Chapter 69: Part Two

69.9K 2K 743
                                    

Chapter 69 Part Two: Gangdo and Kitty Pom Pom

A/N: Para sa mga nagbasa ng aking kaartehan, at sa mga nagmessage sa akin. MARAMING SALAMAT. Para sa mga, nagtiyaga sa aking story, MAHAL KO KAYO.  

 

This is it Ghuise. Wag kayong madisappoint sa ending ha? :)

Play the Multimedia: Last Kiss by Taylor Swift

Edited Picture --->

--

 

[3rd Person’s POV]

Kasing labo ng paningin ni Daney ang bintana ng taxi na sinakyan niya. Kanina pa siyang nagmumura dahil sa traffic. Marami ang stranded dahil sa baha. Kanina niya pa ring gustong pahintuin ang mga mata niya pero hindi niya magawa.

“Luhan you’re such a jerk.. Bakit, ngayon mo pa naisipan to? Bakit ngayon pa kung kailan hindi maganda ang panahon? Please, isang text lang malaman ko lang na ligtas ka pa rin… Please Luhan..”

As if on cue bigla na lang nagvibrate ang kanyang phone, but disappointment stroked her ng mabasa niya ang sender.

 

From: Ria

 

Daney, nasaan ka ba? Alam na naming hindi natuloy ang flight, binalita sa tv. Nasaan ka na ba? Hindi pa rin namin alam kung nasaan si Lulu. Nag-aalala na kami.

Hindi siya makapagreply dahil hindi siya nakapagpa-load kaya’t minabuti niya ang umalis na lang sa taxi. total ay hindi rin naman naandar ang bigat ng traffic. Pero nang magbayad na siya ay nagsalita ang driver.

 

“Miss, saan po ba kayo papunta? Kung papunta po kayo sa Arcade King, sa Star Mall, o kaya naman po ay sa Resort sinasabi ko na po sa inyong hindi kayo makakapunta. Sobrang dami pong tao dun Ma’am. Baka po bukas pa kayo makapunta dun. Puno na rin po lahat ng hotel na malapit. Yung kapatid ko po kasi pupunta sa Star Mall malapit dun sa Resort e, nastranded po sila. Kung makakatulong man po yung sinabi ko Ma’am, ingat na lang po kayo.”

Parang binagsakan siya ng isang libong yelo sa ulo nang marinig niya yun. Napatitig pa siya sa mukha ng binatang driver bago tuluyan niyang na-absorb ang lahat ng kanyang sinabi.

“K-kailangan kong pumunta sa resort.. Kailangan ko talaga..” Nakatapak na siya ng semento nang magsalita ulit ang binata..

“Bakit po Ma’am? May kamag-anak po ba kayo dun sa mga natagpuang patay?”

 

Sa isang iglap, dumoble ang lumabas na luha mula sa mga mata niya. Isinarado niya ng malakas ang pintuan ng taxi. Hindi makapaniwala sa mga narinig.

Never Been Your Fangirl- PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon