Chapter 1: Meet these Two: Last Part

196 6 0
                                    

Justin's POV



Hahaha. Akala niya magpapatalo ulit ako sa kanya ha. Buti nga sa kanya. Belat! :P



Akalain niyo bang siya ang mortal enemy ko siya! Ewan ko ba sa babaeng iyan kung anong problema niya sa akin ehh wala naman akong ginagawa sa kanya.


Ako si Justin Barrera. 16 years old. Wala ako sa mood magpakilala ng mahaba basta nasabi ko na yun buong pangalan ko at edad ko tama na yun. 



Ayun na nga. Ewan ko ba sa kanya kung bakit ang init-init ng ulo niya sakin. Ako pa nga ang tumulong sa kanya nun nahilo siya dahil di na siya makahinga sa suot niyang mascot nun nagcelebrate ng birthday ang pamangkin kong si Trish.



Flashback


Kakalabas ko lang sa CR nun nang makasalubong ko ang isang mascot. Pagewang gewang itong naglalakad. Siguro tapos na silang magperform. Maya maya ay parang pabagsak na ito kaya dali-dali akong saluhin siya. Oh shit! Ang bigat pala nito.



Dahan-dahan ko siyang inihiga buti naman ay dumating ang isang kasama nito. "Oh my gosh, Kathleen! Sabi ko na sayo huwag na ehh. Uhm kuya, maraming salamat ha. Dalhin muna natin siya sa baba."

Kahit madami ang nakatingin samin ay di na namin pinapansin nito. Ang mahalaga ay nasa mabuting kalagayan itong babae na ito na Kathleen ang pangalan. Agad na lumapit samin ang isang matangkad na lalaki na manager siguro ng fastfood chain na ito.


"Anong nangyari kay Kathleen??" tanong agad nito samin. Pumasok agad kami sa loob ng office nito.


Sinagot ko agad ang tanong ng manager. "Uhm, boss nakita ko po kasi siyang pagewang-gewang nun paglabas ko ng cr kanina. Buti na lang po at nasalo ko po siya kundi baka tuluyan po siyang malaglag sa hagdan."


"Ahh ganun ba, sinabihan ko na kasi si Kathleen na huwag na niyang gawin dahil nilaglagnat at di pa nakain ehh. Pinagpatuloy pa din niya." sagot ng manager.



"Sinabihan ko na nga din po, sir ehh. Wala daw kasi na gustong magmascot ngayon. Kaya siya na lang kahit masama ang pakiramdam." singit naman ng lalaki na kasama nito.




Maya-maya ay nagising na yun Kathleen na hawak-hawak ang kanyang ulo.


"A-anong nangyari??" tanong agad nito.



Sinagot ko agad ito. "Nawalan ka ng malay kanina pagkatapos mong magperform para sa birthday ng pamangkin ko. Buti na lang at nasalo agad kita kundi deretso gulong ka sa hagdan." nakangiti kong sabi.



"Ahh ganun ba, salamat. Ano nga pala pangalan mo?? I'm Kathleen Alora pala." nakangiti niyang sabi.


"Justin. I'm Justin Barrera. You're welcome." nakangiti din sabi ko. Pero biglang nagbago ang emosyon sa mukha niya. What's wrong on my name??


"Pwede ka nang umalis. Okay na ako. Sige salamat." ani niya.


"Hey, Kathleen. Wala kang galang sa tumulong sayo. Buti nga't tinulungan ka ehh." suway ng kasama nito.


"Sir, pwede po bang mag-undertime?? Lalong sumama yun pakiramdam ko ehh." ani nito.


"Sige, buti pa nga. Pipirmahan ko na lang yun time card mo maya. Pwede ka nang umalis. Sige labas na ako at madaming customers ngayon. Lindon patulong ka na lang sa iba para ayusin yun nasa taas malapit nang matapos yun party." ani ng manager nito. Lumabas na yun Lindon at yun manager. Naiwan na lamang kaming dalawa dito sa loob ng office.


"Sige po." sagot nito. Tumayo na si Kathleen. Papalabas na ito sa kwarto ng hinarang ko siya sa pinto.



"Hey, what's your problem ba??" tanong ko.


"Pwede ba huwag kang pahara-hara sa daan??! Pwede ba wala kang pakialam kung bakit??! at pwede ba tumabi ka dyan??!" inis na sabi nito.



"Kung ano man ang ikinagagalit mo sakin Kathleen, sorry. Sorry po ha. Pero nagtataka talaga ako kung bakit nun narinig mo ang pangalan ko nag-iba ka bigla." ako.




"Ilan beses ko bang sasabihin sayo na wala kang pakialam??! Kaya tumabi ka dyan, alis!" pasigaw niya hanggang sa sinapo ulit nito ang ulo nito.


Agad ko naman siya inalalayan sa pagkakaupo ulit nito sa upuan.

"Huwag mo na ako tulungan kaya ko naman." pairap niyang sabi.


"Pasaway ka talaga." tugon ko.


"Close ba tayo??! Sa pagkakatanda ko hindi ehh!" tugon niya.


"Ehh kung halikan kaya kita ng tumigil ka na??! Alam mo nakakabingi ka na ehh!" ako.


Unti-unti kong nilalapit ang mukha ko  sa mukha niya. Hanggang sa... *boogsh*

"Ang manyak mo!" sigaw niya.

"Hoy, feelingera ka. Hindi-hindi kita magugustuhan. Sa pagiging bungangera mo nakakaturn-off ka! Makaalis ka na nga!"


End of Flashback




Kaya simula noon ay nagsimula na ang clash namin dalawa.

I Hate You! Ay Mali..I Love You Pala!Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum