Chapter 5: Here We Go Again

143 4 0
                                    

Kathleen's POV


Nagmamadali na ako papasok sa first class ko. Dahil sa bagay na iyon ay di agad ako makatulog. Note: Ayoko nang maalala ulit iyon baka ikamatay ko pa! Tss. OA lang pero yun ang totoo.



Wala na akong oras para ayusin pa ang mga gamit ko at ilagay sa bag. Habang nagmamadali akong maglakad ay hawak-hawak ko yun mga libro ko. Nang biglang *boogsh* anak ng! Kung kelan nagmamadali na ako, tsaka pa nangyari ito. Minamalas ka nga naman.


Di ko na matignan kung sino ang nakabunggo ko. Basta ko na lamang na pinulot ang mga gamit ko. Agad din niya ako tinulungan. Nang makuha na ang lahat ay agad akong tumayo ganun din siya. Nang iniangat ko yun ulo ko, siya na naman ang nakita ko. Si kumag!



Unti-unting bumabalik ang mga nangyari kahapon. Tss. Ano bang problema bakit ayaw nito maalis sa isipan ko??! Anak ng teteng naman oh.



Di ko malaman sa sarili ko kung magpapasalamat ba ako sa kanya o aalis na lang. Sa araw na ito, ayaw ko muna siya makita. Dali-dali akong naglakad pero bago ako lumagpas sa kaniya ay binulong ko ito.


"Salamat."

Pagkapasok ko sa classroom ay laking pasasalamat ko na wala pa yun teacher namin. Agad akong tumabi kay Nikki, na busy na naman sa pagmemake-up. Kikay ehh! Umupo ako sa tabi niya at bumuntong hininga.


"Kauma-umaga ganyan ang itsura mo, pasalamat ka wala pa yun teacher natin. Honestly, anong nangyari sayo bat singkit yan mga mata mo na bilog naman??" tanong ni Nikki habang busy sa paglalagay ng mascara sa pilik-mata nito.



"Ehh kung ikaw kaya ang tanungin ko dyan, bakit ang aga-aga make-up agad ang inaatupag mo?? Di ka ba magrereview??" wala kong mood ng banggitin ko ito.


Pinagpatuloy pa din niya ang ginagawa niya bago ito magsalita. "You know girl, nature na ito ng mga kikay like me. Kaya kung may period ka, huwag mo akong idamay tsaka nagreview na ako noh." nakangiting tugon nito.



"Blah. Blah. Whatever!" pairap kong sagot.


Five minutes na nakalipas ay siyang dumating naman ng guro namin na pumasok kasabay si Justin. Agad akong tumungo dahil nga ayaw ko siyang makita. Kahit magkaklase kami ay ayoko pa din siya makita. Pinagpatuloy ko na lang basahin ang El Filibusterismo na libro. Filipino kasi ang first subject namin. Lagi kasing may quiz ito after niyang magdiscuss. Para lang malaman kung may nakikinig ba sa mga tinuturo niya.



After niyang magturo ay agad na nagpaquiz. Kumuha kami ng 1/4 sheet of paper. Up to 15 ang questions. Pagkatapos ng question and answer portion ay nagsalita ang guro namin.


"Okay class, group A pass all of your papers to your right side. And group B sa left side naman." utos ng guro samin.



Agad namin sinunod ito. Pagkatapos nun ay isa-isang iniabot samin ni mam ang mga papel sa magkabilang panig. Nang iniabot sakin ni Nikki ang papel ay nakangisi nito. Di ko na pinansin kung bakit at napailing na lang ako. Sira ulo talaga itong babae na ito. Basta na lang tumatawa mag-isa. May sayad na ata ito eh! Tsk.



Nang pinatong ko na yun papel sa armchair ay tinignan ko yun pangalan. Napasigaw ako bigla dahil ang tanging pangalan lamang na nakasulat sa papel ay walang iba kundi si...tentenen! Justin Barrera! *Sabog confetti* *putok fireworks*



"What??!"


Napalingon ang lahat at ganundin si mam. Nakita kong nakangising humarap sakin si Justin na may hawak na papel. Iyon ata ang papel ko. Bakit sa dinadami-daming nangyayari sakin sa araw na ito ay laging kami ang pinagtatagpo??! Wala na bang iba??! Tss.

"Ms. Alora, may problema ba??" tanong ng guro namin.


"Wala po mam, pasensya na po." tugon ko.


Agad naman ako kinublit ni Nikki na nasa tabi ko. Kaya pala pangisi-ngisi kanina dahil pinagpalit niya yun dalawang papel. Pag-untugin ko kayong dalawa ehh! Tss.


"Grabe makapag-react ah! Hehehe." sambit nito. Di ko na lang pinansin ito naiinis kasi ako.




"Isulat niyo sa papel ang pangalan ninyo na  nakakapagpatunay na ikaw ang nag-tsek." utos ng guro namin.

Natapos ang checking at nagsimula nang i-record ang mga scores namin. Unang tinawag ang pangalan ko.


"15!" sigaw niya.  Maya't maya ay pangalan naman niya ang tinawag.

"14!" sigaw ko. Hanggang sa matapos ito at tumunog na ang bell.



"Please return it to the owner, class dismiss! Goodbye." paalam nito at nagsimula nang iligpit ang mga gamit at lumabas na sa classroom.


Isa-isang sinoli ang mga papel sa may-ari nito. Ano ba yan??! Nagkaletse-letse na! Sa dinami-dami ba naman na maaari kong tsekan yun sa kaniya pa! Kasalanan mo ito Nikki! Hayys!

"Ayaw mo pa rin isoli yun papel ko. Okay lang, sakin na din itong papel mo." nakangiti niyang sabi.



"Hoy! Ang kapal mo naman noh! For your information, isosoli ko ito sayo. Hinihintay ko lang na kumonti ang nagsosoli ng mga papel bago ko ibigay sayo! Wag ka nga!" pasuplada kong sabi.

"Ahh, you mean. Gusto mong masolo ako?? Sure, yun lang pala ehh." sambit nito.

"Angas mo rin noh, wag kang assuming. You're not my type! Yuck!" tugon ko.


"Hahaha. Nakakatuwa kang maasar. Or should I say you're so cute kapag naaasar." aniya nito. Ano ako aso?? stufftoy??? Laruan??? Duh!



"Nang-aasar ka ba??!" inis kong sabi. Narealized ko na lang na kaming dalawa na lang ang naiwan sa classroom. Breaktime na kasi. At ito naman si Nikki, di man lang naghintay. Bestfriend ko ba itong babae na ito??!Tss.

"Nope. I'm not joking..." unti-unti siyang lumalapit sakin habang ako naman ay paatras ng paatras. Hanggang sa macorner na niya ako. Nagkatitigan kaming dalawa. Bigla na lamang ako nakaramdam ng init sa mga pisngi ko. Ngayon ko lang siya nakita ng malapitan. Bumilis ang tibok nun nasa kaliwang dibdib ko.  Shocks! What's happening to me??! Di dapat ako mainlove sa kaniya! Hindi maaari!


Siya ang unang bumawi at agad na tumawa. "...Hahahaha! Your face! Parang kamatis sa sobrang pula! Hahahaha!"



Lalo akong nainis sa kaniya kaya tinulak ko siya.  Dali-dali kong kinuha ang mga gamit ko at lumabas sa kwarto. Naiwan naman siya na tawa ng tawa.

Nakakainis ka! Grrrr!



-------

a/n:



Kakatapos lang i-edit ito. Sa Friday na lang ako mag-uUD. Di gumagana ang mga neurons ko sa brain ehh. Kelangan nang ipikit ang mga mata ko. Hahaha.



Goodnight! ♥

I Hate You! Ay Mali..I Love You Pala!Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum