Chapter 13: He's Back-His Side

111 6 0
                                    

Justin's POV

Tagal ko din hindi nakapag-POV. By the way, kababalik ko lang galing states last week at kasama ko si Rhian, ang girlfriend ko. Yeah, you read it right. She's my girlfriend. I met her last two years after I graduated from college. We're classmate in a two subjects and also seatmates.

Alam niyo naman ang nangyari diba? Nun time na yun naguguluhan ako. Naguguluhan ako sa mga nangyayari. I love her so much but there's a part in my mind that we need to end up our relationship because of the revelations na nalaman ko. Pinili ko munang magliban sa mga klase ko dahil sa naguguluhan ako. Kahit gusto ko siya makita ay parang may tumutulak sakin palayo. Nakakaramdam ako ng hiya. Tila di ako umaayon sa dati kong binatawan na salita noon. Ewan. Basta magulo.

Kaya't napagpasyahan kong sabihin kay papa na sa America ko na lang magpatuloy ng pag-aaral. Dahil nahihiya ako sa pamilyang inapi ng pamilya ko. Noong una ay nakakaramdam ako ng galit sa pamilya ko pero nun nalaman ko na dahil sa pag-ibig kaya nagawa yun. Lintik na pag-ibig na yan! Kaya mas minabuti kong lumayo na lang kay Kathleen dahil di ako ang karapat-dapat para sa kaniya. Di kami karapat-dapat para sa isa't isa.

Noong araw na iyon ay paalis na ako papuntang America. 6pm ang flight ko at nagpasya akong makipagkita sa kanya sa huling pagkakataon.

"Meet me at the rooftop, 10am" Ito ang text ko sa kanya. Sa huling pagkakataon ay makikipagkita, makikipag-usap at makakasama ko siya para magpaalam.

Maya-maya'y nagvibrate ang phone ko. A message from her.

From: Kath ♥

"Is that true? Nag-drop ka? Why?"

Yeah. Kath ♥ ang nakaregister sa phonebook ko. Hanggang ngayon ay di ko pa din pinapalitan ito. Di ko nireplyan ang text niya. Pinatay ko yun phone ko. Nakarating na ako sa campus at tamang tama lahat ng mga estudyante ay nasa kaniya-kaniyang classrooms dahil oras ng klase ngayon. Tumambay ako sa rooftop at tinignan ang buong paligid. Naaalala ko ang mga araw na nag-aaway kaming dalawa nang babae na iyon. Wala sigurong araw na lagi kaming nag-aaway.

Patuloy pa din ako nakatingin sa baba hanggang sa narinig kong nagbukas ang pinto. I know she is because my heart feels.

"You're here. Buti nakarating ka." cold na sabi ko. Sorry Kath, ito lang tanging paraan para layuan kita at masaktan ka.

"Hmm, oo. Ahm, totoo ba na nag-drop ka na?" tugon niya. Kahit nahihiya niyang tanungin iyon ay nasabi niya.

Humarap ako sa kaniya at nakita ko sa mga mata niyang kinakabahan. Mas pinili kong naging cold at sumagot. "Oo." sagot ko.

"Bakit?! Anong dahilan?! Ayokong mawala ka dito! Ayokong iwan mo ako! Kahit lagi kitang inaaway, kahit di tayo laging nagkakasundo. Naging mahalaga ka na sakin. Huwag ka naman na umalis!" pagsusumamo niya. Kitang-kita ko sa mga mata niya na nasasaktan niya. Patawad pero kelangan.

Nanatili lang akong tahimik. Di ko alam ang isasagot ko. Kaya naglakad ako papunta sa kaniya at niyakap. Niyakap ko siya ng mahigpit bilang pagpapaalam sa kaniya.

"Please, huwag ka nang umalis. Lahat gagawin ko para makabawi ako sayo. Mahal na mahal kita Justin." patuloy niyang pagsusumamo. Mas hinigpitan ko pa lalo ang pagkakayakap sa kaniya. May isang butil sa kaliwang mata ko ang namuo. Pinipilit kong huwag umiyak sa harapan niya. Pareho kaming nasasaktan at pareho din kaming nagmamahal. Habang siya naman ay patuloy sa pag-iyak.

Patuloy lang kaming nakayakap sa isa't isa. Dahil ngayon araw na ito ay pag-aari namin ngayon ang lugar na ito. Dahil ngayon araw na ito ay nakatakda kaming maghiwalay. Dahil sa tingin ko ito ang nakabubuti para samin dalawa.

Nanatili lang kami sa ganoong posisyon. Inaalala ang mga araw na magkasama kami. Hanggang sa dumating ang oras na paghihiwalay namin. Humiwalay ako sa kaniya at nagsalita.

"Mag-iingat ka. Wala nang magpapainit ng ulo mo. Wala ka nang aawayin. Salamat sa oras na binigay mo sakin ngayon araw na ito. Mahal na mahal kita, Kathleen. Hanggang sa muli." cold na sabi ko.

Humarap siya sakin at sinagot niya ako. "Mahal na mahal din kita Justin. Hihintayin ko ang oras na magkikita tayo muli sa lugar na ito."Nagsimula na naman tumulo ang mga luha niya. Hanggang sa lumapat ang mga labi namin sa isa't isa.

Matagal. It's a pure love and goodbye kiss. Hanggang sa ako na ang bumawi nito. Naglakad ako palayo at nagsimulang tumulo ang mga luhang pilit kong pinipigilan. Pagpunta ko sa parking lot ay agad akong sumakay sa kotse. Andoon si papa na naghihintay sakin.

"Go on, son. Ilabas mo lang." anas ni papa.

Nilabas ko ang lahat ng sakit ng nararamdaman ko. Hindi ito kabadingan dahil nagpakatotoo lang ako sa nararamdaman ko. Nakarating na kami sa airport at hinihintay ang flight. Muli kong tinignan ang stolen shot ko sa kaniya. I will miss her.

Pagdating ko sa America ay tumira ako sa bahay ni lolo. Di naman kami nahirapan asikasuhin ang mga papers ko. Agad naman ako nakapag-start sa pag-aaral.

Nang nakilala ko si Rhian. She's a half Filipino and half Canadian. She's almost the same like her. Lagi din kami nagtatalo but then I realized that I fell in love with her. Niligawan ko siya hanggang sa sinagot niya ako.

After we graduated, I decided to go back to the Philippines. Hanggang sa nalaman ko na sinundan din niya pala ako. She stays at the luxury hotel dahil afford naman ng family niya iyon.

"Hey, let's go shopping." aya ni Rhian. Dumalaw muna ako sa campus at tumambay sa rooftop kung saan kami huling nagkasama.

"Okay." tugon ko. Pag humindi kasi ako sa kaniya ay baka mag-away kaming dalawa.

Agad akong bumaba at nagtungo sa parking lot. Pinaandar ko na yun makina at nagpunta na agad sa sinasabi niyang mall. Nagpunta agad ako sa Teranova, isang boutique. Nakita ko agad si Rhian at tila may kausap siyang babae.

Nang papalapit na ako ng papalapit ay tila namumukhaan ko ang babaeng kausap niya.

"Here he is!" sigaw ni Rhian. Maya-maya ay humarap sakin ang babaeng kausap nito. Si Kathleen! Mas lalong gumanda at nagmatured ang itsura niya. Nagpaiksi din siya ng buhok. Nagulat din siya ng nakita niya din ako. God! I miss her! Matagal din kami nagkatitigan at tila nakaramdam si Rhian at nagsalita.

"Excuse me. Kathleen, this is Justin, my boyfriend." ani ni Rhian sabay pulupot ang mga kamay nito sa braso ko.

Napansin kong pinipigilan niyanv umiyak. At nakakunot noon na nakatingin lang siya sakin na tila ba nagtatanong. "Bakit? Bakit ginawa mo ito sakin, Justin? Akala ko ba, mahal mo ako?!"

"Hi." ayun lamang ang nasabi ko sa kaniya. Nag-offer ako ng shakehands sa kaniya at tinanggap niya ito. Her soft hands, I miss them. Binawi ko agad iyon dahil alam kong mali. May girlfriend na ako.

"We better go, hope to see you soon Kathleen. Thanks sa chikahan ulit." pagpuputol ni Rhian.

Sinimulan ko siyang akbayan at halikan sa noo si Rhian. Habang naglalakad kaming dalawa palabas ng boutique ay sumilip ako muli sa kaniya.

"I'm sorry." bulong ko.

"What did you say, honey?" tanong ni Rhian.

"I said I miss you already!" pagsisinungaling ko.

"Aww, so sweet. I miss you too." nakangiting sagot nito.

I Hate You! Ay Mali..I Love You Pala!Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu