Send: 85 °

4.7K 183 15
                                    

Thalia Chou

Pagkapasok ng Adviser namin may mga lalaking naka-abang sa labas. Sila na yata 'yung transferrie galing sa ibang section.

"Okay. Good morning class," bati ni Mam. Tumayo naman kami at, "Good Morning Mam."

"Okay, please sit down."

"Before we start our, periodic examination. I just want you to welcome your new classmates. So alam niyo naman sigurong may lipatan na naganap dahil bago na ang principal ng school. Expect niyo na rin na pati ang schedule niyo ay mababago na. Okay? Boys please come in. Introduce yourselves."

Nagkaroon ng bulong-bulungan ang mga classmates ko, and nagkatinginan kami nila Shane, Denisse and Mina. Hindi kasi kami magkakatabi, dahil naka-alphabetically arranged kami.

Nagulat ako dahil hindi ko expected na sila ang lilipat sa section namin, although magkatabi lang nman ang section namin sa kanila. Well okay na rin na sila ang transferrie, kasi buo na ang tropa. Nakakapagtaka lang, bakit si James lang ang hindi ko na-meet sa tropa?

Unang nagpakilala si Theo, then sunod sunod na hanngang kay Alex. Nang si James na ang magpapakilala...

"Hello everyone, my name is James Jeon," sabi niya ng nakangiti at kumaway.

Umupo na sila Theo, Jasper and Alex. Si James wala ng mau-upuan. Saktong wala 'yung katabi ko kaya du'n na agad siya pumwesto. Nginitian niya ako at lumapit na sa tabi ko.

"Hi Baebe, " sabi niya sa akin, with matching kindat pa. "Flowers for youuu, " naka-ngiting sabi niya, at binigay niya sa akin ang three red roses. Take note, fresh pa siya.

"T-thanks," awkward na sabi ko at nag-iwas na ng tingin.

Ayan na naman siya, binibigla na naman ako!

Wrong Send  | j.jk & c.tyWhere stories live. Discover now