xvii

573 18 6
                                    

Isang linggo na yung lumipas at hindi talaga ako pinansin ni Taehyung. Nagselos nga ata. Pero hindi ko naman kasalanan kung cute si Jungkook diba? :/

Hindi ko na rin sya pinapansin simula nung nginitian nya si Gail sa cafeteria! Aba kung di nya naman ako pinapansin edi tigilan ko na rin! Ang sakit kaya nun. Sa harapan pa mismo ng girlfriend nya! Eh ako nacute'an lang naman ako kay Jungkook at alam nya namang kaibigan namin yun!

Nasa school kami ngayon at simula na ang program. Medyo sumasakit nga yung tyan ko. Hindi ko alam kung dahil ba kinakabahan ako sa program o dahil sa pagod. Isang buon linggo din kasi kaming nagpractice at lagi ng sumasakit ang tyan ko. Hindi pa ako nakakapag-check up.

Naka-upo lang ako sa may likuran ng stage na paggaganapan nung program. Kasama ko si Aki at pati narin sila Taehyung.

"Mia ayos ka lang ba? You look pale" si Namjoon. "Ah oo. Medyo masakit lang yung tyan ko. Sa kaba siguro" sabi ko naman sa kanya pero mukhang hindi pa rin sya kumbinsido. "Taehyung samahan mo si Mia magpacheck up after ng program. Napapadalas ang pag sakit ng tyan nya." Sabi ni Namjoon kay Taehyung na pinapanood ang iba pang nagpeperform. "Ah sige hyung" sagot naman nya. Paano ko sya kakausapin mamaya ? :'(

"AND LET'S ALL WELCOME, LOVE YOURSELF ACADEMY!" at duon na kami nagsitayo at nagready para magsimula sa program.

"WOOOOO SHET! Kapagod! Ang init lalo akong nagiging hot!" Si Jimin. Natapos na kasi ang program at mamaya namin malalaman ang result. "Pandak wag ka nga. Ang hangin eh" si Jungkook. "Yah! Hyung mo ako ah!" Nagtawanan naman sila.

"Aki una na ako. Balitaan mo nalang ako sa result." Paalam ko. "Aano ka?" Tanong naman nya. "Uwi na ako. Ang sama ng pakiramdam ko eh" sabi ko. Iyon talaga ang totoo. Ang sama sama ng pakiramdam ko. Baka sa pagod to at stress dahil di pa rin kami ayos ni Taehyung. Mag-iisang buwan palang si baby kaya sana naman ayos lang sya.

"Oh sige sige-" pinutol ko yung sasabihin nya. "Wag mo nalang sabihin sa kanila na umuwi na ako. Baka mag-alala pa sila eh" sabi ko at umalis na. Kailangan kong ipahinga to.

Habang naglalakad sa field nasalubong ko naman yung pinakadakilang tsismosa na nakilala ko. Kung minamalas ka nga naman oh.

"Hi Mia!" Sabi nya. Lalagpasan ko lang sana sya pero hinarang ako nung dalawa nyang kasama. "Hep, wait lang. Excited ka namang umalis eh." Sabi nya ulit. "Ano bang kailangan mo?" Tanong ko ng maayos sa kanya. "Si Taehyung. Sya ang kailangan ko. I want you to break up with him" aba. Eh hibang pala to eh. "At bakit ko naman susundin ang gusto mo? Yaya o slave mo ba ako? Tabi nga!" Sabi ko at lumakad na. Pero hinatak nya ang buhok ko at pinaupo. Walang nakakakita sa amin dahil nasa may court sila at may program. "Sabi nang sandali lang eh! Ang sabi ko makipagbreak ka sa kanya at dapt mong gawin yun!" Sabi nya at pinagsasabunutan pa ako. Sa totoo lang natatakot ako sa pwede nyang gawin. Ayaw ko naman makipaghiwalay kay Taehyung dahil lang sa sinabi nya.

"Help me girls" sabi nya. Lumapit naman yung dalawa at naramdaman ko yung pagsipa sa akin nung isang babae. Shete hindi ko pwedeng sabihing buntis ako. "Tama na nasasaktan ako!" Sabi ko nalang. "Kung hindi ka makikipaghiwalay sa kanya hindi kami titigil!" Naramdaman ko ulit yung pagsipa sa akin nung isang babae at ang pagsabunot pa sa akin ni Gail. Namamaluktot na ako sa sakit ng katawan at ng tyan ko. "Gail please tama na" pagmamaka-awa ko pero para bang wala syang naririnig. "G-gail please tama na. Maawa ka sa a-anak ko" pabulong ko nalang na sinabi yung huling salita pero hindi ko alam na narinig pala nya. "Buntis ka?" Tanong nya. Tumayo naman sya at pinatigil yung dalawang kasama nya.

"Girls I told you she's a whore." Sabi nya at tumawa. Nakitawa naman yung dalawa sa kanya. "Sinong ama?" Tanong pa nya. "Hindi mo kilala no? Malandi ka kasi!" Sigaw pa nya. "Dapat malaman to ni Taehyung because he doesn't deserve to be with a whore like you" sabi nya at akmang aalis na pero nagsalita ako. "Si Taehyung ang daddy ng batang dinadala ko" napatigil naman sya at tinignan ako na para bang isang napakalaking kalokohan ng sinasabi ko. "Sa tingin mo maniniwala ako dyan? Pwes hindi" sabi nya. "Bakit hindi mo sya tanungin?" Sabi ko naman. "Because I know na hindi si Taehyung ang ama nyan. Hindi nya kayang maakipagsx sa isang katulad mo" sabi nya at tuluyan ng umalis. Wow naman ha. Masyado ba akong pangit para ayawan ni Taehyung?! Leshe sya.

Pero paano na to? Baka ipagkalat ni Gail na buntis ako. Kailangan kong makausap si Taehyung. Pero kailangan ko munang manghingi ng tulong para maka-alis dito. Ang sakit ng tyan ko at hindi ako makakilos ng maayos.

"Y-yugyeom!" Sigaw ko. Kaklase ko sya at nakita ko syang papasok sa may court. Sya lang ang mahihingan ko ng tulong ngayon. "Tulungan mo ako please" pagmamaka-awa ko. Dali dali naman syang lumapit sa akin at tsaka ako tinulungan.

"Doc, where's Mia?!" Rinig kong sigaw ng lalaking gusto kong makausap mula nung magka-away kami. "She's inside, resting" sagot naman ni doc.

Pagkatapos ko kasing magpadala dito sa hospital eh pinasabi ko kay Yugyeom na sabihin kila Taehyung kung nasaan ako ngayon.

"Mia, anong nangyari?!" Tanong nya at mukhang nag-aalala talaga sya. Naalala ko naman yung namgyari kanina. Napaiyak naman ako bigla. "Taehyung alam na ni Gail."

Yugyeom being extra be like. Hehe. Sorry for the lame ud.

Daddy na ako?! [KTH FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon