Ting. Tunog ng elevator at hudyat na ito na nasa 17th floor na sila. Hindi niya alam kung anong magiging reaksyon ni Wonwoo kapag nakita niyang kasama ng binata si Jungkook.

"Halika na." pag-aaya ni Mingyu sa binata. Sumunod naman ito at sabay silang pumasok sa unit ni Wonwoo.

"Hyung?" tawag kaagad ni Mingyu nang makapasok sila sa unit nito. Narinig naman ito ni Wonwoo kaya agad siyang umayos ng higa sa higaan. Masakit ang katawan ni Wonwoo kaya hindi niya pa kayang tumayo.

"Mingyu, nandyan ka na pala." sabi ni Wonwoo at umupo sa higaan. Yun lang ang kaya niyang gawin dahil nanghihina siya.

"Ah oo hyung. Hyung, ano, kasama ko pala si Jungkook. Nakita ko siya nung papunta ako dito tapos sabi niya gusto ka raw niyang bisitahin." sabi ni Mingyu at tumingin kay Wonwoo na parang nagsosorry kasi alam naman niyang ayaw nito kay Jungkook at alam niya ring mapapatay siya nito.

Pumasok din si Jungkook sa kwarto at nginitian si Wonwoo. Ngumiti naman ito pabalik. Wala siya sa mood para mainis dahil may sakit pa ito pero alam niyang masasapak niya si Mingyu sa oras na gumaling siya.

"Ay teka, diyan ka lang hyung, ipagluluto lang kita." sabi ni Mingyu pagkatapos lapitan si Wonwoo. Sumunod naman si Jungkook sa kanya at mukhang tutulungang magluto. Napairap naman si Wonwoo dahil sa ginawa ng nakababata.

Wonwoo hates Jungkook. Nagsimula kasi yon nang makita niya ang binata na lapit nang lapit kay Mingyu. At first, he thinks Jungkook is being friendly pero nang tumagal, naging clingy ito sa boyfriend niya.

Bakit kasi ang gwapo ni Mingyu eh, sabi nito sa isip at humiga ulit. Wala siyang magawa dahil wala naman siyang makausap, natulog na lang ulit siya. Mabilis siyang nakatulog kahit na kagigising lang niya dahil masakit pa rin ang ulo niya.

Nagising siya dahil sa malakas na tawanan na narinig niya sa labas. Sa sobrang lakas nakakairita na para sa kanya. Di niya alam kung dahil ba sa lakas kaya siya naiirita o dahil sa katawanan ni Mingyu ngayon.

He loves how Mingyu laughs but not when Mingyu laughs with somebody lalo na kung si Jungkook yun.

"Hyung! Gising ka na pala. Eto na pala yung pagkain mo, ginawa namin ni Jungkook." sabi ni Mingyu at pumasok kasama si Jungkook.

Hindi niya alam kung buntot ba ni Mingyu ang binata dahil palagi itong nakasunod sa kanya.

"Nakainom ka na ba ng gamot hyung?" tanong ni Mingyu habang hinahalo ang pagkain. "Oo kaso wala na akong extra na gamot." sagot nito at umayos ng upo sa kama.

"Ay ganon ba? Sige, kainin mo muna to tas bibili na kami pagkatapos." sabi ng binata at sinubuan si Wonwoo. "Kayo? Bakit dalawa pa kayo?" Natatawang sabi ni Wonwoo para hindi siya magmukhang naiinis.

"Ah sige Mingyu, ako na lang yung bibili ng gamot. Pakainin mo na lang si Wonwoo hyung." biglang sabi ni Jungkook at ngumiti ng bahagya.

Napangisi naman ng palihim si Wonwoo dahil mawawala kahit sandali si Jungkook sa tabi nila.

"Thank you Jungkook ha. Sobrang dami mo nang nagawa samin babawi na lang ako sayo next time." Pagpapasalamat ni Mingyu na ikinainis naman ng nakatatanda.

Ngumiti naman si Jungkook but this time, mas malawak kaysa kanina. Lumabas na ito ng kwarto para bumili ng gamot ni Wonwoo.

Maswerte pa rin si Wonwoo dahil bibilhan siya nito ng gamot kahit na sinusungitan niya ang binata.

"Okay so ano yun? Bakit mo sinama si Jungkook sa unit ko?" tanong kaagad ng nakatatanda pagkalabas ni Jungkook.

"Eh kasi hyung, naiwan ko yung wallet ko sa bahay tas buti nandun siya sa may supermarket kaya nabigyan niya ako ng pera. Tapos tinanong niya kung para kanino yung binili ko sabi ko may sakit ka. Nung nalaman niya, gusto ka raw niyang bisitahin nakakahiya naman kung tatanggi ako kasi pinahiram niya ako ng pera. Kaya hyunggg wag ka nang magalit di ko naman ginusto yun ehhh" sabi ni Mingyu at biglang niyakap si Wonwoo at parang iiyak na. Ayaw niya kasing nagagalit si Wonwoo sa kanya. He looks tough but he's weak when it comes to his hyung.

Ganon din naman si Wonwoo kaya hindi na niya natiis at niyaka pabalik ang binata. "Oo na di na ako galit. Dun ka na baka mahawa ka pa sakin." sabi ni Wonwoo at tinulak palayo ang nakababata. "Okay lang na mahawa sayo. Sabay tayong magkakasakit." sabi ni Mingyu at sumiksik pa lalo sa nakatatanda. "Pag nagkasakit ka, sino nang magaalaga sakin?" tanong naman ng nakatatanda habang nakayakap pa rin kay Mingyu. "Eh di ako pa rin, aalagaan kita kahit may sakit ka pa. Aalagaan kita kahit na anong mangyari"sabi nito na nagpakilig naman kay Wonwoo.

"Ang corny mo, nakakainis ka. Pano tayo gagaling nun?" tanong naman ni Wonwoo. "Ako na bahala dun, hyung. Kaya kitang pagalingin. Pagagalingin ka ng pagmamahal ko sayo." sabi naman nito at nagfinger heart. Kahit ang corny ni Mingyu, inaamin niya, kinikilig siya.

"Ewan ko sayo. Pagdating niya mamaya, paalisin mo na siiya ha. Kung gusto mo sumama ka na rin, medyo kaya ko naman na." sabi ni Wonwoo at bumitaw na sa yakap. Ngumit naman siya kay Mingyu sign na okay na siya. "Hindi hyung, hahatid ko na lang si Jungkook sa sakayan tapos dito ako mags-stay hanggang bukas." sabi naman ng nakababata. 

"Sige kung yan ang gusto mo. Bakit mo pa siya ihahatid sa sakayan? Parang mare-rape naman siya sa daan. Tsaka dito ka mags-stay? Pumayag ba parents mo?" tanong ni Wonwoo sa kanya. New year's eve na kasi ngayon at nasakto pa na nagkasakit ito. Wala ang parents nito dahil may inaasikaso sila sa ibang bansa.

"Gabi na rin kasi baka mapano siya. Wag ka nang magalit hyung sa sakayan ko lang naman siya ihahatid. Wala sila sa bahay kaya okay lang kahit dito ako mag new year. Aalagaan na lang kita hanggang sa gumaling ka." sabi naman nito. Wala naman nang nagawa si Wonwoo kaya pumayag na siya.

Pagkatapos ng ilang minuto, dumating na si Jungkook dala dala yung gamot na binili niya. Nagpaalam na rin siya na aalis na dahil kailangan na siya sa apartment nila Taehyung. Buti na lang daw at ganon anig nangyari kaya hindi na nahirapan si Wonwoo sa paalisin ang binata.

Hinatid na ni Mingyu si Jungkook sa sakayan katulad ng sinabi niya sa nakatatanda. Pagkatapos niyang ihatid ang binata, nagluto siya ng konting pagkain para may mapagsaluhan sila ni Wonwoo bago matapos ang taon. 

Medyo okay na si Wonwoo dahil nakainom na ng gamot kaya kumain na sila. Pagkatapos nilang kumain nagstay na lang sila sa kwarto ni Wonwoo. They cuddled and spent their new year's eve on bed doing something. Something only couples do--- o o p s.

-----------------------------------------------------------------
happy new year, loves~ ! ♡♡♡

rants ✩ meanieWhere stories live. Discover now