Chapter 1

3 0 0
                                    

"Bulaga!"

"Ahhhhh!! Ahh! Aahhh!" sigaw ni Jin matapos ko syang gulatin. Napatalon pa sya sa kama sa sobrang gulat.

Nang makita ko ang namumutla nyang mukha ay hindi ko na napigilan ang sariling ko tumawa.

Habang gumogulong ako sa sahig kakatawa ay hindi ko namalayan ang masasamang tingin na binibigay nya sa gawi ko.

"Ya Shenna! Gusto mo bang mamatay ako sa sakit sa puso?" sabi nya sabay tayo at bukas ng ilaw.

Pinahid ko ang mga namuong luha sa mga mata ko dahil sa kakatawa.

Sobrang matatakotin si Jin to the point na kahit anong bagay ay kinakatakotan nya. Mapainsekto, dilim, hangin at towel. Oo kahit towel kinakatakotan nya. Naalala ko pa nung bigla kong hinagis sa kanya ang towel ko bigla nalang syang napatalon sa takot dahil akala nya daw ahas yun.

Kung alam lang talaga ng mga babaeng nagkakagusto sa kanya ang side nyang to baka maturn off pa sila sa kanya.

Tsk! Tsk! Kawawang Jin..

"kung nakita mo lang ang mukha mo kanina! Hahaha nakakatawa talaga ang reaksyon mo! Haha"  sabi ko habang patuloy pa rin sa pagtawa.

Nakatayo lang sya at nakatingin sakin habang nakahalukipkip.

"Okay! Okay! Hindi na ako tatawa promise! Pfffft! Hahahahahaha hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko."

"Ahh Ayaw mong tumigil ahh!" bigla nya akong nilapitan at kinulong sa mga bisig nya. Hindi pa ako nakakareact ay pinupog nya na ako ng kiliti.

"waaaahh!!! Genie!! Tama na! Ayaw ko na!! Hahahahha"

"G-Genie! Ay Sh!t! Hahaha G-Genie-ah hindi ko na hahaha hindi ko na uulitin! Promise!!"

Ilang segundo nya pa akong tinorture ng kiliti bago bitawan. Hapong hapo akong gumapang papunta sa kama nya at nahiga. Itong lalaking tong talaga walang patawad. Ang sama! Dati nung mga bata pa kami ay ako ang laging bumubully sa kanya ngayong malaki na kami (sya lang pala yung lumaki talaga. Ako kasi maliit parin.) hindi ko na sya magawang ibully kasi gumaganti na sya.

"Lagot ka sakin kapag umulit kapa. Sobra pa dyan gagawin ko sayo."

Pagkatapos ay mahina nyang hinampas ng daliri nya ang bibig ko.

"at wag kang magmumura masama yun."

Nagpout lang ako at inismiran sya.

"whatever!" hapong hapo ko pa ring sagot lang sa kanya.

Napatingin ako sa kisame ng kwarto ni Jin. Ang kisame ang pinaka gusto ko sa buong kwarto nya. Napupuno kasi iyon ng mga malilit na glow in the dark na bituin. May mga planeta din, araw at buwan. Napakagandang pagmasdan kapag nakapatay ang ilaw. Para kang lang nakatingin sa solar system.

Naramdaman kong humiga si Jin sa tabi ko. Nasa mga bituin din ng kisame sya nakatingin. Akala ko nakatutok ang buong atensyon nya dun kaya nagulat nalang ako ng magsalita sya.

"Nagkaproblema na naman ba sa inyo?"

Agad akong napatingin sa gawi nya. Kilalang kilala nya talaga ako. Alam nya kapag may problema ako kahit hindi ko sabihin sa kanya.

Napabuntong hinga lang ako sabay baling ulit ng atensyon  ko sa mga bituin.

"Dumating si Papa sa bahay. Nagtalo na naman sila ni Mama." yun lang ang nasabi ko at mapait na Ngumiti.

Minsan lang umuwi si Papa sa amin dahil nakafocus sya sa company namin sa America at kapag umuwi sya ay lagi nalang silang nagtatalo ni Mama. Minsan nga naisip ko na mas mabuti pang wala nalang sya sa bahay.

Namimiss ko din naman sya pero minsan nakakasama lang ng loob kapag nagtatalo sila.

Kasalanan ko din naman kung bakit. If I haven't made that mistake 10 years ago sana hindi kami ngayon nagkakaganito.

Simula ng mamatay si Kuya Arhtur nasira na rin ang masaya naming pamilya. Si Mama nadepressed, Si Papa naman naging workaholic at bumalik sa pagiging babaero.

Ako naman matino pa rin. Siguro malaking factor na nandyan si Jin para sakin sa simula palang. Kung hindi ko siguro nakilala ang Bestfriend ko baka nabaliw na ako.

If I could turn back time I will never do what I did 10 years ago.

Everday hinihiling ko na sana bumalik kami sa dati. Miss na miss ko na si Kuya Arthur. Bukod kay Jin sya lang ang umiintindi sakin. Sya ang akin 1st Bestfriend.

Nilabanan ko ang luhang namumuo sa mga mata ko ng maalala ko ang nangyari noon kay Kuya Arthur.

Ayaw ko na munang isipin ang mga bagay bagay. Alam kong hindi ko matatakasan ang katotohanan sa Pamilya ko pero sa ngayon gusto ko lang ienjoy muna ang gabing kasama ang bestfriend ko.

"hay, makikitulog na naman dito ang iba dyan. Sa sahig na naman ako matutulog nito." biro ni Jin sakin.

Pinukol ko sya ng masamang tingin.

"Eh sino ba naman may sabi sayong sa sahig ka matulog? Noong mga bata nga tayo tumatabi ka din naman sakin pero bakit ngayon hindi na?" yun din ang isa sa pinagtataka ko kay Jin. Noong mga bata kami kapag nagsleep over ako sa kanila o sya sa amin ay magkatabi kaming natutulog sa kama pero ng naging 14 sya ay hindi na sya tumatabi sakin.

Sabi nya pa noon kasi daw ang likot kong matulog na may katotohanan naman kasi minsan nagigising nalang akong nasa sahig na. Minsan si Jin din ang nalalaglag sa kama dahil nasisipa ko sya.

"Ayaw ko ngang tumabi sayo no? Baka sipain mo lang ako sa mukha." sabi ni Jin.

"Ya Kim Seokjin mga bata pa tayo noon pero hindi na ako malikot matulog ngayon no? Hindi na nga ako nalalaglag sa kama eh."

"Ay ang kulit! Basta ayaw kong tumabi sayo."

"Bigyan mo nga ako ng isang rason kung bakit ayaw mong tumabi sakin?"

"Kasi nga-"

"bukod sa malikot akong matulog." putol ko sa sasabihin ni Jin.

Nagkatitigan kami ni Jin. Pero hindi ko mabasa ang ekpresyon na binibigay nya sakin. Ano kayang iniisip ng mokong na to?

"See wala kang masagot kaya tabihan mo na akong matulog." sabi ko sa kanya.

"Shen ayaw ko nga ang kulit." sagot nya sabay gulo ng buhok ko.

"Aish! Bakit nga?" itong si Genie marunong ng magtago ng sekreto sakin.

Kutosan ko kaya para umamin?o di kaya....

Pinalamlam ko ang mga mata ko sabay pout at tingin kay Jin. In short tinatry kong magpacute sa kanya.

"Oppa Waeyo? Bakit ayaw mong tumabi sakin?" sabi ko sabay pout ulit. Alam kong masagwa kahit ako naaalibadbadan sa pinagagawa ko minsan.

Tinignan nya lang ako ulit ng ilang minuto bago bumangon at hinagis sa mukha ko ang unan.

"Lalaki pa rin ako Shen."

"ha? May sinabi ka?" alam kong nagsalita sya pero hindi ko naabutan kung ano ang sinabi nya dahil sa unan na hinagis nya sakin.

"Wala sabi ko magbibihis lang ako ng pambahay." sagot nya sabay tungo sa cabinet nya.

"Parang iba naman yung sinabi mo eh."

"eh kasi nga ang baho mo!" sagot ni Jin sabay takbo sa banyo para hindi ko sya magantihan.

Natigilan ako sa sagot nya at inamoy amoy ang sarili ko.

"Hindi naman ako mabaho ahh. Medyo amoy pawis lang pero hindi naman mabaho."

"Aishhhhh!!! Jiiinnnn!"

-----------------------------------------------------------

One Great LoveWhere stories live. Discover now