"Hindi ka nagsasabi gusto mo pala ng halik. Sana sinabihan mo ako. Hindi 'yong dinadaan mo pa sa baso." Nakangiti niyang sabi. Napalaki ang mga mata ko at ngayon ko lang na napagtanto na uminom pala siya roon ng kape kanina.

"Ayoko na, nawalan na ako ng gana kumain." Sabi ko at tumayo na at niligpit ang pinagkainan namin. Ngunit inagawan niya na naman ako ng gawain.

"Sit there. Ako na ang maghuhugas nito." Sabi niya at inagaw sa akin ang paghuhugas ng pinggan. Ngunit nahihiya ako dahil hindi naman kagandahan ang lababo namin. Kahit lang iyon.

"Why?" Tanong niya nang hindi pa rin ako umaalis sa tabi niya.

"K-kasi panget 'yong lababo namin. Ako na ang maghuhugas." Sagot ko.

"Love, pwede ba umupo ka na roon?" Sabi niya at ipinagpatuloy ang paghuhugas. Mukhang ayaw niya talagang umalis sa panget naming lababo. At mukhang natutuwa pa siya sa paghuhugas.

Hinayaan ko na lang siya. Pumunta na lang ako sa sala at umupo sa mahabang sofa namin. Sana ay huwag magtagal si Harvey rito. Ayaw kong maabutan siya ni tita. Galit pa naman iyon sa kanya.
Ilang sandali lang ay nakita ko siyang naglalakad papalapit sa akin. Umupo siya sa tabi ko.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko.

"Bakit? Bawal ba?" Tanong niya.

"Hindi ka ba galit sa akin? Sa mga sinabi ko sa 'yo kahapon?" Tanong ko.

"Bakit naman ako magagalit? Kahit naman anong sabihin mo anak ko pa rin 'yang pinagbubuntis mo. Tatay pa rin ako niyan." Sagot niya.

"I'm sorry sa mga sinabi ko kahapon." Paghingi ko ng tawad.

"I love you." Biglang sabi niya at niyakap ako. 

"Lumayo ka nga! Ang baho mo." Sabi ko at tinutulak siya palayo sa akin. Ang totoo niyan ay mabango naman talaga siya. Gusto ko lang lumayo sa kanya dahil baka kung saan na naman mapunta ang yakapan na ito. 

Inamoy amoy pa niya ang sarili niya. "Hindi naman ako mabaho. Bagong ligo nga ako e." Sabi niya at pinaamoy ang damit niya sa 'kin.

"Umalis ka na." Pagtataboy ko sa kanya.

"Love, naman..." Sabi niya at ginawang nakakaawa ang mukha.

"Umuwi ka na, Harvey." Sabi ko at tinanggal ang braso niya sa baywang ko.

"Love..." Hindi ko siya pinansin.

"Let's date." Nagulat ako sa sinabi niya.

"Hindi ako pwede ngayon. Magpapahinga ako ngayon." Sagot ko. Hindi siya umimik sa tabi ko.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Okay, fine. Dito na lang ako." Sagot niya at sumandal sa upuan at pumikit.

"Umalis ka na rito at baka maabutan ka pa ni tita." Pagtataboy ko sa kanya.

"Ano naman ngayon? Kilala niya naman ako." Sagot niya. Bakit ba ang tigas ng ulo ng lalaking ito? Sana ay hindi magaya ng magiging anak ko.

Nakaupo lang ako sa tabi niya nang may biglang kumatok sa pinto. Bigla akong kinabahan dahil baka si tita na 'yon. Ngunit kaaalis lang niya rito. Napamulat din ng mga mata si Harvey dahil pagkatok sa pinto. Agad akong tumayo at pinagbuksan ang kung sino man ang kumakatok. At laking gulat ko nang malaman ko kung sino ang kumakatok.

"O, bakit parang gulat ka?" Takang tanong ni Jarenze. Makikita niya si Harvey rito!

"Hoy! Aba, alam kong maganda ako kaya 'wag kang tulala riyan." Sabi niya ulit.

"H-ha? B-bakit ka nandito?" Nauutal kong tanong sa kanya.

"Bakit, bawal? Papasukin mo naman ako." Sabi niya at bigla na lang pumasok sa loob ng bahay.

"Hoy, huwag--" naputol ang sasabihin ko nang tumigil siya sa paglalakad at nakatingin kay Harvey na nakaupo sa sofa.

"Sorry, may bisita ka pala. Hindi mo naman sinabi, Abby." Sabi ni Jarenze at pekeng tumawa. Umatras siya at hinila ako pabalik sa may pinto.

"Siya ba ang dumukot sa 'yo noon?" Pabulong niyang tanong. 

"Oo." Sagot ko.

"Ibig sabihin siya ang sinasabi mong mafia?" Tanong niya at parang takot na takot.

"Oo, siya nga." Sagot ko.

"My goodness, Abby! Bakit ang gwapo niya? Ang akala ko ay mukhang adik sa kanto." Mahina niyang sabi habang kinikilig. Ngumiti lang ako sa kanya sabay tingin kay Harvey na ngayon ay nakatingin sa amin ni Jarenze.




Miss_Terious02

Mafia Boss Obsession [PUBLISHED UNDER PSICOM]Onde histórias criam vida. Descubra agora