"Two Hearts Needing One Another 2"

5.6K 226 23
                                    

"Two Hearts Needing One Another 2"

Nagising ako sa isang familiar na room at napakalambot na kama. Malamig pero hindi ako nilalamig dahil nakatakip sa akin ang isang napakalambot at makapal na comforter.

Kinabahan ako bigla, naalala ko si Arix. Napahawak ako sa sentido ko dahil subrang sakit nito. Subrang lasing ako kagabi pero natatandaan ko ang lahat ng nangyari. Si Arix at si Sheena, buntis si Sheena. Magiging daddy na si Arix.

Si Arix ang bumuhat sa akin kagabi at hindi si Raymond. Dinala niya ako dito sa condo niya sa BGC. Nakiramdam ako pero walang Arix akong katabi. Wala si Arix, dinala lang niya siguro ako dito at iniwan din.

Asan kaya siya ngayon? Kailangan ko pa ba talagang itanong kung nasaan siya? Syempre kasama niya ngayon si Sheena. At ikaw Cj, iniwan ka niya ditong mag-isa. Shut up Cj, stop your stupidity, kahit kaawaan mo ang sarili mo habang buhay, hindi na magbabago ang sitwasyon. Magmumukha ka lang kawawa lalo, ayusin mo na ang buhay. Leave Arix and Sheena alone. Live your own life. Tama, kailangang ayusin ko na ang buhay ko.

Hinanap ko ang cellphone ko. Alas dos lang pala ng madaling araw. Kailangang magsimula ako muli. Pinuntahan ko ang contact list ko, hinanap ko ang number ni Ford saka nagmessage sa kanya. OK, let's meet up tomorrow. Matagal na akong kinukulit ni Ford pero di ko ito pinapansin, sa sitwasyon ko ngayon, sa malamang siya ang makakatulong sa akin.

Bumangon ako para magpalit ng damit, naka pajamas lang kasi ako. Hindi na ako amoy suka. Inasikaso ako ni Arix. Syempre si Arix ang nagpalit ng damit ko. Gusto ko nang umuwi. Ayaw kong manatiling mag-isa dito. Masyadong masakit ang mga memories ng lugar na ito. May mga damit pa ako dito na sinusuot ko kapag tumatambay kami dito ni Arix. Ahhh, tsk..ayaw ko nang mag-isip ng tungkol kay Arix. Ayaw ko nang isipin ang kahit na anong sakit na nararamdaman ko dahil sa kanya. Kung talagang mahal ka ni Arix dapat hindi ka niya iniwan ulit mag-isa dito? Tsssk..akala ko ba tama na, bakit ba gustong gusto kong nasasaktan ako?

Napatda ako sa paglakad nang mapansin kong nakahiga si Arix sa sofa. Sa looks niya mukhang tulog siya. Nagdalawang isip ako, lalapitan ko ba siya? Ayaw ko nang mag-isip ng tungkol sa kanya pero heto't ang sakit ng mga iniisip ko. Bakit mas pinili niyang matulog sa sofa kesa tumabi sa akin? Hindi na ba niya kayang makatabi ako kahit saglit lang? Mas pinili niyang matulog sa sofa kesa sa kumportableng kama katabi ako? Mas sanay na syempre siyang si Sheena ang kanyang katabi. Mas di ko alam kung alin ba ang mas masakit, kung iniwan na lang niya sana ako dito mag-isa o andito nga siya pero andito siya sa sofa samantalang nasa kama ako? Magkasama kami ngayon pero magkahiwalay. Na sana kahit ngayong gabi lang bago siya bumalik kay Sheena bukas ay nakatabi ko siya. Hayssst...tanggap ko na Arix...tanggap ko na kung ano ba ako sa buhay mo.

Nilapitan ko si Arix, I want to see his face kahit for the last time lang. After this wala ng Arix sa buhay ko. Tinitigan ko ang gwapo niyang mukha. Hayssst...kung alam mo lang kung gaano ko namiss ang mukha mo. Ang mga mata mo, kung paano mo ako tingnan, ang mga labi mo kung paano nito bigkasin ang pangalan ko lalo na kapag nagagalit ka. Ang mga palad mo kapag hinahawakan mo ako. Miss na miss na kita Arix, ang lahat lahat ng tungkol sa iyo. Ako kaya, kahit konti namiss mo?

"Namimiss kita subra...miss na miss...sana masaya ka. Okay na ako basta masaya ka na. Magiging okay na ako, promise." Hindi ko napigilan ang sarili ko na sabihin iyon. Hinaplos ko ang makinis niyang mukha. Mahimbing ang tulog niya, alam kong hindi siya magigising, at alam kong hindi niya maririnig ang sinasabi ko. Gumaan ang pakiramdam ko. Alam ko unang hakbang ko ito para magmove on. Para simulan ko ang bago kong buhay."Goodbye Arix..." halos bulong na lamang ito, kay hirap kasing bigkasin. Bumabara sa lalamunan ko. "Goodbye my bestfriend...goodbye my lover." Bulong ko sa aking isip.

Bago pa tuluyang tumulo ang luha ko ay tumayo na ako. Pumunta ako sa closet upang kumuha ng damit. Uuwe na ako.

"Miss na miss kita." Nagulat ako nang biglang may yumakap sa likuran ko. Hindi ko namalayan ang paglapit ni Arix sa akin. Ang higpit ng yakap niya. Ramdam ko ang kabog ng dibdib niya. Ako din naman subrang lakas ng kabog ng dibdib, kaytagal kong hinintay na maakap siya ulit. Napapikit ako nang mariin. Alam kong hindi ito panaginip. Totoo ito. Ang malungkot lang, ito na marahil ang katapusan. Hindi na malaya si Arix, kay Sheena na siya. Bukas tuluyan nang maghihiwalay ang aming mga buhay.

"Sana sinabi mo sa akin ang totoo. Sana man lang nagpaalam ka para hindi ako nagmukhang tanga." Tumulo na ang luha ko, wala eh lahat ng sakit bumalik. Lahat ng hinanakit ko sa kanya andito ulit sa dibdib ko. Gustong sumabog.

"I'm sorry, i'm sorry...sorry kung ako ang pinakawalang hiyang tao sa buhay mo...sorry kung nasaktan kita nang subra." Sabi ni Arix sa akin. Sinubukan kong kalasin ang mga braso niya pero lalo lamang humigpit ang yakap niya sa akin.

"Wala kang alam kung gaano kasakit, Arix. Nang-iwan ka sa ere. Kung nagpaalam ka sa akin, kung nagsabi ka ng totoo kahit masakit mas madali kong matatanggap iyon. Sino ba naman ako para hindi ka payagang umalis sa buhay namin ni mama kung ayaw mo na sa amin." Sabi ko.

"Alam ko, ang gago ko. Pero hindi ganun Cejs...hindi ko gugustuhing umalis sa buhay mo." God...how I missed kung paano niya bigkasin ang pangalan ko. Ngayon ko lang ulit ito narinig. "Hindi ganun, believe me, subrang nagkamali ako. Natakot akong balikan ka, natakot akong magpakita sanyo ni mama dahil alam kong subra subra ko kayong nasaktan. Kinain ako ng subrang hiya ko sa inyo. Naduwag ako, subrang laki ng kasalanan ko sa inyo. Hindi ko alam kung paano ako hihingi ng tawad sayo. Lalo na kay mama." Pansin ko ang paggaralgal ng boses ni Arix.

Pinilit ko pa ring tanggalin ang mga braso ni Arix sa beywang ko pero mas lalong humigpit ang yakap niya. Ayaw niya akong pakawalan.

"Uuwe na ako, Arix." Kinuha ko ang damit na susuotin ko. Pinipilit ko pa ring kumawala sa kanya pero bigo pa rin ako. "Kung para sa ikakatatahimik mo, huwag ka mag-alala pinatatawad na kita. Wala na sa akin kung ano man ang mga nangyari. Ayaw ko na rin sigurong malaman pa." Kahit malaman ko pa,nonsense na rin siguro. Hanggang dito na lang talaga kami ni Arix. "Si mama alam kong hindi ka nun matitiis. Naiintindihan ka nun. Ako din naman Arix, naiintindihan kita. Ang hindi ko lang magets ay kung bakit bigla ka nalang nawala ng walang paalam. Pero tapos na iyon, kalimutan na lang natin. Gusto ko din naman maging masaya ka, you and Sheena. Let me go Arix, uuwe na ako." Lahat ng pwersa ko ay itinudo ko para makawala kay Arix. Nakawala naman ako kaya lang mabilis din ako naakap ni Arix, this time magkaharap na kami. Ganun pa rin ang higpit na akap niya. Iyong tipong wala akong chance para makawala sa kanya.

"Cejs...please stay. Don't go anywhere. Stay with me. Patawad na please...I know hindi ganun kadaling mapapatawad mo ako, I beg you, patawarin mo ako, hihintayin kong dumating yong time na mapatawad mo ko. Please...stay with me, be mine again Cejs. " Hinawakan ni Arix ang aking mukha. Kahit alam ko na ang kanyang gagawin ay hindi ako umiwas. Hinayaan ko lang siya, unti unting lumapit ang mukha niya sa mukha ko. Naramdaman ko ang init ng labi niya nang lumapat ito sa labi ko.

"Be mine again..." kanya naman talaga ako. Unfair lang, dahil siya itong hindi na sa akin.

Natigil ang iniisip ko nang maramdaman kong ipinasok ni Arix ang dila niya sa loob ng bibig ko. Hinanap niya ang dila ko. Napaungol siya, hindi ko sinasadyang sumabay sa pag-ungol niya. Mahal ko talaga si Arix, walang duda iyon. Pero ngayon bakit ang bigat nang nararamdaman ko? Pakiramdam ko nakikiamot ako kay Sheena para kay Arix. Pakiramdam ko subrang kasalanan ito. Pakiramdam ko wala na talaga akong karapatan kay Arix. Pagkatapos nito, ano na ang mangyayari? Iiwanan niya ako, at babalik siya kay Sheena? Isa na naman ba itong ala-ala na madadagdag sa masasakit na alaalang dadalhin ko? Kumawala ako kay Arix," Uuwe na ako..." sabi ko. Hindi na lang ako magpapalit ng damit,uuwe na lang siguro akong nakapajama. Hanggat kaya ko pa, iiwasan ko na lang si Arix. Ayaw ko na ng isa pang masakit na alaala mula sa kanya.

Hindi pa ako nakakarating sa pintuan ay nahawakan na ulit ako ni Arix. Naging mapusok ang mga kilos niya. Hanggang hindi ko na namalayan bumigay na lang ako.

"Cejsss...mahal na mahal kita. Kailangang kailangan kita, huwag mo akong iiwan please. Hinding hindi na kita iiwan." sabi ni Arix.

Hindi ko alam kung totoo ang sinasabi niya.

Unedited:

Written by: mikzylove

*next chap try ko si Arix ang magkwento..😊😊😊

HOW MUCH? I LOVE YOU! (Completed)Where stories live. Discover now