"Drifting In A Lonely Sea"

6.1K 250 33
                                    

"Drifting In A Lonely Sea."

"Tol, basta text ka lang kapag may kailangan ka." Bilin sakin ni Renz.

Ganito pala kapag mag-isa na lang ako. Napakalungkot. Akala ko, okay na ako. Akala ko nga, kaya ko na, hindi pala? Subrang lungkot ko ngayong mag-isa na lang ako. Hindi na ako sinasamahan ni Renz, syempre nakakahiya rin kung patuloy akong mang-aabala sa kanya.

Anim na gabi nang mag-isa akong natutulog sa inuupahan kong kuwarto. Akala ko ang magiging pinakamahirap ay ang unang gabi. Pero mali pala ako. Dahil habang tumatagal mas lalo akong nahihirapan. Mas lalo akong nalulungkot, mas namimiss ko si Mama nang subra. Namimiss ko si Arix. Pero pareho silang wala na sa buhay ko. Si Mama, alam kong kahit anong gawin ko ay hindi na babalik pa. Mananatili na lamang siya sa puso at ala-ala ko.

Pero si Arix, alam kong nandiyan lang siya pero iba na ang sitwasyon namin ngayon. Masaya na siguro siya? Sana nga. Iyan naman ang gusto ko para sa kanya, ang maging masaya siya. Kahit wala ako. Pero ako, paano ako magiging masaya kung dalawang tao na pinakamahalaga sa buhay ko ang nawala sa akin?

Dahil ang totoo, kailangang kailangan ko si Arix ngayon. Ayaw kong mag-isa. Nalulungkot. Nasasaktan. Kung pwede nga lang na bumalik ang dating Arix, 'yong akala mo'y Dyos ko siya. Iyong Arix na takot na takot na maagaw ako ng iba sa kanya. Pero iba ang nangyari, siya ang inagaw ng iba sa akin, at hindi ako ang inagaw sa kanya ng iba.

Wala sa sariling kinuha ko ang cellphone ko sa ibabaw ng mesita. Sinadya kong hindi tingnan ang wallpaper nito. Ewan, ayaw kong palitan ang picture namin ni Arix bilang wallpaper ko pero di ko naman kayang tingnan nang matagal. Ang sakit lang kasi, subra.

Nagpunta ako sa inbox ko, nandun pa rin ang mga lumang conversations namin ni Arix, pero syempre ayaw ko rin basahin iyon, ayaw ko rin namang edelete.

Wala sa sarili o talaga miss na miss ko lamang siya, kaya naman nagsimula akong magtype sa new messages?

Kamusta ka na?

Gusto kitang makita.

Miss na miss na kita.

Nalulungkot ako, sana kasama ko kayo ni Mama.

Akala ko ba...akala ko ba...?

Lahat denelete ko lang, hindi ko senend.

Sa huli hindi ko napigilan ang sarili kong maiyak. Hinayaan ko lang na dumaloy ang mga luha sa mata ko, baka kasi kung pipigilan kong umiyak ay sumabog ako.

Hindi ko kayang esend ang mga messages ko. Natatakot ako. What if hindi siya magreply? What if dedmahin lang niya ang mga ito? Baka nga tuluyan na niya akong inalis sa kanyang buhay?

Nang ganun kadali? Asan na ang pangako niya? Asan na ang sinabi niya sakin nuon na hindi siya mabubuhay kapag nawala ako sa kanya? Akala ko ba..., mali pala ako ng akala?

Iba na ang buhay niya ngayon, hindi na ako. Si Sheena na.

Kunsabagay bago pa magkaroon ng Rita, at Meagan sa buhay niya ay nandyan na si Sheena.

Ang tunay niyang mahal. Ang pinakamatindi niyang kabiguan nang mapunta ito kay Ford at hindi sa kanya. Pero sa huli, sila rin pala.

Tama nga siguro ang kasabihang, kung para kayo sa isa't isa, kayo pa rin sa huli. Sa kaso namin ni Arix, hindi kami para sa isa't isa.

Nasa condo kami nuon ni Arix, naliligo siya, ako naman ay abala sa pagluluto ng dinner namin. Nakagawian na namin ni Arix na paminsan minsan ay maglagi sa condo nya. Ewan, lovenest ba tawag ng iba sa ganun? Biglang nagring ang cellphone ni Arix, hindi ko na sana papansinin pa kaya lang ayaw tumigil. Nacurious ako kung sino ang tumatawag?

HOW MUCH? I LOVE YOU! (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat