Chapter 54

76.8K 1.9K 884
                                    

Chapter 54:  Story Behind

A/N:

Isa sa mga reason kung bakit ayaw kong magcombo ng updates ay dahil nanghihinayang ako sa comment. :P Vote kayo ha!

Enjoy~

.

 

[Daney]

Pumunta ako sa tambayan. There I saw them glancing with happiness. Parang gusto ko silang sawayin! May ginawa silang hindi dapat!

“Daney… Why are you… crying?” Mina asked. Tiningnan ko sila isa-isa, wala silang alam sa nangyare.

[Rhu]

Matalim ang tingin sa amin ni Daney. Alam kong mali ang ginawa namin pero para naman sa kanya yun.

Dalawang araw kaming wala sa rehearsal dahil sa pagplano namin at pagsagawa nung paghihiganti kay Trinity. Kaming mga babae lang except kay Aries. Ang exo, ayaw daw nilang sumali sa paghihiganti. Mga santo! Hindi marunong ipaglaban ang kaibigan! Sinugod namin si Trinity sa ospital. Hindi namin siya sinaktan physically. Emotionally siguro, Oo. Tingin ko mas masakit yun dahil kung anu-anong sinabi namin sa kanya tungkol sa relasyon ni Daney at ni Luhan, kung gaano sila kasaya nung mawala siya. Iyak siya ng iyak nun at halos hindi na makahinga , pero wala pa yun sa naranasan ni Daney! Mas nakakaawa ang kaibigan namin! Nasaktan siya physically and emotionally! Buti nga’t napigilan ko pa ang sarili kong sampalin siya dahil ang kapal kapal ng mukha niya sa pagpapakita at pagmamakaawa kay Luhan! Isa naman tong si Luhan, nagago na nga nagpaka tanga na naman!

“No need to thank us Daney, we did it only for you…” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla siyang lumuhod at tinakpan ang mga mukha habang umiiyak.

“Pakiusap… Sabihin niyo ang totoo kay Luhan! Wala naman akong sinabing paghigantihan niyo ako diba?”

 

Nanghina ako sa sinabi niya, anong ginawa ni Luhan? Mukha siyang nagmamakaawa. Basa ang mukha niya at mukhang kakagaling lang ng mata niya sa pagiyak.

 

“Pero tama lang yun! Dapat lang sa kanya yun Daney! Wag kang makiusap sa amin na bawiin lahat ng yun!” Ani ni Ria na nangingintab na ang mga mata at ilang sandali lang ay iiyak na rin gaya ni Mina at Kheil.

“Hindi e. Hindi Rhu! Mali! Kasi hindi naman si Trinity ang gumawa nun sa akin!” Sigaw ni Daney.

No, hindi. Hindi, hindi totoo ang sinabi niya. Kung totoo man yun edi… Edi sinaktan namin si Trinity kahit wala siyang ginagawa. Nasa ospital siya at mukhang bumalik na naman ang sakit niya, tapos ginawa namin yun?

Napapikit ako at napakagat sa labi ng mariin.

Never Been Your Fangirl- PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon