Chapter 22: Group Date

79 2 0
                                    

Kathleen's POV

It's been a month since I agreed na lumabas kasama si Ryan. I inroduced him with Chammy and Lloyd also sa mama ko. Lagi nga kami inaasar na gawing official na yun meron samin ni Ryan dahil wala naman silang nakikitang problema at lahat agree.

"Ayokong pilitin si Kath and makakapaghintay naman ako eh. Sa ngayon, we're very happy and we both enjoy our moments na magkasama." Ito ang laging sinasagot ni Ryan sa tuwing tinatanong kami about sa real status namin dalawa.

Kakatapos lang namin magdinner ni Ryan sa Italianni's. Habang nasa biyahe kami ay bigla siyang nagsalita.

"U-uhmm, Kath. Thank you." tipid niyang sabi sabay lingon sakin.

"Ano ba, wala yun. Thank you din." tugon ko.

"For what?" tanong niya.

"For everything. You always made me happy. You always supporting me sa lahat ng bagay. Thank you for being my companion. Siguro kung wala ka, baka di ko na magawa na maging masaya." sagot ko. Totoo naman ehh. Sa dinami-dami na nangyari sa buhay ko ngayon na lang ulit ako naging masaya. Siguro it's time to be happy again. It's time to focus on myself. Lagi na lang sa work, sa mama ko at sa papa ko at sa mga kaibigan ko ako nakafocus. Nakalimutan ko na ang sarili ko.

"Basta para sayo gagawin ko ang lahat." sagot ni Ryan.

Nakarating na kami sa amin at nagpaalam na ako sa kaniya. Hinalikan niya ako sa forehead at tumungo lang ako. "Bye." anas niya. Tinanggal ko yun seatbelt at binuksan ang pinto. Kumaway ako sa kaniya sabay tumayo sa harap ng gate. Hinintay ko siya umalis bago ako pumasok sa loob namin.

Sinalubong ako ni mama at hinalikan ako sa pisngi. " Musta ang date niyo?" agad na pambungad na tanong ni mama.

"Ma!" suway ko. Natawa na lamang si mama sa kinilos ko.

"Hayy, malaki ka na talaga anak. Basta tandaan mo, andito lang kami upang suportahan ka." anas ni mama habang sinusuklay ni mama ang buhok ko gamit ang kaniyang mga kamay.

Humarap ako sa kaniya at niyakap ko. "Mahal na mahal ko po kayo."

Kinabukasan ay wala akong pasok kaya tinulungan ko si mama sa mga gawaing bahay sunod naman yun ay binisita namin si papa sa kulungan. Masaya kaming nagsalu-salo ng tanghalian. Makalipas ng ilan oras ay nagpasya kaming umuwi ni mama sa bahay.

Nanuod kami ni mama ng tv hanggang sa nakarinig kami ng kotseng bumisina sa harapan namin. Tumayo si mama sa pinto para sumilip sandali pagkatapos ay bumalik.

"Andyan si Ryan. May lakad ba kayo?" tanong ni mama.

"Wala po." sagot ko at umiling. Tumayo na ako at sinalubong ko si Ryan. Wala naman akong natatandaan na may lakad kami ngayon.

"Magandang hapon! Flowers for you." bati niya sakin. Pagkaabot ng bouquet of flowers ay hinalikan niya ako sa pisngi.

"Salamat. Anong ginagawa mo dito? Wala naman tayong lakad ah?" tanong ko.

"Wala nga pero ngayon meron. Di mo ba ako papasukin sa loob?" tugon niya. Ay oo nga pala. Inaya ko siya sa loob at tinawag si mama.

"Oh hijo, napadalaw ka. May date ba kayo ng anak ko ngayon?" tanong ni mama.

"Yes, tita." sagot ni Ryan.

Inilapag ko ang bouquet sa mesa at pumasok sa loob. Nagbihis ako at nag-ayos. Naglagay ako ng light make up at nilagyan ko ng lipstick ang labi ko. Nagpabango at humarap sa salamin. Okay na ito. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako sa kwarto ko. Tumayo si Ryan at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Tumungo lang ako.

I Hate You! Ay Mali..I Love You Pala!Where stories live. Discover now