Dad: Na-miss kita ng sobra, Princess. Am glad na pinagbigyan mo ako sa kahilingan ko. I'm sorry sa lahat ng pagkakamali at pagkukulang namin sa'yo ng Mom mo. *sinasabi nya yan habang nakayakap pa rin sa akin*

Ako: No, Dad. I should be the one saying sorry to you and to Mom. I've never been a good daughter. Di ko man lang kayo nagawang bisitahin o tawagan man lang for the past two years and so. I'm so sorry kung puro problema ang nakarating sa inyo. I promise to make it up to you and Mom.

Nagulat ako ng maramdaman ko na medyo nabasa yung balikat ko. Kinalas ko ang pagkakayakap kay Dad at tiningnan sya.

Umiiyak sya.

Umiiyak na rin si Mom.

At ganun din ako.

Sa buong buhay ko, ngayon ko lang nakitang umiyak si Dad. He's always the tough one sa mga mata ko. Idol ko nga say, eh. Pero ngayon, he's different. I can see a mixture of pain and happiness sa mga mata nya.

Ako: Kaya, Dad, promise me na lalaban ka, huh? Kakayanin mo yan. Babawi pa tayo sa mga panahong di tayo nagkasama. Be strong. Nandito na ako. Nandito din si Mommy. Wait, Mom, Dad, Are you two...? Uhm?

Dad: Yes, Princess. I promise. And Yes, Princess, me and your Mom are together again, if that's what you mean.

Tiningnan ko si Mom. She's smiling.

Tapos nagkatinginan sila ni Dad at nagngitian.

Isang matamis na ngiti.

Di ko mapigilan ang sarili ko na di makaramdam ng sakit.

Don't get me wrong, Readers. Masaya ako para sa Parents ko, Sobra.

Pero di ko maiwasang malungkot sa kinalabasan ng sarili kong love story.

That same day, di ko inaasahan ang pagdating ni Kai. Si Kai, ang bestfriend ko na first love ko at first heart break ko.

Okay na kami ngayon. Nalaman ko na matagal na daw silang wala nung girlfriend nya na si Angel. Di daw kasi sila nag-click at dahil daw may iba syang mahal. Kung sino? Ewan ko. Hahaha basta naging okay na kami at parang bumalik kami sa dati. Close at sweet.

Naikwento ko rin kay Kai yung nangyari sa akin sa Pili[inas at pati na rin yun kay..uhm..kay Dzi. At alam na rin yun ng Parents ko. Sabi nila, mabuti talaga at umuwi ako. Double purpose daw kaya swak. Para kay Dad at sa kay Mom at --- para makapag-move on? Pero kaya ko nga ba?

Gumaling si Dad at naging mabilis ang recovery nya. Araw-araw, di ako umalis sa tabi nya. Sinusulit at pilit kong binabawi ang mga panahong wala kami sa tabi ng isa't isa. Daddy's girl ako, eh. Si Mommy din. Never nya iniwan si Daddy. Super sweet sila. Ramdam na ramdam ko yung pagmamahal nila sa isa't isa. Masaya ako.. oo..

Pero aminin ko man sa hindi, hindi ko pa rin maalis sa puso at isip ko si Dzi sa araw-araw na ginawa ng Diyos. Sya lang talaga. Sya lang at wala nang iba. Pilitin man ng isip kong limutin sya, di naman magawa ng puso kong maghanap ng iba.

Sa aking pagbabalik, sisiguraduhin kong magsisisi sya dahil sisiguraduhing ko na makakahanap na ako ng iba..

Di. Joke lang.

Mahal ko nga di ba?

Pero lilimutin ko na sya. Pipilitin ko kahit alam kong di ko kaya.

Magkikita din tayo muli, Dzi. Malapit na.

Sana naman, ma-realize mo na mahal mo rin ako.

Sana, mahalin mo rin ako.

Kai: Hey, lutang ka nanaman! You're thinking about her again, right, A? Right? Right? Right?

Love is Love. Regardless. (An AWVT Fan Fiction) *Under Construction*Where stories live. Discover now