Chapter 31-Gretchen's

Start from the beginning
                                    

Pagkatapos ng gabing yun, pinilit kong magpakatatag at magbago paunti-unti.

Pumasok ako sa Company ni Dad sa mga sumunod na araw, araw-araw ko din kasama si Mommy at Daddy kapag breakfast, dinner, or kahit anong available na time.

May kumuha din sa akin na Orgs para sa guestings and whatever. Nagmodel din ako para sa bench dito.

Minsan namang kumakain kami ng dinner nila Daddy at Mommy, nakita ko sya..

Oo, sya..

Hindi. Hindi sya..

Sya..

Si ano..

Si..

Si..

Si..

Si..

Si Robi.

Tanda nyo sya?

Yung bestfriend ko na pinagpalit ako sa hipon nyang girlfriend at iniwan ako sa ere?

Yung unang tao na wumasak sa puso ko.

Yung isang tao na naging dahilan kung bakit halos gumuho ang buhay ko at gumulo?

Sya yun.

Di ko naman talaga sya sinisisi pero kung di dahil sa mga nangyari noon, di sana hahantong ang lahat sa ganito ngayon..

Di sana ganito ang puso ko ngayon, wasak na wasak. Durog na durog. Pira-piraso.

Buti nga buhay pa ako eh. Hai

So, yun.

Nagka-usap kami at nalaman ko na isasakal, este, ikakasal na pala sila nung babae next year. Nasorry rin sya sa akin dahil sa nagawa nya. At dahil mabait ako, pinatawad ko na. Mabawasan man lang yung dinadala ng puso kong luhaan. T.T

Araw-araw, bago ako umuwi sa bahay or kapag breaktime o kapag trip ko lang, napapadpad ako lagi dito sa helepad. Walang nakaka-alam na nandito ako lagi. Pwera sa isang tao..

???: Nandito ka nanaman. Iniisip mo nanaman sya, ano?

Nilingon ko sya. Nasa may hagdan pa sya ng helepad.

Ako: Michelle.

Nginitian nya ako at tumabi sya sa akin.

Mitch: Michelle ka dyan. Bakit ba yan pa rin tawag mo sa akin? Di ba dapat Chepot? *habang nakangiti*

Tiningnan ko lang sya.

Kababata ko si Michelle. Actually, kaming tatlo ni Robi pero naging mas malapit ako kay Robi noon dahil umalis sina Michelle papuntang London at doon na tumira. Siya ang first girl crush ko. Mag-bestfriend Dad ko at Dad nya kaya naging magkaibigan din kami. Kakabalik rin lang nila dito sa NY two months ago. Kaya nya alam na nandito ako lagi kasi isang beses, nakita nya ako na nakahiga dito. Nagulat ako nung una ko syang makita makalipas ang ilang taon. Umiiyak kasi sya. Tinanong ko sya kung anong problema pero imbes na sumagot. Niyakap nya ako at umiyak lang sya. Pinatahan ko sya at noong kumalma na sya, kinwento nya sa akin ang nangyari.

Ipapakasal daw kasi sya ng Daddy nya sa anak ng business partner nito. Napadpad daw sya dito sa helepad kasi tumakbo sya at dito sya dinala ng mga paa nya. Nariig daw kasi nya ang Daddy nya at si Daddy na nag-uusap tungkol dito sa opisina ni Dad. Pumunta daw sila dito sa building namin kasi nabalitaan daw nya na bumalik na rin ako sa NY at nagbabakasakali sya na makikita ako and masusurprise ako. Kaya lang, it turned out the other way, sya yung na-surprise sa narinig nya. Sinabi din nya sa akin na may mahal na daw sya at di nya kayang iwanan ang taong mahal nya ng dahil lang sa kagustuhan ng tatay nya.

Love is Love. Regardless. (An AWVT Fan Fiction) *Under Construction*Where stories live. Discover now