Chapter 4

1 0 0
                                    

Hindi ko macontain ang excitement na nararamdaman ko. Kahit ilang araw na ang lumipas ay kinikilig pa rin ako tuwing naalala ang naging pag-uusap namin ni Hobi. Finally, pagkatapos ng matagal na pagkakaroon ko ng crush sa kanya ay nagkaroon din ako ng pagkakataon na makausap sya.

Hindi natuloy ng araw na yun ang Lunch naming dalawa dahil naging busy sya Dance practise nila. Akala ko nga ay nakalimutan na nya ng tuluyan ang ipinangako nya sakin.

Hanggang sa nagulat nalang ako ng may Unknown number na nagtext sakin kagabi.

Last Night.

09xxxxxxxxx :
Hi! Good evening!😊

Me:
Sino ka?

09xxxxxxxxx :
Pasensya na hindi ako nakapagpakilala. Si Hoseok pala to.

Ilang beses kong binasa ang text. Hindi ako makapaniwala na si Hobi nga ang katext ko ngayon. Paano pala kung prank lang to diba? Kahit gusto kong magheadbang sa saya ay pinigilan ko ang sarili ko.

Me:
Wheeh? Hindi nga?

09xxxxxxxx
Hindi na ba ako kapanipaniwala?😕

Malakas na kumalabog ang puso ko pero ayaw ko pa ring umasa dahil baka biro lang pala to.

Me:
Sege nga kung ikaw nga si Hoseok tawagan mo ako ngayon.

Ilang segundo ang lumipas at hindi na nagreply ang unknown number.

Hanggang sa umabot ng ilang minuto. Napasimangot ako. Kahit paano kasi ay inasam ko din naman na si Hobi nga ang may ari ng unknown number na yun. Dismayadong inilapag ko sa kama ang cellphone ko.

Tumayo ako para sana pumunta sa CR ng biglang tumunog ang Cellphone ko. Napatalon ako sa kama at agad hinablot ang cellphone ko.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita na ang unknown number ang tumatawag.

" H-Hello?" nanginginig ang boses ko ng sagotin ko ang tawag.

Nakarinig ako ng mahinang tawa sa kabilang linya. Tawa palang kilala ko na kung sino ang nasa kabilang linya.

"Hi! Pasensya na natagalan bago ako makatawag. May ginawa pa kasi akong project eh." sabi ni Hobi.

Kinurot ko ang sarili ko para malaman kung totoo nga ang nangyayari. Baka kasi nananaginip lang ako pero ng maramdaman ko ang sakit ay mas lumapad pa ang ngiti sa mga labi ko.

"Hobi? Ikaw nga talaga to?" tanong ko kahit alam ko naman ang sagot.

Mahina ulit syang tumawa bago nagsalita. Sa totoo lang napakasarap talagang pakinggan ang tawa nya.

"Alam mo rin pala ang nickname ko." sagot nya.

Napalunok ako bago pilit na tumawa.

"Oo naman. Diba sabi ko kilala kita. Ayaw mo bang tawagin kita Hobi?" tanong ko.

"Okay lang sakin na tawagin mo akong Hobi. Mas gusto ko nga pagtinatawag mo ako sa nickname ko." malumanay nyang sagot.

"Baka isa ka din sa mga fans ko Shen ha?" biro nya sakin.

Napalunok ako bigla nahalata nya kaya na may crush ako sa kanya? Shems! What to do?

"Uy! Joke lang yun Shen." si Hobi.

Pinilit kong tumawa kahit hindi ko alam kung ano bang nakakatawa sa sinabi nya.

"bakit ka nga pala napatawag?" pag-iiba ko sa usapan.

"Gusto ko sanang humingi ulit ng pasensya dahil hindi ko natupad ang pinangako kong Lunch sayo."

"Okay lang yun. Naging busy ka rin naman eh." sagot ko. Nahiga ako sa kama habang nakatingin sa kisame.

One Great LoveWhere stories live. Discover now