xvi

611 17 8
                                    

"Mia, sorry pero sabi ni ma'am kailangan daw lahat magperform para sa elimination. Tsaka lang daw magtatanggal kapg pasok tayo sa finals. Sinabi ko na ngang kakagaling mo lang sa sakit eh" sabi sa akin ni Aki na mukhang nag-aalala talaga. "Hindi, ayos lang. Dalian mo nalang yung ituturo mo sa amin para di ako mapagod! Haha" pabiro kong sabi sa kanya para naman hindi na sya magworry sa akin. Sya rin kasi ang magtuturo sa amin since sya ang president sa klase.

"Noona!" Jungkook. "Oh, bakit ka nandito?" Tanong ko. "Eh noona naman. Magkaklase kaya tayo. Lagi mo nalang kinakalimutan" sabi nya with teary eyes pa. Ang cute cute naman talaga nakakagigil. "Halika nga dito papisil ng pisngi mo!" Sabi ko at ako na rin ang lumapit at pinanggigilan ko ang pisngi nya. "Ang cute cute mo talaga!" Nakita ko naman na pinamulahan sya ng mukha. Hehe.

"Ehem." Bigla naman kaming napatingin at nakita kong si Taehyung yun na nakabusangot ang mukha. Hala anong ginawa ko? :/

"Kung maglalandian kayo wag sa lugar na kung saan pwede kong makita. Ang sakit sa mata." Sabi ni Taehyung at pumunta sa may upuan nya. Sumunod naman din yung iba at naiwan kaming nakanganga ni Aki at Jungkook. Oo literal na nganga! Ang drama!

"Hyung sandali huhu!" Habol naman ni Jungkook sa kanya! Ano to VKook?!

Pumunta naman ako sa upuan ko which is katabi ng kay Taehyung. "Hi" sabi ko. Pero hindi nya ako tinignan! O baka naman hindi nya narinig o kaya man iniisip nya na iba yung kinakausap ko? "Hello Taehyung :)" ulit ko pa. Pero ang loko inirapan lang ako! Kailan pa sya natutong umirap?!!!

Hindi ko nalang sya pinansin dahil wala naman din ata syang balak na kausapin ako. Nakakainis lang dahil kapag yung isa nyang katabi ang kumausap sa kanya sinasagot nya! Aba leshe!

Dumating si ma'am at ginroup lang kami sa dalawahan. Kagroup ko si Jungkook na mukhang nagulat dahil nga sa nangyari rin kanina. Natakot kay Taehyung. Tinignan ko naman si Taehyung na ang sama ng tingin sa aming dalawa. Hala ano ba to :'(

"Okay class, this will be your project in english. You need to present poem in page 97 for girls and page 99-100 for boys. I want to see your expressions here. I don't want you to just memorize that. You need to show that infront with feelings. Understand?!" Sabi ni ma'am at tumango naman kami. "Okay. I'll give you the excess time so that you can practice with your partner" sabi ni ma'am at tsaka lumabas na.

Nagpuntahan naman kami sa mga kagroup namin. Si Taehyung kapartner nya yung kaklase naming babae na hindi na dapat imention ang name kasi extra lang sya sa story.

"Noona, natatakot ako kay Taehyung hyung. Hehe" sabi sa akin ni Jungkook pagkalapit nya. "Baka di mo na ako makita bukas nyan noona" ha bakit naman. "Eh? Bakit naman?" Tanong ko. "Baka patayin ako ni hyung sa selos" napatawa naman ako. Si Taehyung nagseselos?! Kay Jungkook? Haha. Lol. "Hindi yan. Pahiramin mo nalang ako ng book mo. Yaan mo na sya" kinuha nya naman yung book nya at nagsimula na kaming magbasa.

Nga pala! Ang sabi ni Aki sa akin wala ng klase ah!! Bakit may ganito sa english?!

"Taehyung" tawag ko sa kanya. Naglalakad kami ngayon papuntang cafeteria. At hanggang ngayon di pa rin nya ako kinakausap. May mens ata. Joke. "Taehyung" isa pa. "Ano ba yun?!" Nagulat naman ako sa pagsigaw nya. Gusto ko lang naman syang kausapin eh. Naramdaman ko naang na nagiinit yung mata ko at malapit ng tumulo yung luha ko. Ganon ba talaga pag buntis?! Nakakainis huhu.

Nabigla naman sya sa naging reaksyon ko. Pero dahil mataas ang pride nya ngayon, iniwas nya ang tingin nya sa akin. At duon ako umiyak talaga ng husto. Humagulgol talaga ako na halos pagtinginan na ako lahat ng nadadaanan namin. Si Jungkook naman mukhang nag-aalala pero lumayo sa akin. Baka siguro iniisip nyang magagalit si Taehyung kung lalapit sya sa akin. Huhu. Walangya. Buti nalang at nandyan si Aki kaya sya ang nilapitan ko. Hinatak ko talaga sya kay Namjoon.

"Pahiram muna kay Aki" sabi ko at si Aki ang pinagpunansan ko ng luha ko. "Aba leshe nilayo mo ako kay Namjoon para pagpunasan ng luha?!" Sigaw nya. Nagpeace sign nalang ako sa kanya.

Tumigil na rin ako sa kakaiyak at hindi ko na rin tinabihan si Taehyung sa upuan sa may cafeteria. Pinaupo nalang ako ni Aki sa pagitan ni Hoseok at Suga. Walangya. Gusto ata talagang magalit si Taehyung.

Tinanong sa akin ni Aki kung ano daw bang gusto kong kainin dahil nakakahiya naman daw sa akin dahil kakagaling ko sa iyak. Pero akala ko ilibre ako. Dahil pagkatapos kung sabihin ang order ko, nagulat nalang ako nang makita kong hawak nya na ang wallet ko!

Tumayo silang lahat at umorder. Oo silang lahat! Iniwan akong mag-isa dito sa may table namin!

"Oh well, well, well." Rinig ko sa may likuran ko. Nagulat naman ako ng mapatingin ako kay Gail. "Someone told me na kayo na daw ni Taehyung?" She glared at me. Bakit ba kasi iniwan nila ako dito!!! "And someone also told me na kayo na ni Taehyung pero nilalandi mo si Jungkook? What a whore." Sabi pa nya. Wala ba syang magawa kung hindi sumagap ng tsismis?! At anong whore?! "Anong whore pinagsasasabi mo?! At tsaka sino namang nagsabi sayo nyan?" Inirapan nya muna ako bago magsalita. "Of course I have a source" source of tsismis.

"First of all, oo kami na ni Taehyung. Pangalawa, hindi ko nilalandi si Jungkook. At pangatlo, pwede bang bawasan mo ang pakikinig sa tsismis?" Ako naman ngayon ang nagtaas ng kilay sa kanya. "You bitch-" sasampalin nya sana ako pero naphinto sya dahil papalapit na sa amin sila Taehyung. "Oh hi oppa" sabi nya kay Taehyung. Sinamaan ko nalang sya ng tingin. "Anong ginagawa mo dito?" Sabi ni Taehyung at nginitian sya. NGINITIAN NYA SI GAIL! "Makikijoin sana ako sa inyong kumain" sabi nya pa. Ang kapal ng mukha! "Sige" ang sabi ni Taehyung and Gail shows me her victory smile.

Ako'y nagbabalik readersssss!! :')

Daddy na ako?! [KTH FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon