"I will sell my soul."

7.6K 296 8
                                    

"I will sell my soul."

Tanghali na ay hindi pa rin lumalabas ng kuwarto niya si mama. Napilitan na lang ako na katukin siya para mag-paalam na papasok na ako. "Ma...aalis na po ako." Paalam ko.

"Masama ang pakiramdam ko anak." Sabi ni Mama sa akin. Kita kong hindi siya okay kaya naman ay isinugod ko siya kaagad sa hospital.

"We have to keep your mother's diabetes and blood pressure under control to lower the chance of her getting kidney disease." Sabi ng doctor habang niri-review niya ang medical record ni mama. "Maintaining blood glucose level, blood pressure and cholesterol close to normal can help or prevent complications. Pinalitan ko na rin ang mga gamot niya. I have to monitor her condition if may magbabago pa sa kondisyon niya. We need to do some laboratory tests immediately." Sabi ng doktor.

Maraming laboratory tests ang kailangang gawin kay mama. May mga bagong resitang gamot si doctor na kailangan kong bilhin. Ang problema saan ako kukuha ng pera? Bukas kailangan ko nang bayaran ang bill ng kuryente at tubig.

Si Arix kaagad ang naisip ko kaya lang nakakahiyang abalahin siya ngayon. May pictorial ang family nito sa Shangri-la Makati para sa isang lifestyle magazine. Kung tatawagan ko siya siguradong hindi siya magda-dalawang isip na iwanan ang photoshoot. At hindi ko gustong mangyari iyon.

"Of course, malaking kawalan kay Cj si Arix. If I were him hinding hindi ako makikipag ayos kay Arix. Gosh! nakakahiya lang. Nakakainsulto ang ginawa ni Arix sa kanya. Pero ngayon nakadikit na naman siya kay Arix na parang asong ulol. Well, how can we blame him? Sayang nga naman, malaki ang nakukuha niya kay Arix. Ikaw na ang magkaroon ng bestfriend like "The Arix Honteveros", di ba?" Nasa library ako noon, dinig na dinig ko ang usapan ng mga kaklase ko.

Subrang sakit ng mga sinabi nila. Tapos ngayon kay Arix na naman ako tatakbo? Nahihiya na ako sa sarili ko. Si Renz ang tinawagan ko, hindi si Arix.

"Tol...pasensya ka na, babayaran ko rin kaagad." Nahihiya kong sabi kay Renz. Alam kong kakailanganin din niya ito kaagad. Kailangang mabayaran ko siya.

"Huwag mo munang isipin yan tol." Si Renz.

...

Kailangan kong gumawa kaagad ng paraan.

"I'm sorry subrang traffic sa Greenhills. Kanina ka pa?" Tanong ni Lexan sa akin. Schoolmate ko siya, bisexual at kilalang bugaw. Wala na kasi akong choice.

Nabayaran ko na ang bill sa kuryente at tubig mula sa perang inutang ko kay Renz. Pero kailangan na ni Mama ng pang-laboratory test. Di ko pa nabibili ang lahat ng gamot niya. Madalas na siyang nahihilo. Kailangan ko na ding mabayaran si Renz. Kaya naman isa lang ang naisip ko, ang humingi ng tulong kay Lexan.

"Okay lang, hindi naman masyado." Tipid kong sagot sa kanya.

"So nakapagdesisyon ka na?" Nung isang araw pa kami nakapag usap ni Lexan tungkol dito. Humingi lang ako ng palugit sa kanya para makapag isip pa.

"Lex..." Hindi ko alam kung paano ko sasabihin. Napaghigpit ang kapit ko sa bote ng softdrink na inorder ko kanina." Paano ako nakakasiguradong hindi ito malalaman ng iba?" Sa wakas ay natanong ko rin.

Tumaas ang kilay ni Lexan.

"Professional akong kausap papa Cj."

"Pwede ko bang malaman ang identity na magiging kliyente ko?" Napalunok na naman ako. Pinagpapawisan ako ng todo. Isipin ko pa lang na ibebenta ko ang katawan ko ay parang masusuka na ako.

Pero kailangan ko ng malaking halaga. Kailangang mabuhay si Mama. Hindi biro ang halaga ng mga gamot niya.

"Of course... we both know him so well."

Kinabahan ako sa sinabi ni Lexan. "Who?" Halos hindi iyon lumabas sa bibig ko.

"Ford Sebastian!" Sabi ni Lexan. Daig ko pa ang pinagsakluban ng langit at lupa. Nawalan ako ng lakas ng loob. Ayaw ko nang ituloy. Of all people, bakit si Ford pa?

Kay Arix na lang kaya ako humingi na tulong? Tssk...Cj, hindi ka ba nahihiya kay Arix? Abusado ka nang masyado. This time ikaw naman ang gumawa ng paraan, huwag kang puro asa sa kanya.

"Give me more time to think about it Lex, please."

"Okay..."

...

Maghapon akong lutang. Iniisip ko ang usapan namin ni Lexan. Hindi ako makapag desisyon kaagad.

"Hey...are you okay? Kanina ka pa lutang Cejs. May sakit ka ba?" Tanong ni Arix sa akin. Hindi ko siya pinansin. Mas mahihirapan akong mag-isip kung andyan lang siya sa tabi ko kaya walang paalam na lumabas ako ng classroom namin. Hindi ko inaasahang magkakasalubong kami ni Ford.
"Hi Cejs...What's your decision?" Tanong ni Ford sa akin.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kay Ford?

"What is that decision Cj has to make?" Boses ni Arix.

Nagulat ako. Sumunod pala siya sa akin.

"It's none of your business Honteveros, so shut up." Iritadong sabi ni Ford. Iniwan nito si Arix na nakakuyom ang mga kamao.

"What was that Cejs...?" Ako naman ang tinanong ni Arix.

"Tssk...I don't know. Gago iyon pinapatulan mo pa."

"Sabi ni Villaflor may nakakita sa inyo ni Lexan na magkausap? Anong kailangan ninyong pag-usapan ng baklang iyon." Nang-uusig ang mga tingin ni Arix sa akin. Hindi ko siya matingnan nang deretso sa mata. Tssk...kailangan ba lahat ng kilos ko nakareport sa kanya?
"That's not true..." Nasabi ko na lang.

"Hindi gagawa ng kwento ang source ko!" Ramdam ko na nagpipigil si Arix na tumaas ang boses niya.

"Tssk...Bat ba ang dami mong tanong? Why not find Lexan and ask him personally." Hamon ko kay Arix.

"I will..." Determinado ang boses ni Arix. Kinabahan tuloy ako. Napatiimbagang ako. Gustong gusto ko nang mapuno kay Arix. Hindi siya nakakatulong sa sitwasyon ko. Pinagugulo lang niya lalo.

Written by: mikzylove

HOW MUCH? I LOVE YOU! (Completed)Where stories live. Discover now