows, hindi sa gusto kong linisin ngayon ang kunsensya ko. Gustong gusto kong sabihin ang totoo sa kanila. Kung sino ang mahal ko, kung ano ang plano ko sa buhay pero naduwag ako. Nagpadala lang ako sa naging usapan nila. Sa isip ko, maghihintay lang ako ng tamang panahon at sasabihin ko sa kanila. Kaya lang iba ang naging takbo ng mga pangyayari. Hanggang sa hindi ko sinasadya ay nasasaktan ko na pala si Cejs...

I can never forget that night sa condo, I know why Cejs' cried. Alam kong nakita niya ang cellphone ko at alam kong nabasa niya ang message ni Sheena. Palabas na dapat ako nun from bathroom nang makita ko siyang hawak ang cellphone ko.

I was hoping na e-confront niya ako. Tanungin nya ako  about dun pero hindi niya ginawa. How I wish inaway niya ako para sana nagkalakas ako ng loob na ipaglaban ko siya. Pero paano ko siya ipaglalaban kung ako pala hindi niya kayang ipaglaban? Kung okay lang pala sa kanya na mawala ako. Wala pala siyang pakialam kahit iwanan ko siya. No, hindi sa siya ang sinisisi, hindi sa ipinapasa ko ang kasalanan ko sa kanya. Alam kong masakit iyon sa kanya, I saw him crying, pero ang gusto ko ipaglaban niya ako. Hinintay ko iyon pero hindi niya ginawa.

I was hurting that time kaya instead na magstay ako dun kasama siya, I chose to meet Sheena. Nag-inom ako ng subra. Lumalim ang gabi pero wala, hindi man lang niya ako hinahanap. Hinihintay ko ang text niya. Kagaya lang nun nagdaang araw, kahit maghapon akong hindi magparamdam ay wala siyang pakialam. Hindi niya ako hinahanap.

Hindi na ako nagdalawang isip na sumama kay Sheena nang ayain niya akong pumuntang Palawan. Hindi ako nagparamdam kay Cejs...ganun din siya sa akin hindi man lang siya nagtatanong kung nasaan ako? Hindi man lang ba siya nag-aalala? Hindi man lang ba niya ako namimiss? Samantalang ako, miss na miss ko siya.

Wala eh, hanggang dumaan ang ilang araw wala siyang paramdam. Hanggang sa hindi na ko nakatiis, pinuntahan ko siya sa bahay. Si mama lang ang nadatnan ko dun. Wala daw si Cejs, kasama sina Renz at Ford papuntang Tagaytay. Nagtaka pa si mama kung bakit hindi ko alam? O bakit hindi ako kasama. Gusto kong magwala, galit na galit ako. Mukhang walang alam si mama sa nangyayari sa amin ni Cejs. Ito ba ang dahilan? Kaya walang pakialam si Cejs na mawala ako kasi kasama naman niya si Ford? Kailan pa? Bakit hindi ko alam na lumalabas sila?

Nun ma-ospital si mama mas pinili kong dumalaw sa kanya kapag wala si Cejs. Ayaw ko siyang makita. Galit ako sa kanya at baka kung ano magawa ko sa kanya. Galit ako sa kanila ni Ford.

Ako ang nagbayad sa lahat ng gastos ni mama sa hospital. Nakiusap ako kay Renz na palabasin niyang may isang good samaritan na tumulong sa kanila. Na huwag niyang sabihing ako iyon. Pero aaminin ko, iniexpect kong hindi maniniwala si Cejs na may kung sino lang na good samaritan ang tumulong sa kanila. I expect na maiisip niyang ako iyon dahil never ko naman siyang pinabayaan. Hindi ako nanunumbat pero iyan talaga ang iniisip ko that time. Pero wala, hindi niya naisip na ako iyon. As in, wala talaga. Hindi niya ako iniisip, as if parang wala na ako sa sistema niya.

Hindi ko pwedeng makalimutan ang sabi ni mama..."Arix anak, huwag na huwag mong pababayaan si Cejs." Syempre nagpromise ako sa kanya na hinding hindi ko pababayaan si Cejs. Kahit hindi hilingin ni mama ay gagawin ko iyon. Three hours later pagkatapos kong iwanan si mama dahil alam kong paratingin na si Cejs ay nabalitaan kong patay na siya. Tumakbo kaagad ako sa hospital dahil gusto kong damayan si Cejs; gusto kong nasa tabi niya pero how would I, dahil nandun si Cejs kasama si Renz at Ford? Saan pa ako lulugar? Hindi na lang ako nagpakita sa kanila. Araw ng libing ni Mama nagkataong may pa presscon sina daddy at gusto niya nandun kami ni Sheena. Kahit mag-isa pinuntahan ko ang puntod ni mama. Tapos na ang libing, ako na lang mag-isa ang nandun. Umiyak ako ng todo kay mama. Nagsorry ako sa kanya. Inamin ko ang lahat ng pagkukulang ko.

Buo na ang desisyon ko, kakausapin ko si Cejs...babawiin ko siya. Magsosorry ako sa kanya, hindi ko kayang tuluyang mawala siya sa akin kaya lang may problema, Sheena is pregnant. No, hindi ako ang ama. Sigurado ako dun. Kaya lang kuntodo ang pakiusap ng daddy ko at daddy niya na panagutan ko si Sheena. To save their reputation. Dahil siguradong makakasira iyon. In return kung pananagutan ko si Sheena ay ang full support ng daddy niya sa kandidatura ni daddy lalo't tatakbong vice-president si daddy.

Pumayag ako sa pakiusap nila, yes isa iyan sa madami kong mistakes.

Isa sa madami kong sana.

Pero hindi ko kayang tuluyang mawala si Cejs. Siya talaga ang mahal ko. Sinabi ko kay Sheena ang totoo. Inamin ko ang lahat lahat ng tungkol sa amin ni Cejs. Everything. Wala akong itinago. Sinabi ko rin sa kanya na babawiin ko ang promise ko kina daddy. Nakiusap ako sa kanya tulungan niya ako. Nun makita kami ni Cejs sa harden, iyon ang reason kung bakit umiiyak si Sheena.

Paano ko ba makakalimutan ang moment na iyon? Nang makita kong umiiyak si Cejs habang nakatingin sa amin ni Sheena. Nun mismo gusto kong siya takbuhin at yakapin kaya lang hindi ko basta maiwanan si Sheena. God granted my wish, ipinakita niya ang sign na tama ang desisyon ko. Desisyong kong hingin kay Sheena ang chance na balikan si Cejs.

Nagpaalam ako ng maayos kay Sheena. Sinabi kong nandito si Cejs ngayon at kailangan puntahan ko siya.

Hinabol ko si Cejs...nagulat ako na lasing na lasing siya. Awang awa ako sa hitsura niya. Alam ko fault ko lahat ng pinagdadaanan niya.

Hindi ko kilala ang kasama niya at hindi ako papayag na hahayaan ko lang siya kung kanino.

Hindi na ako papayag na mawala sa akin si Cejs...

Akin siya habang buhay ko.

Unedited

Written by: Mikzylove



HOW MUCH? I LOVE YOU! (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora