"Do you missed me?"

8.3K 312 24
                                    

"Do you missed me?"

"Hi Cejss...you okay?" Renz greeted me. I just nodded to him without smiling. Ang hirap nang ngumiti para sa akin. Kahapon nakausap ko ang doctor ni mama, sabi niya nagpapakita na ng simtomas ang mga komplikasyon ng diabetes niya. May problema na ang kidney ni Mama.

"Your mother may also experience nausea, vomiting, and a loss of appetite, weakness, and muscle cramps especially in her legs kagaya ng inirereklamo niya. Napakaimportante ng bago kong resitang gamot para sa kidney niya. We have to prevent na lumala pa ang kidney problem ng mother mo. In her case, ayaw man sana natin kaya lang talagang hindi maiiwasan ang mga complications." Sabi ng doctor.

Ayaw kong mawala si mama sa akin. Ang hirap ng solong anak, walang tatay at walang kilalang kamag-anak. Mag-isa lang ako sa problema namin ni Mama. I have to be tough, ayaw kong makita ni Mama na umiiyak ako.

"Hey Cejs...anything 'bout Arix? Papasok na ba siya?" Tanong ni Lemuel. Pati ang iba ko pang kaklase ito rin ang tanong sakin.

"I don't know..." walang emosyon kong sagot. Nakakaasar na halos araw araw nilang hinahanap sa akin si Arix. Two weeks na kasing hindi ito pumapasok. Hindi ko rin alam kung bakit wala siya. Pagkatapos ko siyang iwanan sa hotel ay di na kami nagkausap pa. Masyado akong pokus sa kalagayan ni mama para isipin ko pa siya.

Sabi ni Myla. "Hindi ko rin naman magets yang si Hontiveros. He broke up with Rita just over the phone the day after your starbucks drama scene. And now no show siya. Ano iyon, hindi siya makamove on? Fixin a broken heart? Eh dapat nga si Rita ang nageemote ngayon at hindi siya."

So hiwalay na pala kaagad sina Arix at Rita? Since when? Nung tumawag ba si Rita habang ginagamot ni Arix ang sugat ko? Pakialam ko ba? I don't know exactly what to feel?

"Naturingan ka pa namang best buddy ni Arix tas wala kang alam kung bakit two weeks na siyang absent" Si Percy, obvious naman ang sarcasm sa boses niya.

"The last time I check studyante ako at hindi ako yaya ni Arix. Hindi ako tanungan ng nawawalang kalabaw. Kung atat kayong malaman kung nasaan siya bakit hindi ninyo puntahan ang bahay nila sa Forbes Park? O di kaya manawagan kayo sa news program." Nakakainis na talaga.

Biglang pabalibag na bumukas ang pinto ng classroom namin.

It was Arix.

Bumilis kaagad ang pintig ng puso ko. Hindi ko alam kung paano ito pipigilan? Nagpaghandaan ko na ito na dapat ito dahil alam ko namang mangyayari at mangyayari ito.

I made up my mind already that I will not make things more complicated. Nangyari na ang nangyari at wala na rin naman akong magagawa. Dahil sa pera ni Arix naipagamot ko si Mama. Naipagawa ko ang mga laboratory tests nakailangan. Nakabili ako ng mga gamot kaya naging maayos ang pakiramdam niya. Hindi na siya nahihilo. Walang magagawa ang pride ko dahil naibenta ko na ito. Nabili na ito ni Arix sa akin. Masaktan man ako hanggang dun na lang iyon.

"Mahal ko si Arix."

Pagmamahal na matagal ko nang nararamdaman sa kanya. Dahil bukod kay mama mula ng bata pa lang ako ay siya lang ang meron ako. Kaya imposibleng hindi ko siya matutunang mahalin. Mula sa pagiging simpleng kalaro ko kay Arix ay naging bestfriend ko siya. Para na kaming magkapatid, hanggang sa ang hindi ko mapigilang paghanga dahil sa kabutihan niya sa amin ni mama ay umusbong sa kakaibang paraan. Pagtingin at pag-tangi ko sa kanya na inalagaan ko sa aking puso. Hanggang sa maintindihan ko ngayon na mahal ko na nga siya, hindi bilang kaibigan, o bestfriend, o kapatid kundi sa paraang espesyal na karaniwang nararamdaman ng lalaki sa babae o babae sa lalaki.

Pero si Arix. Hindi ko pwedeng hingin sa kanya na mahalin niya ako. Hihingi pa ba ako ng subra sa ibinibigay niya sa akin bilang kaibigan niya? Sabi ko nga napakaswerte ko na itinuring niya akong bestfriend niya dahil kung tutuusin maraming pwedeng kumuha ng pwesto ko sa buhay niya.

HOW MUCH? I LOVE YOU! (Completed)Where stories live. Discover now