Send: 96 °

4.7K 156 12
                                    

Third person's POV

"Galing MeThal ah! Usapan 7:00 am, hindi 7: 30!" gigil na gigil na sabi ni Jasper kayna James at Thalia.


"Nandito na nga kami e. Masyado kang excited. Haha!" sagot naman ni James.


Masayang nag-uusap ang bawat isa, at mahahalata mo talaga sa mga mata nila ang excitement sa pagpunta sa EK. Inihanda na nila ang mga dala nilang snacks para kahit nasa biyahe sila, hindi sila magutom. Inilagay na nila ito sa iisang bag, at nilagay na sa sasakyan na gagamitin nila.


Dahil sa pagiging excited nila gusto na nilang umalis agad, parang akala mo aalis 'yung EK e. Nangu-nguna si Jasper sa paglabas ng bahay nila Alex, halatang halata mo sa kanya ang excitement.


Handang handa na sila sa pag-alis, ngunit...


"Kumain muna kayo ng breakfast! Hindi naman aalis ang EK sa pwesto kung ma-late kayo!" sabi ng Mama ni Alex.


Ang masayang ngiti nila kanina ay napalitan ng pilit na ngiti. Hindi naman sila makatanggi, dahil nakakahiya naman. "Excited pa naman na ako! Kakain pa kasi dami namang snacks sa bag." bulong ni Jasper. Siniko ni Denisse si Jasper dahil sa inasta nito.


Labag sa loob nilang sinunod ang mama ni Alex.


Kung kanina parang labag sa loob nila ang kumain, ngayon naman para silang mga hindi nakakain ng isang linggo! Masyado lang silang nadadala ng sobrang excitement kaya hindi nila napansin na gutom pala sila.


Samantala si James naman ay sayang-saya sa pagkain, na kahit ang pagkain ni Thalia ay kinakain na rin niya.


"Baebe, kain ka pa. Mahaba-haba ang biyahe mamaya ah." sabi ni James kay Thalia.


"Oo na. Ikaw nga 'tong kumuha pa sa plato ko, parehas lang naman tayo ng pagkain," natatawang sagot ni Thalia.


Iniwan nalang nila ang pinagkainan nila, dahil nga 8:30 am na raw. Nangangamba sila na baka ma-late sila.


"Thanks sa pagkain titaaa! Una na po kami!" masiglang sabi ni Jasper sa Mama ni Alex.


Tumakbo na sila papuntang sasakyan, na akala mo ay maa-agawan ng mga pwesto.


"OHYEAAAAAH! EK! HEREEE WE COMEE!" sigaw ng bawat isa.


Napuno ng tawanan ang buong sasakyan dahil sa kakulitan nila.

=

Kishika's note:

Hindi po ako marunong mag-narrate. :<

Wrong Send  | j.jk & c.tyWhere stories live. Discover now