"It's Arix not Ford"

7.5K 295 7
                                    

"It's Arix not Ford"

Sigurado akong driver ni Arix ang nakita ko at hindi kami pwedeng magkita dito. Kailangang makuha ko na kaagad ang cellphone ko para makauwi na ako. Wala ako sa sarili ko nang makarating ako sa room 509. Sana wala na dito si Ford.

The light was already on when I open the door. Wala si Ford. I felt mixed emotions when I saw the bed. Pain and anger. Dito ko naranasan ang pinakamatinding insulto sa buhay ko. Dito ko naranasan ang pinakamasakit na pakiramdam sa buhay ko. It still pains me so much. Gusto ko nang umuwi. Hinanap ko ang cellphone but I saw fresh blood stain in white bedsheet. It reminds me of how much pains I went through just to satisfy Ford's libido. No! I wasn't totally angry with Ford. Sa sitwasyon ko ako nasusuklam.

And then...

The bathroom door opens giving me the biggest surprise of my life so far. There he is, standing in front of me. Pareho kaming tulala. Parehong hindi namin inaasahan na magkikita kami dito. Kagagaling lang niya sa banyo at katatapos lang niyang magshower. Tumutulo pa ang kanyang buhok na hindi pa niya natatapos punasan. Nakasuot lang siya ng kulay puting mamahaling underwear. Iniiwasan ko siyang makita pero andito siya sa harapan ko ngayon. Pareho kaming parang nakakita ng multo.

It was Arix!

Bakit nandito si Arix? Anong ginagawa ni Arix dito? Asan si Ford? Bakit si Arix at hindi si Ford ang nandito? Bakit si Ford ay si Arix? Paanong si Arix ay si Ford? Paanong si Ford ay si Arix? Ayaw magproseso ng tama ng utak ko. Parepareho lang ang tanong ko pero hindi ko masagot.

"Anong ginagawa mo dito?" Sa wakas ay nakapagsalita ako. Hindi ko alam kung paano lumabas pa ang mga salitang ito sa nagngangalit kong mga ngipin. Naglalaban ang mga bagang ko sa tindi ng emosyon ko. Ang kaba ko sa dibdib ay parang bulkang sasabog. Nag-iwas ng tingin si Arix sa akin. Nakita ko ang takot at guilt sa mga mata niya. Hindi niya masagot ang tanong ko. Bakit? Hindi ito ang inaasahan ko sa kanya kung sakaling magkikita kami dito. Pero bakit ngayon para siyang asong bahag ang buntot? Bakit siya ang natatakot sa halip na ako ang matakot sa kanya?

"So it's not Ford but you who just fucked me...." hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil parang masasamid ako. Ang pait ng panlasang lumalabas sa lalamunan ko. Sumusugat sa ibat-ibang parte ng katawan ko. Nilalason nito ang katinuan ko.

"Shut up!" Sigaw ni Arix sa akin.

"You, bastard!" Isang malakas na suntok ang pinakawalan ko sa mukha ni Arix. Hindi siya nakaiwas kaya nasapol ko siya. Kitang kita ko ang dugong dumaloy mula sa ilong niya. Pinagsusuntok ko pa siya. Gusto kong ilabas ang lahat ng galit ko sa kanya.

Pakiramdam ko si Arix ang kasama ko kanina. Ang bulto ng katawan niya.Ang amoy ng pawis niya...ang kinis ng balat niya...ang buhok niya...ang hugis ng katawan niya. Ang hugis ng mukha niya.

Si Arix nga pala. Hindi si Ford kundi si Arix mismo.

Kaya pala kapag nasasabi ko ang pangalang Ford ay nagbago ang kilos niya. Nagiging marahas at malupit iyon. Ang akala niya siguro ay nag eenjoy ako sa ginagawa ni Ford. At syempre never na magugustuhan iyon ni Arix.

I wished it was Arix...pero bakit ngayon nasasaktan ako nang subra? Mas bumaba ang tingin ko sa sarili ko. I felt betrayed by the person I love. Ginago niya ako. Sana si Ford na nga lang at hindi si Arix.

Hindi gumaganti si Arix sa suntok ko. Lahat ng suntok ko'y sinasalo niya. "Sana si Ford na lang...sana si Ford na lang..." Di ko napigilang umiiyak ako sa tindi ng galit ko sa kanya.

Nagbago ang reaksyon ni Arix. Naging parang mabagsik na tigre na ito ngayon. Padaskal na isinalya niya ako sa pader. Nakatuon sa leeg ko ang braso niya at nakahawak nang napakariin sa mukha ko ang isa niyang kamay. Napadaing ako sa sakit.

"I will never be Ford..." Sigaw ni Arix sa mukha ko. "I will never be Ford for the rest of my life..." Marahas na inangkin ni Arix ang mga labi ko. Punong puno iyon ng galit. "I will never be Ford, CJ!" Wala siyang tigil sa paghalik sa akin. Nagpupumiglas ako pero malakas si Arix. Gusto ko siyang itulak pero wala akong lakas. Nasasaktan ako sa paraan ng paghalik niya.

"Bakit CJ hindi ka ba nasasarapan sa halik ko? Bakit nanlalaban ka ngayon? Bakit hindi ka magpaubaya gaya ng ginawa mong pagpapa- ubaya kanina sa akin, kay Ford pala?" Nang-iinsulto si Arix.

"Taena mo...Arix! Gago ka Ford!" Sa tindi ng galit ko nasabi ko ang pangalan ni Ford.

Hinalikan muli ako ni Arix. "Si Arix ako CJ...si Arix ako, hindi ako si Ford. Taena" Tuloy pa rin ang paghalik sa akin ni Arix. Kung saan saang parte ng katawan ko dumampi ang mga labi ni Arix.

"I never dreamed of this. Ayaw ko ito...stop please...stop it...you bastard!" Galit kong sigaw kay Arix. As if he will listen dahil wala siyang pakialam kung nababatos ako. Tuloy pa rin ang kamay ni Arix sa paglakbay sa katawan ko.

"Why should I? Because I am not Ford? Walang karapatan si Ford sayo CJ. You're only mine, hinding hindi ka mapupunta kay Ford. I will kill him first bago mangyari iyon. Not this time. Not with you...hinding hindi na niya ako maaagawan ulit. I won't let that happen."

That's the point. He will do anything or everything kahit masaktan ako at mapahiya huwag lang siyang malalamangan ni Ford. Binili niya ako para hindi maaapakan muli ni Ford ang pride niya. Gaya ng nangyari sa kanya kay Sheena.

He and his pride.

Kung alam lang niya ang hiling ko kanina na sana'y siya si Ford.

"I hate you..." galit kong sabi.

"Yeah...hate me. Hate me for the rest of your life my dear CJ...but you'll be mine for the rest of our lives...I won't let Ford have you, even if he has to kill me or I kill both of you. You'll always be mine." Nangilabot ako sa sinabi ni Arix. Pero di ko maintindihan ang mararamdaman ko when I saw him crying. He's crying.

How I wish I can tell him how much I love him...that I want him also to be mine for the rest of our lives pero ang tingin niya sa akin ay pag-aari niya na bawal maagaw ni Ford.

Gusto ko sana, mahalin niya rin ako.

"Leave me now CJ." hindi ko maintindihan ang emosyon sa boses ni Arix.

Walang salitang iniwan ko si Arix.

Written by: mikzylove

HOW MUCH? I LOVE YOU! (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora