Send: 81 °

5.5K 188 42
                                    

Thalia Chou

---
James Jeon replied to your message...

James:
Tingin ka na dito sa labas.

Thalia:
Myghad!

---

Dali-dali akong tumayo para tingnan kung toto ba 'yung sinasabi niya. Napatigil ako dahil nandito nga siya sa bahay namin. Nang makita niya ako nginitian niya ako at nagsimula siyang mag-strum ng kanyang gitara.

Ayan na naman 'yung nakakainis kong puso ang bilis na naman ng tibok.

Ano ang iyong pangalan
Nais kong malaman
At kung may nobyo ka na ba
Sana nama'y wala

Napatitig ako sa kanya, hindi ko alam sa sarili kung ba't ayoko ng umalis sa pwesto ko ngayon at babain siya. Ang ganda ng boses niya, nakaka-inlove.

Di mo ko masisisi
Sumusulyap palagi
Sa'yong mga matang
O kay ganda o binibini

Ang pagkanta niya feeling ko mula sa puso talaga, bawat word damang-damang niya. Habang nakatitig ako sa kanya, napapangiti nalang ako ng wala sa oras.

Sa'yong mga matang, O kay ganda o binibini, pagbigkas niya ng line na 'yan tumingin sa sa akin at kinindatan ako.

OMYGHAAAAD, HOWWW TO CALMMM! OKAY THALIA KALMAAA, DALAGANG PILIPINA TAYO OKAY? K stop.

O ang isang katulad mo
Ay dina dapat pang pakawalan
Alam mo bang pag naging tayo
Hinding hindi na kita bibitawan
Aalagaan ka't di pababayaan
Pagkat Ikaw sakin ay Prinsesa

Habang kumakanta siya nakatitig lang siya sa akin. 'Yung feeling na damang-dama mong para sayo naka-dedicate 'yung kanta nya, tapo---

"THALIAAA! WALA KANG BALAK BUMABA DYAN! MAY NANGHAHARANA NA SA IYO DITO SA BABA OH!"

Napatigil ako nang marinig ko ang boses ni Kuya, lagot! Ngunit hindi ko mai-kaila, kinikilig parin ako, myghad! Mabilis pa sa alas-kwatro ako bumaba, dahil baka pag-initan ako ni Kuya.

Pagka-baba ko nakita ko 'yung mga tingin ni Kuya. Nako, kuya kung alam mo lang, pinipigilan ko 'yang pumunta dito sa bahay, pero buti nalang pumunt--- k Thalia babae ka. Huwag papadala sa bugso ng damdamin.

Magsasalita na sana si Kuya sa akin, pero hinila na ako ni Lola.

"Apooo, tara na sa labas. Hinaharana ka ng isang gwapong lalaki! Naku, apo ang ganda mo talagang bata ka. Tara bilisan mo na! Baka matapos na 'yung kanta, ang ganda ng boses. "

Hinimas-himas pa ni lola 'yung buhok ko, at mukhang siya pa 'yung kinikilig sa akin. Shocks! Buti nalang suportado ako ni Lolaaa, landeee!

Pagkalabas namin, nandu'n na sina Lolo. Nakikinig din sa panghaharana ni James. Jusko, nawiwili sila masyado ah.

Mas malapit kong nakikita si James ngayon, kumpara kanina. Mas gwapo talaga siya sa malapitan. Sa nangyayari ngayon, feeling ko kaming dalawa lang ang nandito, parang tumigil 'yung oras, parang slowmo...

Di ako naglalaro
Di ako nagbibiro
Pagbigyan mo lang sinta
Nang sayo'y mapakita

Na ang isang katulad mo
Ay dina dapat pang pakawalan
Pangako kong pag naging tayo
Araw araw kitang liligawan

O ang isang katulad mo
Ay dina dapat pang pakawalan
Alam mo bang pag naging tayo
Hinding hindi na kita bibitawan
Aalagaan ka't di pababayaan
Pagkat Ikaw sakin ay Prinsesa

Kung kanina steady lang siyang kumakanta. Ngayon, palapit ng palapit na siya sa akin! Hala, 'yung feels ko! Ang gwapo ni James! Wow, just wowwww.

Prinsesa.
Prinsesa.
Prinsesa.

Tumigil siya sa pag-strum, at hinawakan ang kamay ko.HALAAAAA, YUNG FEELS KOO! NANGINGINIG AKO NGAYON, FEELING KO RIN NAGBA-BLUSH AKOO! JAMEES BA'T KA GANYAN?

"Tulad mooo...," sabi niya at hinalikan ang kamay ko. Omg! James! Kinikilig ako, oo! Kaso nasa harap tayo ng pamilya ko ngayon! Baka pagalitan ako!

"EHEM," ang overacting ng ubo ni Kuya, ang epal niya ngayon ah? Hello? Moment ko 'to.

Napabitaw agad si James ko nang ma-realize niyang hawak niya pa pala ang kamay ko.

"Hello po! Mr. & Mrs. Chou," magalang na pag-bati ni James.

"Hello din Iho, " naka-ngiting bati ni Lola. Ay pak! Feeling ko boto sina lola at Mama, pero sina Papa, Kuya, and Lolo? I don't think so...

"Ahmm, sorry po sa abala. Ngunit nais ko lamang pong sabihin sa inyo gusto ko pong hingin ng pormal ang basbas mula sa inyo," Nahihibang na ba 'to si James? Basbas? Ano magpapakasal lang?

"Gusto ko pong ligawan si Thalia, pwede po ba?"

"Sa loob natin pag-usapan yan," mabilis na sagot ni Papa. Nakita ko naman si Kuyang napa-ngisi nalang.

Hala, masama ang kutob ko, ang kakaiba ng tingin nila kay James! Sana naman payagan nila.

Ang sungit nila Papa ngayon hindi naman sila ganyan. Nginitian ko nalang si James at sinenyasan ng goodluck. Ngitian niya naman ako at nag-wink pa sa akin.

'Yung pusooo ko! Mygosh,masyadong bumibilis ang tibok, jusko, baka magkasakit na ako dahil sayo James!

---

Song used:

Tulad mo by Tj Monterde.

Wrong Send  | j.jk & c.tyWhere stories live. Discover now