Inirapan ko lang sya. Well, nagpustahan lang naman kami.

Kung sino ang pinakamatagal na makakatapos ng laban, bibilhan nya ng kotse ang bawat isa sa amin.

Tss.

"You." Agad na umabante ang lalaking tinuro ng Dad ni Zerah.

"And...you." Ang tinuro nya ay si Skyla

"Watch how it's done Farrah." Sabi nya at umabante na.

"Start."

Hindi pa lumilipas ang isang minuto ay napatumba na nya ang kalaban.

Binaril nya sa tiyan yung lalaki at malakas na sinapak ito kung saan nya sya binaril.

Sobrang bilis. Hindi ko inakalang susugod si Skyla.

Naging aligaga din ang mga lalaking nasa kabilang dulo ng arena namin.

Bumalik na si Skyla dito.

"That's how it's done, bitch." Sabi nya sabay wink. Tss. Ang yabang ng babaitang toh.

Tuwang-tuwa yan sa kaloob-looban.

Kung napatumba nya yung lalaki ng wala pang isang minuto, paano kaya si Zerah?

Isang segundo? I'm excited.

Zeb's POV

Nagulat kami ng sobra.

Hindi namin inakala na ganoon kabilis matatalo si Blaze.

Hindi ko rin naman inakala na magiging ganoon ka-aggressive si Skyla.

Oo, alam kong sila kambal ang kaharap namin.

Alam rin ni kambal na kami ang kaharap niya.

Pero hindi yata alam nila Skyla.

"Impressive. Now, you two, get going." Sabi ni Dad habang nakaturo kay Axel ang kaliwang kamay at kay Rain naman ang kanan.

The childish gangster and the Noisy gangster. I wonder how this is going to turn out.

Ay, by the way, si Keith at Blaze ay dinala na ng mga tauhan ni Dad sa clinic. Ginagamot na sila doon.

Maglalaban na si Rain at Axel.

Unang umatake si Axel, binato nya ng shuriken si Rain pero nakaiwas ito.

Sunod-sunod namang pinaulanan ni Rain ng shuriken si Axel, mahirap iwasan dahil ang bilis magbato ni Rain at talagang ang dami nyang binabato.

Dinadaplisan si Axel habang sinasanggi ang iba gamit ang katana.

Gumaling si Rain. Mahihirapan si Axel dito, lalo na kapag naglabas na ng baril si Rain.

Sa pagkakaalam ko, hindi ang personalized bullets at guns ang ginagamit nila.

Nakabawi naman si Axel dahil naubos ang shuriken ni Rain.

Sumugod si Axel at nakipaglaban gamit ang katana. Naglabas rin si Rain ng katana.

Ilang minuto lang ay naputol ang katana nilang pareho, mabilis na nilabas ni Rain ang baril at pinaputukan si Axel.

Kahit nabigla ay nakaiwas si Axel.

Ito na. Maghanda ka na Axel, lalabas na ang demonyong Rain.

Rain is the best in shooting guns.

Pero mas magaling pa rin si kambal, kaso mas passionate si Rain dito. Kaya kapag naglabas sya ng baril, talagang tatamaan ang dapat tamaan.

Kapag naman hindi tinamaan, papaulanan ka nya ng bala. Hindi ka nya bibigyan ng oras para makapag-isip at makaiwas.

Gehenna University: School of GangstersWhere stories live. Discover now