Chapter 30: Revelation and The Marriage Proposal

129 1 0
                                    

Kathleen's POV

Alas kwatro ng madaling araw ng magising ako. Naramdaman kong nakayakap sakin si Justin at tinignan ko ang buong paligid. Oo nga pala! Nangyari na naman!

Dahan-dahan kong tinanggal ang braso niya sa pagkakayakap sakin at dahan-dahan na tumayo. Kinuha ang mga underwear ko. Pagkatapos ay nagtungo ako sa isang silid na pinaglagyan ng mga gamit namin. Agad kong kinuha ang mga ito at isinuot. Dali-dali kong inayos ang sarili ko.

Bigla kong naalala ang mga nangyari samin dalawa. Napangiti ako ng bahagya. Bago akong umalis ay pumilas ako ng isang kapirasong papel sa dala kong booklet at sumulat. Pagkatapos nun ay pinuntahan ko siya at tinitigan habang natutulog.

"Mahal na mahal kita.  Salamat sa lahat." pagkakasabi ko nun ay hinalikan ko siya sa noo. Tumayo ako at umalis na sa lugar bago siya magising.

Justin's POV

Nagising ako nang wala na siya sa tabi ko. Agad ko siya hinanap sa buong paligid ngunit nabigo akong makita siya. Nagpasya akong magbihis at may napansin akong isang papel na nasa ibabaw ng maliit na mesa. Agad ko itong kinuha at binasa.

I'm sorry if I didn't wake you up. I just wanted to say, I'm sorry and I love you. Di ko pinagsisihan ang nangyari satin dalawa. Dito ko napatunayan na mahal mo pa ako.

Huwag kang mag-alala. Magiging lihim ito sa ating dalawa. Aayusin ko din ang lahat. Hihintayin ko ang tamang pagkakataon para sabihin natin sa lahat ang buong katotohan. Handa akong maghintay.

                                        Kathleen

Agad kong tinago ang papel at nagbihis. Bigla kong naalala si Rhian. Ayoko siyang masaktan. Kelangan na niyang malaman ang totoo.

Pagkatapos kong magbihis ay agad akong bumaba. Pagkalabas ko ng school ay nakita ako ni Mang Jun. Isa sa mga nakakaalam ng sikreto ko. "Mahal na mahal niyo talaga ang isa't isa. Nakita ko kayong dalawa kagabi. Ayoko lang kayo guluhin kaya nagpasya akong umalis sa lugar na iyon. Alam kong naguguluhan ka. Pero ito lang ang masasabi ko. Piliin mo ang isang tao na tunay na nagmamahal at nagpapasaya sayo." Pagkatapos sabihin ay tinap niya ang braso ko at sumakay sa motor nito. Pagkaalis ni Mang Jun ay pumara ako ng taxi at sumakay.

Kahit naguguluhan ay kelangan ko nang pumili. Kelangan ay magparaya ako. Alam kong masasaktan ang isa dahil pinili ko ang isa. Pero sa kabila ng lahat ng iyon ay nagpapasalamat ako na naging parte siya ng buhay. Kahit nasaktan ko siya ay alam kong sa darating na panahon ay tatanggapin niya pa din ako.

Mas pinili kong dumiretso ng uwi sa bahay namin. Pagkatapos ay nadatnan kong si Rhian na nakaupo sa sala kasama si papa na humihigop ng kape. Biglang napalingon si Rhian sa direksyon ko at patakbong lumapit sakin.

"Thank God you're safe. Pinag-alala mo ako ng sobra-sobra." sabi ni Rhian na alalang-alala.

"I'm so sorry. Umulan kasi ng malakas kagabi so w-- ah I decided to stay upang magpatila muna. Then I didn't realized that I fell asleep." pagsisinungaling ko.

"Okay. I'm sure that you're already hungry. I prepared breakfast. Tara." aya niya.

"Iwan ko na muna kayo. May aayusin lang ako sa company natin." paalam naman ni papa.

Naiwan kaming dalawa ni Rhian at nagtungo sa dining. Agad akong pinaghain ni Rhian ng mga pagkain sa hapag. "Ah wait, titimplahan pala kita ng kape."

Agad na tumayo ito at maya-maya ay bumalik ito na may dala-dalang tasa. Panay tungo lamang ang sinasagot ko. Nakapagpasya na ako. Kelangan ko na talagang sabihin sa kaniya ang lahat.

"Hey, bakit di mo kinakain yun mga inihain ko? Di ba masarap? Masama ba pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong ni Rhian.

Umiling ako at sumagot. "Rhian, I need to tell you something. I- I lied to you."

"W-what did you say? Anong ibig mong sabihin?" tanong niya. Hinawakan ko ang dalawang kamay niya at humarap.

