Chapter 24: Accident

95 2 0
                                    

"Mahal ko si Ryan, Justin. At yun ang totoo!"

Nagulat ang binata sa sinabi ni Kathleen. Hanggang ngayon ay di pa din niya matanggap ang binitawan salita ng dalaga.

"Tanggapin mo na Justin. Tanggapin mo na ang lahat ng ito. Pabayaan mo na ako." pakiusap ni Kathleen.

Halos di na malaman ng binata kung anong gagawin. Gulung-gulo ang utak nito. Nagulat na lang ang nanay ni Kathleen nang biglang suntukin ni Justin ang isang bahagi ng puno. Samantalang ang dalaga ay kalmado lamang at di pinapahalata na kinakabahan ito.

Pinapanuod lamang ng dalaga si Justin. Samantalang si Kathleen naman ay pinipigilan na tumulo ang mga luhang pilit nitong pinipigilan sa pamamagitan ng pagkagat nito sa labi.

Humarap ang binata kay Kathleen at pinunas ng kamay nito ang tumulong luha sa kaliwang mata. Tumalikod ito sa kanya at binuksan nito ang pintuan ng kotse nito.

"Justin, I'm really sorry." sabi ni Kathleen.

Humarap ulit ang binata sa kaniya at ngumiti ng pilit. "Ako dapat magsorry. I guess *hinga malalim* tama ka, dapat ko nang tigilan ang kahibangan ito at magfocus na lang kay Rhian. Sige, alis na ako at congrats sa inyong dalawa ni Ryan." sabi ni Justin na pilit ang pagngiti pero nakikita pa rin ang kalungkutan sa kaniyang mga mata.

Pagkatapos nun ay sumakay na sa loob at pinaandar na ang makina. Pagkaalis ng binata ay di na mapigilan ng dalaga ang pag-iyak nito. Agad naman niyakap ng kaniyang ina si Kathleen.

"Sige lang anak, iiyak mo lang. Andito lang ako." anas ni Charlotte.

Si Justin ay hininto nito ang sasakyan sa tabi. Inilabas na din ang mga luha na pinipiglan nito kanina dahil sa nasaktan siya sa sinabi ng dalaga. Pinaandar ulit nito ang sasakyan.

Habang dinadayo nito ang daan ay patuloy pa din si Justin sa pagluha. Hanggang sa di inaasahan na pangyayari.

Sa loob ng hotel ay nagpasyang bumangon si Rhian upang uminom ng tubig. Pagkabukas niya ng cabinet ay agad na kumuha ng baso upang magsaling ng tubig. Nang biglang nag-ring ang phone niya. Nakita ng dalaga na unregistered number ang nakalagay sa screen.

"Hello, this is Rhian speaking. Who's this?" sagot ni Rhian.

"Hello, ako po si Inspector Garcia. Kaano-ano niyo po si Mr. Justin Barrera?" tanong ng nasa kabilang linya.

Sa pagpapakilala ng nasa kabilang linya ay nakaramdam si Rhian ng kaba.

"G-girlfriend po niya ako. B-bakit po? Anong nangyari sa kaniya?" utal na tanong nito.

"Mam, huwag po kayo mabibigla. Ma--" naputol ang pagsabi ng pulis ng magreact si Rhian.

"Bakit di niyo ako deretsuhin?! Sabihin niyo kung anong nangyari sa kaniya!" nag-aalalang anas ni Rhian.

"Naaksidente po siya mam dahil sa malakas na pagkakabangga. Dinadala po siya ngayon sa ospital at 50-50 ngayon ang kalagayan niya." pagbabalita nito.

Agad na nabitawan ng dalaga ang phone nito at tinakpan ng kamay nito sa bibig niya sa sobrang pagkakabigla. Nanginginig ang dalaga sa binigay na balita sa kaniya.

Tinawagan nito ang pinsan niyang si Ryan. Nakatatlong ring ito bago sumagot.

"Hello, Rhian bakit gising ka pa?" sagot ni Ryan.

"I'm on my way to the hospital. It's all about Justin." pagbabalita nito.

"Anong nangyari sa kaniya?" alalang tanong ni Ryan.

"Naaksidente siya." pagbabalita nito.

I Hate You! Ay Mali..I Love You Pala!Where stories live. Discover now