Chapter 9

3 0 0
                                    

"Shen!"

"I've been looking for you." tila bad trip na sabi ni Jin ng makalapit sya sa aming dalawa ni Hobi.

"J-Jin?" yun lang ang tangi kong nasabi ng makita ko sya. Siguro naalog talaga ang utak ko kanina ng matamaan ako ng bola kaya naglalag. Wala kasi akong ibang maisip sabihin. Para bang namental block ako.

"Ako nga. Bakit may iba kapa bang hinihintay? Let's go home." sabi nya sabay hila sa braso ko.

Napatingin ako kay Hobi na ngayon ay nakatingin lang sa aming dalawa.

"M-May kasama kana pala. Sa susunod nalang kita ihahatid Shen." tila nahihiyang sabi ni Hobi.

"You don't need to. Ako naman lagi ang kasama nyang umuwi. Responsibilidad ko si Shenna." nakangiti man si Jin ng sabihin yun pero alam ko naman na hindi totoo ang ngiti nya. Ano na naman bang problema ng mokong na to?

Bigla pa akong inakbayan ni Jin na Pasimple ko namang inaalis pero hindi ko magawa dahil parang bakal ang kamay nyang nakapatong sa balikat ko.

"A-Ah ganun ba? Sege mauna na ako sa inyo. See you tomorrow Shen and J-Jin!" ngumiti pa si Hobi bago nagpaalam sa aming dalawa.

Magsasalita pa sana ako para habulin sya pero nagulat ako ng bigla akong hilahin palayo ni Jin habang nakaakbay pa rin sakin.

"What's with the attitude Jin?" tanong ko sa kanya at inalis ang kamay nya sa balikat ko.

"Tsk." tinitigan nya ako ng masama at nauna ng maglakad sakin.

What the ef?!

"Jin! jin!" tawag ko sa kanya pero parang wala lang syang narinig at dirediretsong umalis.

Nakasimangot man ay sinundan ko pa rin sya.

Hinawakan ko sya sa braso ng maabutan ko sya sa may gate ng school. Ang bilis nya talagang maglakad.

"Problema mo? May dalaw kaba?" tanong ko sa kanya habang nakahawak pa rin sa braso nya. Hindi nya ako sinagot.

Ngayon ay mahina na syang naglalakad sa tabi ko pero nakasimangot pa rin.

"Napagalitan ka siguro ng teacher mo no? O di kaya bumagsak ka sa exam? O baka naman binasted ka ng nililigawan mo? O baka-"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla akong harapin ni Jin. Hinila nya ang kamay kong nakahawak sa braso nya at niyakap nya ako bigla.

"Wag ka ngang tatanga tanga. Pinag-aalala mo ako lagi sayo eh."

Thug Thug. Thug Thug.

Bahagya ko syang tinulak. Bakit ako biglang kinabahan sa ginawa ni Jin? Bata palang kami nagyayakapan na kami pero bakit ngayon parang iba na? Napailing ako bago nagsalita.

"J-Jin ano ba? B-Bigla bigla ka nalang nangyayakap. Baka akalain ng iba dyan magsyota tayo eh." paliwanag ko sa kanya pero parang sarili ko ang kinakausap ko. Sheesh! So nauutal na rin ako ngayon?

"Iba o baka naman si Hobi lang? Nag-aalala ka na isipin nyang girlfriend kita?" sagot nya sakin. Tinitigan nya ang mukha ko ng ilang minuto. O mas magandang sabihin na nakatitig lang sya sa noo ko bago may bagay na kinuha sya sa kanyang bulsa.

Binalatan nya ang band aid na kulay pink na may maliliit na desinyong hugis baboy at maingat na inilagay sa noo ko.

"Ito ang tandaan mo, hindi ako nagkakagusto sa babaeng may bukol sa noo." dinuro pa nya ang noo kong nilagyan nya ng band aid bago ako tinalukuran at nagsimulang maglakad ulit.

"Aray!" hinimas himas ko ang noo kong dinuro nya saka sya hinabol at kinurot sa tagiliran. Napaaray naman sya at hinimas ang parteng kinurot ko.

"Kakabadtrip ka talaga Jin!"

"Bakit naman?" tanong nya pero hindi man lang nya ako tinignan.

"Si Hobi kasi eh. Dapat sana ihahatid nya ako ngayon. Kaso umepal ka kaya ayun." bulong ko. Bigla akong nakaramdam ng guilt ng sabihin ko yun. Ewan ko ba. Nagiging weird na rin ata ako. Nahawa na ako sa mokong na to.

"Hindi ako papayag na ihatid ka nya."

"at bakit naman?"

"Basta ayaw ko. Ako lang ang dapat maghahatid sayo lagi. Araw-araw. Period." sagot nya at nagmartsa palayo.

Napangisi ako. Aba nagseselos ata ang bestfriend ko ah?

Tinusok ko sya sa tagiliran at sinabayan sa paglalakad.

"Aba at nagseselos ata ang bestfriend ko ah?" tukso ko sa kanya sabay tusok ulit sa tagiliran nya na rason kung bakit sya napatalon.

"Uy! Seloso naman nito. Ikaw pa din naman ang bestfriend ko kahit magkaboyfriend na ako no? Loves pa rin naman kita. Oh! Plural yan ha?" biro ko pa sa kanya sabay tusok ulit sa tagiliran nya. Inirapan nya lang ako. Ang taray ha?

Gusto ko sanang akbayan sya pero dahil nga mataas sya mahihirapan akong abutin ang balikat nya.

"Uy? Genie uy?"

" Seloso naman! Bestfriend!"

"If ever na maging kami ni Hobi! If ever lang naman ha? Sasabay pa rin naman ako sayong umuwi eh. Tsaka magsesleep over pa rin naman ako s-"

Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko ng biglang hinawakan ni Jin ang kamay ko at tinulak nya ako sa isang puno.

Hinarang nya ang kamay nya sa tagiliran ko at tinitigan ako sa mga mata.

Napalunok ako. First time kong makita si Jin na ganito. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa ginawa nya. Basta ang alam ko lang ay napakabilis ng tibok ng puso ko.

"I want you all to myself. Ayaw ko ng may kahati." mahina ngunit may diin ang pagkakasabi nya.

Halos mapapikit na ako sa ginagawa ni Jin. Napakalapit ng mukha namin sa isa't-isa. Yung konting lapit nalang nya magkikiss na kami. Napalunok ako bigla. This Jin in front of me is far from the bestfriend I knew.

"H-Ha?" nagugulohan kong tanong sa kanya.

Tinitigan nya lang ako ng ilang sandali bago marahang binitiwan at tumalikod.

"N-Nevermind." nauutal nyang sagot. Nilingon nya ako ulit at hinablot ang bagay na hawak hawak ko.

Pagkatapos noon ay mabilis syang naglakad palayo na parang walang nangyari.

Napasandal ako ulit sa puno at napahawak sa dibdib ko kung saan nagwawala ang puso ko. Sa sobrang lakas ng pagkabog ng puso ko pakiramdam ko ay tatalon na sya ano mang oras sa rib cage ko.

Thug Thug.Thug Thug.

Ano bang nangyayari sakin?
This is weird? Nasa matinong pag-iisip paba ako?

Nataohan ako ng biglang maalala ang bagay na hinablot ni Jin sa kamay ko. Tila timang na nagpapalit palit ang tingin ko sa kamay ko at sa likod ni Jin na ngayon ay malayo na sa kinatatayuan ko.

"A-ang S-Strawberry Juice ko!!!" tila ngayon palang nagsink in sa isipan ko na ninakaw ng mokong na yun ang binigay na Strawberry juice sa akin ni Hobi kanina.

"Hoy!!! KIM SEOKJINNNNNN!!!!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 30, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Great LoveWhere stories live. Discover now