"All of these. Lahat ay kasinungalingan. Nagkunwari akong may amnesia. Bago ang aksidente ay pinuntahan ko si Kathleen na lasing na lasing. Sinubukan kong ibalik siya dahil ilan araw pa lang sila ni Ryan. Di ko iyon matanggap. Hanggang sa pinalayas niya ako. Umalis ako ng may sama ng loob. Nagdrive ako hanggang sa mabangga ako. Noong nasa operating room ako ay nakiusap ako sa doktor upang ilihim sa inyo ang lahat. Ito lamang ang tanging paraan para kalimutan ko siya. Pero---" naputol ang pagpapaliwanag ko ng biglang sumigaw si Rhian.

"Stop! You're lying! I know that this is not real! Gawa-gawa mo lamang ito, right? I know that you love me! Mahal mo ko diba?! Please, answer me! You love me right?! Because I really love you! I really do!" hysterical na sagot ni Rhian. Di na mapigilan na umiyak ito. Sinubukan ko siyabg yakapin ngunit nagtangka itong umiwas.

"I'm so sorry. Kathleen is my true love. Do you remember the girl that I told you before? Siya yon. Pinilit ko siyang kalimutan nun  nasa Amerika tayo noon. Hanggang sa nakilala kita. You and her had the same similarities. Habang kasama kita siya ang lagi kong naiisip. I know that I'm unfair to you. Believe me, sinubukan kitang mahalin sa loob ng apat na taon. Hanggang sa umuwi tayo dito sa Pilipinas. Noong nagkita ulit kami ni Kathleen sa mall, bumalik ulit ang lahat. I thought that my feelings for her was already gone but it didn't. Everytime I hide my true feelings, unti-unti kong niloloko ang sarili ko. I'm sorry Rhian. Hope you understand." ako.

Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko. *Pak!* Tama lamang yun sakin. Isa akong gagong tao! Hanggang sa di na napigilan ilabas lahat ng nararamdaman sakit ni Rhian sa harap ko.

"Hope you understand?! Ano ako tanga! Ay hinde, tanga nga pala ako! Nagpaniwala ako sayo! Sa loob ng apat na taon, pinaniwala mo ako na mahal na mahal mo ko! Ano bang meron si Kathleen na wala ako?!" paghihinagpis ni Rhian.

"Because Kathleen is my true love! Sa kaniya lang tumibok ang puso ko! Please Rhian, I know I'm a jerk! I know someday there's a guy who truly love you. And I'm glad that nakilala kita at naging parte ng buhay ko. I'm really sorry. Someday, magkakaayos ulit tayo. Di na bilang magkasintahan kundi bilang magkaibigan na lang. Sorry talaga Rhian. I didn't mean to hurt you. I'm sorry." pagtatapos ko.

Huminga ng malalim si Rhian at nagsalita. "Is that what you want, although it hurts. I'll set you free. The truth is, matagal ko nang nararamdaman ito. Pinilit kong itago ang nararamdaman ko. Pinilit kong ipaglaban ang pagmamahal ko sa'yo. Pero sa kasong ito, talo na talaga ako." pilit na ngiti na pinakita ni Rhian nang sabihin niya ito.

"Thank you. Alam kong di madali na tanggapin mo ang lahat ng ito. Maraming salamat." sagot ko.

"Huwag ka munang magpasalamat. Malay mo gagawa ako ng paraan para paghiwalayin kayo. Hehehe just kidding! Ano ba balak mo?" pagbibiro ni Rhian.

"Di ko pa alam. Ayaw ko na munang pangunahan ang lahat. Maghihintay ako ng tamang panahon." anas ko.

"Kung ganun, edi ilihim muna natin sa kanila. Don't worry, hindi ako magtetake-over. Basta tutulungan kita sa plano mo. Basta pagdating sa kasal ehh bridesmaid ako ahh." pagbibiro ni Rhian.

Kathleen's POV

Pagkauwi ko sa bahay ay naabutan kong si Ryan na nakaupo sa sala. "Kathleen, bakit ngayon ka lang? Alalang-alala kami ng mama mo."

"I'm sorry. M-may pinuntahan akong isang lugar na naging parte ng buhay ko. Ehh umulan kasi kaya nagstay ako doon." pagpapaliwanag ko.

"Ahh okay. Tara sama ka sakin. I had surprise for you." pag-aya niya.

"Sige, bihis lang ako." sagot ko.

Naligo ako at nagbihis. Pagkatapos nun ay magkasama kaming umalis ni Ryan. Nakapagpasya na ako. Pinag-isipan ko ito kanina. Nakarating na kami sa venue at may napansin akong may isang table sa gitna at napapaligiran ng mga puno.

"We're here!" masayang sai nito. Inalalayan niya ako papunta sa table at mamaya lumuhod ito.

"Kathleen, will you marry me?"

I Hate You! Ay Mali..I Love You Pala!Where stories live. Discover now