Chapter 6

1 0 0
                                    

"H-Hobi?" bulong ko. Hindi ako makapaniwala na nandito sya ngayon nakaupo sa tabi ko. Ngumiti si Hobi sa akin at lumitaw ang maliliit nyang dimples.

Awww. Ang gwapo nya talaga.

"finally I was able to fulfill my promise." nakangiti nyang sabi.

Nag-init bigla ang pisnge ko. Bakit ba ang sweet mo Hobi? Kinikilig tuloy ako sayo.

"Ahmm. Baka magalit si Bea sayo kapag nakita nyang magkasama tayo." tanong ko ng maalala ang nangyari kahapon. Oo nga pala may girlfriend na sya. At worst ang impaktang si Bea pa. She does'nt deserve Hobi though.

Napakunot si Hobi bago sumagot.

"Bakit naman sya magagalit?" tanong nya pa sakin.

Napakunot noo din ako sa sagot nya. Insensitive ba tong si Hobi o ano?

"Diba Girlfriend mo sya?" hindi na ako nakatiis at tuluyan ko ng tinanong kay Hobi ang katanungang gumugulo sa isipan ko.

"Ha? Hindi! Wala akong girlfriend!" napalakas ata ang pagkakasabi ni Hobi dahil napatingin sa gawi namin si Bea at ang mga kaibigan nya.

"Pero diba magkasama kayo kahapon? Nakaakbay ka pa nga sa kanya." mahina kong sabi. Napatingin pa ako sa gawi nila Bea at nakita syang nakatingin sa gawi namin ni Hobi.

"Ahh, ang totoo kasi nyan kaya hindi ako nakadating sa usapan natin kasi tinulungan ko sya. Dinala ko sya sa clinic ng makita ko syang nadulas sa hagdanan. Naawa ako sa kanya kaya hindi ko sya maiwang mag-isa sa clinic. Hindi din naman kita matext kasi naiwan ko yunh cellphone ko na na naiwan ko din sa classroom namin. Sorry talaga Shen." sabi ni Hobi sabay himas sa leeg nya na tipa nahihiya.

Lahat ng mga katanungan sa isipan ko ay nawala bigla.

Ibig sabihin ay sinadya ni Bea na hindi sabihin na tinulungan sya ni Hobi na pumunta sa clinic para isipin ng lahat na meron silang relasyon. Heck! baka nga sinadya nya pang madulas sa hagdan para hindi matuloy ang lunch namin ni Hobi. Ngayon sigurado na ako na pinlano nya ang lahat. Marahil ay narinig nya ang usapan namin ni Mich ng araw na yun. That Brat! Hindi ako nagsisisi na sinupladahan ko sya kanina. She deserves it anyway.

Napatingin ako sa gawi nila Bea at nakita syang tumayo at lumabas ng cafeteria na namumula ang pisnge. Ang mga kaibigan nya naman ay bubulong bulong muna bago sumonod sa kanya.

"Okay na yun. I understand." sagot ko at ngitian si Hobi.

Ngumiti sya sakin at nagsimula na kaming kumain na dalawa.

Mabait si Hobi at masayahin. Marami akong nalaman sa kanya habang naglalunch kaming dalawa. Kinikilig ako kapag nasisilayan ang dimples nya. Kapag kumakain kasi sya ay kusang lumalabas ang mga iyon at lalong syang gumagwapong tignan.

"Tapos ayon nga natakot ako sa ahas pero pinilit ko pa ring ngumiti sa camera. Pagkatapos nun ipinangako ko sa sarili ko na hindi na talaga ako ulit magpapapicture na may kasamang ahas." Kwento ni Hobi sa akin habang umiinom kami ng milkshake. Tapos na kaming kumain at nabusog ako hindi dahil sa pagkain kundi sa kakatawa dahil sa mga kwento nya.

"So takot ka pala talaga sa ahas?" natatawa kong tanong sa kanya.

"Hindi lang basta takot Shen. I hate snake!" kunwari ay takot na takot sya habang sinasabi yun .

Natawa na naman ako sa kanya. Ang cute cute kasi ni Hobi magkwento parang bata.

Habang nagtatawanan kami ay nahagip ng mga mata ko si Jin na papasok ng cafeteria.

Napabaling sya sa gawi ko at nagkatinginan kaming dalawa.

Nginitian ko sya ngunit hindi sya gumanti ng ngiti sa akin. Tinitigan nya ako bago lumipat ang tingin nya  kay Hobi at walang sabi sabing mabilis na lumabas ng cafeteria.

One Great LoveWhere stories live. Discover now