xiii

975 36 4
                                    

Pasukan na.

Ayos naman ang mga nangyayari sa akin nitong mga nakaraang araw. Medyo nakakaranas lang ng pagkahilo.

So iyon nga. Pasukan na at susunduin daw ako ng bangtan ngayon.

Thirty minutes pa bago sila dumating. Feeling ko male-late kami. Paano ba naman, 7:30 na at maglalakad pa kami papuntang school! Mga leshe sila. Tapos ala pa si Akira. Kasabay ng daddy nya.

Maglilinis muna ako ng apartment at kakain muna ng breakfast.

Kaso ang pinoproblema ko eh baka magsuka lang ako.

Ganoon kasi ako ngayon. Kapag naparami o wala sa kondisyon ko ang pagkain, magsusuka lang ako. Dulot siguro ng pagbubuntis.

*Ding dong!*

Oh. Akala ko ba maya maya pa sila?

Dali-dali kong binuksan ang pinto at shett na malagkit! Ano ang ginagawa nito dito??!

"Goodmorning, Mia~" sabi ni Gail. Oo si Gail nga! Yung ex o present ba ni Taehyung! Umaano ito dito?

Tinaasan ko lang sya ng kilay.

"Ahmm. Di mo ba ako papapasukin?" Tanong nya.

Hind--

Bigla syang pumasok sa apartment ko! Aba bastusan pala ang gusto ng isang to ah!!

"Tagal mo kasi. Nangangawit na ako" sabi nya na medyo naiinis. Bakit, kasalanan ko ba na pumunta sya dito?!

Di ko akalaing may pagkamasungit ang isang ito. Akala mo tatahitahimik pero hindi pala.

"Bakit ka ba naandito?" Tanong ko.

"Sasabihin ko lang na don't come near Taehyung. May nagsabi kasi sa akin na nagkakamabutihan na kayo?" Tanong nya with matching taas kilay pa.

Ano naman kung oo?

"He's my childhood friend. At sino ka ba para pagsabihan ako ng ganyan? I don't even know where the hell you came from." Sabi ko. Nakaainis ah!

"Ako lang naman si Gail Javier, Taehyung's GIRLFRIEND. Kaya kung ako sa iyo, kahit childhood friends pa kayo, don't make a move or take advantage with him. Don't mess with me!" Sabi nya at umalis na. Buti naman!

Wala akong pake kung sila ni Taehyung! Ang akin lang, panagutan ni Taehyung ang anak namin! Mga leshe silang malalandi sila!

Gail's madly in love with Taehyung.
-
"Ang tagal tagal nyong dumating kanina! Mga walanghiya kayo!" Sigaw ko sa kanila habang naglalakad papuntang school. Di ko sasabihin na pinuntahan ako ni Gail. Baka kung ano lang isipin nila.

"Ang init-init ng ulo mo, babe. Ganyan ba talaga pag buntis?" Sabi ni Yoongi.

Nasabi ko na ba sa inyong nanliligaw pa rin si Yoongi? Bahala na sya. Ayoko sana syang paasahin pero di ko naman masabi sa kanya na itigil na nya.

Napapansin ko rin na parang mas nahuhulog sya sa akin kahit nalaman nyang buntis ako? Mas concerned pa nga sya kaysa kay Taehyung eh.

Di ko nalang sya pinansin. Medyo naguiguilty ako kasi di ko man lang masuklian yung pagmamahal na binibigay nya.

"Mga leshe kasi kayo! Kung maaga kayong pumunta, edi sana na sa school na tayo ngayon!" Sabi ko.

"Bat ba ang bilis nyo maglakad!" Sabi ni Jimin.

"Iksi kasi ng bi-as mo! Hahaha" sigaw nila.

Wait. Nasaan si Taehyung?

"Kasama ni Gail si Taehyung. Nakasalubong kasi namin. Ito sinama sya ni Gail" sabi ni Jungkook.

"Alam ko hinahanap mo sya" dagdag pa nya.

"Di ko sya hinahanap" sabi ko.

"Halata namn sayo" sabi ni Jungkook.

"Mga leshe wag na nga pag-usapan yun" sabi ko at iniwan sila.

Pumasok na ako ng school at mga nakasunod lang sila sa akin. Mga buntot!

"Bakit ba sunod kayo ng sunod sa akin??? Nakakainis na ah!" Sabi ko.

"Bobo mo Mia. Pareho tayo ng room kaya nakasunod kami sayo" Akira. Okay ako na bobo.

Nakakabobo ang pagbubuntis. Ajuju.

"Edi wow. Porket kayo ang saya saya ng buhay nyo binobobo nyo na ako!" Sabi ko sa kanila. Naiiyak ako. Inaaway nila ako :'(

"Ang drama mo! Wag kang magpahalata sa kanila kung ayaw mong mapatalsik dito sa school." Sabi sa akin ni Akira. Oo na sige na. Lagi nalang akong mali sa mga pinaggaga-gawa ko. :/

Kesa sa magdrama, pumasok na lang kami sa room at nagbasa-basa. May quiz kami ngayon sa math.

Kailangan kong magpakita ng good traits dito para kapag nalaman nilang buntis ako eh hindi nila ako paalisin agad. Hehe.

5minutes.

5minutes ng late prof namin -_- sana pala late nalang kaming nagsipasok.

"Goodmorning, class! Sorry for being late. Kinausap lang ako ng principal natin."

"And bring out a one whole sheet of paper and ballpen. Wala akong ibang makikitang gamit sa table nyo kungdi papel at ballpen." Sabi pa ni prof.

Iyon nga, naglabas na kaming lahat ng papel at ballpen. Pinasa na rin sa amin yung sasagutan namin.

Pagtingin ko sa test paper.....easy! Joke. Sheez wala akong naintindihan sa binasa ko kanina. Ajuju. Baka bumagsak ako nito :'(

"Mr. Kim why are you late? Don't you remember that we have a quiz?" Sabi ni prof.

"Ah..eh ano po kasi. Heh-"

"Okay go to your seat and take a quiz na."

Di man lang sya pinatapos magsalita. Di ko tuloy nalaman dahilan nya. Pero for sure namn si Gail ang dahilan.

Di ko alam kung bakit nagseselos ako. Hindi ko alam kung bakit ang init ng ulo ko kay Gail. At tsaka akala ko ba makikipag-break na sya kay Gail?

Naglolokohan lang ba kami ni Taehyung? Papanagutan nya pa ba ako??

-----
Yan na readers!! HAHAHA. Sorry for the lame update. And very sorry for not updating the last time. Mianhe.

Daddy na ako?! [KTH FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon