Chapter 6: Group Project

129 6 0
                                    

Kathleen's POV

Ang tagal naman ng breaktime! Last subject namin ngayon ng umagang ito after nun lunch break na. Gutom na gutom na gutom na ako. Tapos ang teacher mo pa ang bagal pang magsalita. Parang naka-slow-mo na di mo maintindihan. Economics pa naman ang subject ngayon. Nakakatamad pa. Itong subject na ito ang pinakaayaw ko sa lahat. Mas gusto ko pa ang Trigonometry at Physics. Kung sila ayaw na ayaw nila yun mga subjects na iyo na kulang na lang ay ibaon nila sa lupa o ipakulam ang sino man ang nag-imbento sa subject na iyon. Ako love na love ko yun dalawang subjects na iyon.

"Class, magkakaroon tayo ng group project. By 2s ito. Kelangan niyong mag-interview ng dalawang pamilya. Isang mayaman at isang mahirap. Ito ang mga tanong: paano sila mabubuhay kung walang pera?? saan at paano sila kumikita ng pera?? saan nila ginagamit ang pera?? paano nila pinapahalagaan ang pera?? at ang huling tanong sa halagang limangdaan piso, paano niyo gagastusin iyon?? Meron pa kayong dalawang buwan para magawa itong project na ito." mahabang paliwanag ng titser namin.

Madaming nagreklamo. Yung iba nandidiri dahil mag-iinterview ng isang mahirap na pamilya. Ang OA ehh!

"Eewww, interview sa isang poor na family. Yuck! Ipapagawa ko na lang ito!" reklamo ng isang echoserang palaka na puro retoke.

Agad naman sumingit si mam. "Bago niyo ipasa sakin, I need proofs. Kelangan ko nang pictures bilang proof na kayo ang nag-interview. You have one week para makahanap kayo ng dalawang family. May approvement na ito ng principal. Ang panel niyo ay gaganapin sa March. Pag di niyo ito naipasa ay see you na lang sa next year kaya goodluck!" nakangiting sabi ng titser namin.

"But mam! Masisira ang beauty ko pag dumayo ako sa isang mabaho at nakakadiring lugar!" maarteng reklamo naman ng isang kaklase namin babae na kamukha ng sirenang syokoy.

"Hoy babaeng pinaglihi sa janitor fish! Hinding hindi mo ikamamatay yan! Huwag ka ngang OA! Mag-iinterview lang ang dami niyo nang reklamo! Pasalamat nga tayong lahat nakakapag-aral tayo sa magandang paaralan, may magarang buhay! Kaya huwag na kayong mag-reklamo na parang end of the world niyo na! Napakababaw ng reasons niyo! Kung gusto niyong grumaduate, gawin niyo nang maayos!" sigaw ni Nikki.

Agad naman natahimik ang lahat lalung lalo na yun babaeng mukhang sirenang siyokoy. Hahaha. Buti nga sa kanya. Ang arte-arte kasi. Bigla ulit nagsalita si Nikki. "Go mam, tuloy niyo na. Pagpasensiyahan niyo na itong mga kaklase kong mukhang pera na alam lang na gastusin lahat ng yaman ng pamilya nila. Hindi man lang nila iniisip kung saan sila galing dati." nakangiting sabi ni Nikki. Ayan ang bestfriend ko! Proud to be! Hehehe.

"Very Good, Ms. Canlas. Ayan ang gayahin niyo. Ipapartner ko kayo isa-isa. No buts, again. Tandaan niyo, grades niyo ang nakasalalay dito." sambit ni mam samin.

Agad naman umupo si Nikki na nasa tabi ko lamang. Agad ko naman siniko ito. "Grabe ang speech mo ha."pagbibiro ko.

"Ehh naririndi na ako sa mga kaartehan nitong mga ito ehh. Kaya di na ako nakapagpigil. Tama naman ako diba??" tugon nito.

Nag-thumbs up na lang ako sa kaniya bilang pagsang-ayon. Kahit mayaman yan si Nikki ay di siya katulad ng iba na minamaliit ang mga mahihirap na kagaya ko.

"Ms. Alora, your partner is Mr.." pagpuputol ni Mam. Nag-crossfinger ako na huwag sana si kumag.

Okay lang sana kung sa iba ako maipartner. Pero kung si kumag?? Doomsday ko na!

"Barrera." pagtatapos ni mam.

Siya na naman! Talo na naman ako :( . Bakit ba ipinagkakait sakin ang lahat?? Nasaan ang hustisya?? Napatingin naman ako sa bandang kanan ko. Nasa side lang ni Nikki si kumag at nakangisi. Agad ko naman binawi ang tingin ko sa kaniya dahil ayun na naman ang kakaibang feeling. Tanginis naman talaga!

*Kkkrrrriiinnnnggggg!!!*

"Tapos na ang lahat at may mga partners na kayo. See you next week para sa proposals niyo. Good day class and goodluck! Goodbye!" pagpapaalam ng teacher namin.

Hayy sa wakas, natapos na din. Agad akong nagtungo sa cafeteria. Buti naman at may dala akong extrang pera para sa allowance ko mamaya. Bumili ako ng pork adobo at one and a half rice. Di kasi ako kumain ng agahan ehh.

Pagkatapos kong magbayad ay dumiretso agad ako sa vacant na table at doon na nagsimulang kumain. Sumunod naman si Nikki na sandwich lang at juice lang ang inorder. Agad kong nilantakan ang pagkain na nasa harap ko. Di ko na lang namalayan na nasa harap ko na pala si Justin.

"Ang kalat mo pala kumain." bungad niya sakin.

"Eh, b-akit ba?? G-gutom ako ehh." ani ko.

"May kanin ka sa pisngi oh." utas niya. Agad ko siyang hinarap at siya naman ay tinanggal ang isang butil ng kanin sa pisngi ko. Bakit ganun?? Tumibok na naman ang puso ko. Namula na naman ang pisngi ko kaya agad kong hinarap ang pagkain at nilantakan ko ulit ito.

"Girl, di ka naman gutom na gutom noh?? Yung totoo, ilan taon kang di kumain??" pang-aasar ni Nikki.

"Kumain ka na lang dyan, basta ako gutom. Period." pasuplada kong sagot.

"Okay." kikay na sagot nito.

Nang maubos ko na yun pagkain ay nakita kong nakangiting nakamasid sakin si Justin. "Hayy, busog na busog ako. Thank you, lord." ani ko na hinimas himas ang tiyan ko.

"Alam mo ang cute mo pa din kahit matakaw ka." sambit nito.

Agad naman ako napabalikwas. Nakalimutan kong nasa harap ko siya kanina. Si Nikki naman ay napahagikhik lang ng mahina. "O siya, mukhang seryosong usapin ata ito. Baka kasi makakaistorbo ako ehh. Punta lang akong comfort room. Bye!" pagpapaalam nito.

"Nikki! Bumalik ka nga!" sigaw ko. Hayys, walanghiya talaga itong babae na ito.

"Ano ba ikinapunta mo dito??" tanong ko.

"About sa project. Remember magkagroup tayo. Meet me at the plaza, Sunday, 9am. Pag late ka, may parusa. Pag di ka pumunta, I'll go to your house." paliwanag nito.

"Ehh paano kung late ka??" bawi kong tanong.

"Magdate tayo." tugon niya.

Tumawa ako ng malakas. "Hahahahaha. Nahihibang ka na ba?? Baliw ka na siguro noh?? As if naman na makikipagdate ako sayo! Never! Over my dead body! Hinding hindi ako makikipagdate sayo!" tugon ko.

"Nahihibang?? Let's say, yes. Baliw?? Oo. Sino?? Sayo. Hindi ako nakikipagbiruan sayo, Kathleen. Ewan ko kung bakit?? I like you." seryosong tugon niya.

"Hahahahahaha, joke ba yan?? Nakakatuwa grabe! Hahahahahaha." ani ko.

"Basta, 9am. Sa plaza. Bye." malungkot niyang sabi.

"Problema nun?? Makaalis na nga." kinuha ko yun mga gamit ko at dumiretso na sa next class ko.

--------

a/n:

isang madalian UD!Wala ehh ito bigla naisip ko. Sige tulog na si author. May pasok pa ako later!

×_________×

I Hate You! Ay Mali..I Love You Pala!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon