Your Time's Up: 2

535 16 8
                                    

Ngayon ang unang araw ng klase namin at dalawang araw na rin ang nakalipas mula ng mangyari ang aksidente sa dorm

Katulad nga ng sabi ng matandang babae, naging sekreto nga ang pagkamatay ng isang estudyante

Walang kumalat na balita tungkol sa nangyari at lahat ng mga saksi ay maingat kapag pinag-uusapan ito

Katulad nalang namin

Pero hindi parin maalis sa isip namin yung naging reaction ni Keith

Pagkatapos ng klase ay dumeretso kami agad ni Paula pauwi sa dorm

Pagkarating namin sa kwarto ay nilock agad namin ang pintuan

“Naniniwala ka ba sa sinabi ni Keith?”

Hindi ko mapigilan na hindi matanong yan

Hanggang ngayon kasi hindi parin talaga tuluyang nawawala sa utak ko ang bawat reaksyon ni Keith nung araw na yun

“Hindi ko alam pero kung totoo man yun hindi ko mapigilang hindi matakot”

“Pero pano kung si Keith yung suspect?”

Napahinto ako sa sinabi ko

Nagulat ako na bigla nalang yun lumabas sa bibig ko

Tinignan ko si Paula na halatang gulat din sa mga tanong ko at bigla siyang sumeryoso

“Hindi ko din maiwasan hindi magduda sakanya kung kilala mo ang tunay na Keith mapagdududahan mo din talaga siya”

Totoong Keith?

“Anong ibig mong sabihin Paula?”

“Ha? Ahh wala wala yun, wag mo nalang akong pansinin nadala lang siguro ako ng takot”

Bigla siyang tumayo at umiwas ng tingin sakin

“Halika na, ayain na natin sila maghapunan sa labas”

Sumunod nalang ako sakanya pababa

Nang makarating kami sa baba nakita ko na may kasama sila Grey na isang lalaki

“Keith! Grey!”

Agad naman silang lumingon samin nung tinawag sila ni Paula

Agad naman kaming lumapit sakanila

“Uy ano halina kayo?” – Grey

“Teka hindi mo ba kami ipapakilala?”

“Ahh oo nga pala Bianca, Paula si Reiner” – Grey

Nakatingin lang siya sakin na para bang naghihintay ng kung anu sakin

“Keith! Wait!”

Napaiwas ako ng tingin sakanya at tinignan si Paula na hinahabol si Keith palabas ng dorm

Agad naman kaming sumunod sakanila

Dumeretso lang kami sa isang fastfood chain malapit sa dorm

Nang makarating kami dun wala ni isang nagsasalita samin

Kahit na maraming tao sa paligid, nakakabingi ang katahimikan sa aming lima

“Paula halika na order na tayo”

Hinila ko si Paula papuntang cashier para umorder

“Alam mo Paula, ang weird nung Reiner”

Your Time's UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon