viii

1.1K 37 6
                                    

Ding dong!

Huh? Ang aga pa ah. Sino naman kaya ang pupunta ng ganitong oras sa amin?

Ding dong! Ding dong! Ding dong!

Aba sandali lang naman. Di nama sya nagmamadali nyan? Jusko 4:30 pa lang ng umaga oh!

Di kaya magnanakaw ito? Geez!

Pumunta ako sa pintuan.

"Sino ka? Wala kang karapatang pumunta at magmadali dito!" Sigaw go.

"Mia ako to si Taehyung. Pakibukas ng pinto! Malamig dito sa labas" sabi nya. So kasalanan ko pa ngayon? Sino bang nagsabi na pumunta sya dito??

"Sandali. Give me a reason muna kung bakit ka pumunta dito."

Actually kanina pa rin ako gising. Maaga nagising eh. So ang ginagawa ko ngayon, naglilinis ng bahay bago pumasok sa school.

"Una. Gusto ko lang. Pangalawa. Gusto ko lang ulit. Pangatlo. Nasabi ko na ba sa iyong gusto ko lang?" Sabi ni Taehyung.

"Sige. Your reasons are invalid. You can go home now."

"Sandali! May dala akong almusal! Para sabay na rin tayong pumasok!" Uyy dinalan nya ako breakfast!

"Okay, pasok ka na" sabi ko at pinagbuksan sya ng pinto.

"Mukha ka na talagang pagkain Mia. Tignan mo para kang bola sa taba. Haha" hinampas ko naman sya.

"Ang sexy sexy ko kaya!"

"Anyway, Mia. Wala ka bang nararamdaman o ano? Nagsusuka ka ba? Nahihilo?"

"Huh? Hindi naman"

"So di ako magiging daddy" sabi nya na parang disappointed ba.

"U-uh Taehyung pero di pa ako dinadatnan eh. Pero di pa sure ha!" Bigla namang nagliwanag yung mga mata nya. Pero mas maliwanag pa rin gums ng kay Suga.

Tumahimik na lang ako at kumain na kami. Ayoko maging awkward kaming magbestfriend dahil lang sa nangyari sa amin.

5:30 pa lang. Two hours pa para sa pasok namin. Manonood na lang kami ng TV. 50 shades of Bangtan.

Sabi nila maganda daw iyon eh. May pitong lalaki daw tapos yaoi. De joke. Inosente po ako. Haha.

"Ano gusto mo panuorin? May 2 hours pa tayo eh" tanong ko sa kanya. D pa rin ako nagrereview. Hehe.

"Kahit ikaw lang habang naghuhuba--ARAY!" Hampasin ko nga sya sa batok. Kabastusan na naman eh ang aga aga. Pwede namang mamayang gabi para mas intense ang mangyayari. Huehue.

"Eh gago ka kasi. Tinatanong ko kung ano dito sa mga cd na ito" sabi ko habang pinapakita yung the grudge tsaka the ring. Galing ko mag-aya ng horror eh takot nga ako sa mga yun. Ahue.

"Ah the grudge na lang. Merong ano dun eh" sagot nya habang naka smirk. Sinusumpong sya.

P'nlay ko na yung the grudge at umupo sa tabi nya. Nasa couch kami. RK ako no! Haha.

"Takte, Mia wag kang malikot!"sabi nya. Paano di ako mapakali. Nasa kalagitnaan na kasi yung palabas at nagstart ng magpakita yung multo. Geez. Nakakatakot.

"Ihhh. Natatakot ako"

"Aaya aya ka pang manood ng horror eh natatakot ka naman pala. Sinabi ko na kasi sa iyong ikaw nalang papanuorin ko habang naghuhubad edi pareho pa tayong masaya" sabi nya. Oo nga naman may point sya. Pero d tama yung ako yung papanuorin nya. Unfair naman kung ako lang yung naghuhubad diba? JOKE! HAHAHA.

"Ako Taehyung tigilan mo ha. Puputulin ko talaga yang hotdog mo kung di ka tumigil dyan"

"Ito naman. Biro lang. I respect you naman"

Tinapos lang namin yung palabas habang nakakapit ako sa damit nya. Chansing. Huehue. Natapos rin namin yun at naglakad na kami papuntang school. Buti malapit lang yung school.

"HHWW tayo Mia. Hehe" aba.

"May kamay ka naman diba? Hawakan mo na lang sarili mong kamay" iritadong sambit ko. Ewan ko. Napapadalas yung pagsusungit ko.

"Sige na. Para naman kung may nabuo man tayo, alam na nilang pagmamay-ari o gusto kita" sambit nya ulit habang nagp'puppy eyes. Ihh ang cute!

"Oh iyan. Bibitawan mo rin ako kapag nakarating na tayo sa tapat ng room" sabi ko at inilagay yung kamay ko sa kamay nya. Medyo awkward kasi nga mag childhood friend kami.

Nakarating kami sa may tapat ng school at pinigilan kami ng guard.

"Manong guard may ID naman po kami ah" sabi ni Taehyung.

"Meron nga pero bawal PDA dito. Magseselos din anak ko na may gusto sa iyo" sabi ni manong guard. Aba may HD pala ang anak nya sa bestfriend ko.

"Wala kaming pake sa anak mo PO. Padaan na po kami at malelate na kami" sabi ko at hinila na si Taehyung sa loob ng school. Ang daming tao. May magaganap na program ata kasi galing ibang school itong mga naandito.

"Sila ba?"

"Di naman sila nagpapansinan noon ah. At bakit ang bilis nyang naging kaclose si Taehyung"

"Baka ginayuma nya"

"Tumaba rin si Mia. Pansin nyo ba?" Sabi ng mga taga school namin. Pati ba naman pagtaba ko napansin nila? Stalker.

Chismis nga naman. Tsk. Di ko na lang sila pinansin at pumasok na kami ng room.

Kumpleto na ang tropang budots kaya humiwalay na sa akin si Taehyung. Pinuntahan ko naman si Akira st nakipag usap hanggang sa dumating na yung professor namin.

"Goodmorning!"

"Goodmorning!" Sagot namin.

"Okay class. Remember noong wednesday, yung sinabi ko sa inyo." Sabi ni prof. Teka, absent kami nila Aki noon. Iyon yung party nya.

"Yes!"

"So iyon nga. You'll not take your midterms muna. May program kasi tayo which is called Historya." Sabi ni prof.

"Yes ma'am! Thanks ma'am!!" Sigaw nila. Paano walang test. Ayos na rin kasi di ako nagreview.

"Yeah. After lunch iyon kaya bale halfday kayo. Iyon lang. Prepare and help the other year level making props. Goodbye! Lets call it a day" sabi nya at lumabas na ng room. Sana di na lang ako pumasok.

"Tara bes tulong tayo sa kanila" aya ni Aki. Ayoko. Tinatamad ako. Ajuju.

"Wag na bes. Tinatamad ako. Inaantok pa nga ako eh. Kanina pang 4:30 ako gising" dahilan ko. Pumayag naman sya. Punta na lang daw kaming cafeteria o kaya man sa yetito. (Like bubble tea shop. Ganern. Haha)

Sa cafeteria din kami nauwi. Pumasok kami tsaka naghanap ng pwedeng upuan. Since ala namang gaanong estudyante, nakahanap kaming magandang pwesto.

Umorder na si Aki ng pagkain namin. Bali pangalawang breakfast ko na ito. Haha. Baka tumaba ako nito.

"Bes oh." Abot sa akin ni Aki pagka-order nya.

Kumain lang kami ng kumain at nagkwentuhan hanggang sa mabusog kami. Nagsialisan na nga rin yung ibang estudyante eh. 1 hour na lang din bago magsimula yung Historya.

"Oh bes, diba iyon yung ex ni Taehyung?" Turo nya sa kapapasok na babae sa may pinto ng cafeteria.

"Wait, nagkaroon ng girlfriend si Taehyung noon?" Tanong ko.

Really???

------
Ohh~ nangangamoy selos. Haha. New character na ba is dis?? Haha. Anyways, wait for the next chapter!

Daddy na ako?! [KTH FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon