Prologue

4 0 0
                                    

10 years ago

Nakaupo ako sa duyan sa isang park na malapit sa bahay ng bigla akong makaramdam ng mahinang patak ng ulan. Napatingala ako sa langit at pinagmasdan ang ulap na nakatakip sa araw. kahit natatabunan ng ulap ang Araw ay makikita pa rin ang liwanag nito.

"bakit sa tingin mo minsan sumisikat pa rin ng araw kahit umuulan na?" naalala kong tanong sa akin ng nakakatanda kong kapatid na si Arthur.

"ewan ko! Hindi ko alam." sagot ko sa kanya sabay tulak ng sarili ko sa duyan. dalawang taon lang ang agwat sa edad namin ni Kuya pero parang matanda na sya kung magisip. Minsan hindi ko na sya maintindihan sa sobrang lalim ng mga sinasabi nya.

"Assignment mo yan ha? Dapat bukas alam mo na ang sagot." sabi ni Kuya sabay tayo at gulo ng buhok ko.

Agad kong tinapik ang kamay nya. Ngunit kinurot nya lang ang pisnge ko bilang ganti sabay takbo. Hinabol ko si Kuya Arthur para gantihan sa ginawa nya at ng malapit ko na syang maabotan ay hindi sinasadyang napatid ako sa nakausling ugat ng puno kaya nadapa ako.

Agad na tumakbo si Kuya palapit sakin para alalayan ako. Naiiyak na pinatayo nya ako at tinignan ang tuhod kong dumudugo. Napaiyak na ako lalo ng makita ang sa sugat sa tuhod ko. "kasalanan mo to kuya eh! Tignan mo dumudugo na sya" sabi ko habang umiiyak.

"Halika ka nga dito gagamutin natin yan." punaupo nya ulit ako sa duyan para malagyan nya ng panyo ang sugat ko.

Umiiyak pa rin ako habang ginagawa nya yun. Dahan dahan nyang pinahid ang luha sa mga mata ko.

"Ang mga magagandang babae hindi dapat umiiyak kasi nakakapangit yun kaya tumahan kana." sabi nya sakin.

Ilang minuto pa ang lumipas ay huminto na rin ako sa pag-iyak. Hindi na naman masakit ang sugat ko kaya ayos na ako.

"o ayan pumangit kana kasi umiyak ka na naman." tukso ulit ni Kuya sakin. Inirapan ko lang sya sabay halukipkip. Tumawa lang sya sa ginawa ko at napailingiling.

Nasa ganoon kaming sitwasyon ng makarinig ako ng tunog ng bell. At isa lang ang ibig sabihin ng bell na yun! Ice cream!

Biglang nangislap ang mga mata ko ng makita ang nagbebenta ng ice cream sa hindi kalayuan. Tuluyan kong nakalimutan ang pagtatampo ko kay Kuya. Ganun naman talaga kami. Mag-aaway pero mayamaya ay magbabati din. (mostly ako naman talaga ang laging nagtatampo sa kanya.)

Napatayo ako at hinawakan sa kamay si Kuya Arthur papunta sa direksyon ng nagbebenta ng ice cream. Napansin marahil ni Kuya ang bigla kong pagngiti kaya nilingon nya ang tinitignan ko.

"kuya bili mo ako nun oh! Sege na!" pamimilit ko sa kanya. Nagpuppy eyes pa ako para pumayag sya. Favorite ko talaga ang ice cream at alam na alam yun ni Kuya. Minsan na nga akong pinagbawalan nina Mama at Papa dahil lagi daw akong sinisipon at inuubo sa kakakain ko ng ice cream.

Napatango nalang sya at bumigay sa gusto ko.

"yehey!" sigaw ko habang tumatakbo sa direksyon ng ice cream. Si Kuya naman ay iiling iling lang habang nakatingin sa akin.

Tinuruan ako sa school at maging ni Kuya na bago tumawid ng kalsada ay dapat siguraduhing tumingin muna sa kaliwa't-kanan. Pero dahil sa excitement ko ay tila nakalimutan ko ang tinuro na yun ni Teacher.

Tumakbo ako sa kalsada ng hindi lumilingon kahit saan.

Ang huli ko nalang na naalala ay ang pagsigaw ni Kuya Arthur sa pangalan ko at ang malakas na pagtulak nya sakin palayo sa direksyon ng humaharurot na sasakyan.

Kasabay ng pagkatumba ko sa kalsada ay ang pagkakita ko ng pagtama ng sasakyan sa katawan ni Kuya Arthur.

"KUYAAAAAAAAAAA!!!" sigaw ko habang nakatingin sa wala ng buhay kong kapatid.

Napabalik ako sa realidad matapos maalala ang nakaraan. Ako ang may kasalanan kung bakit nawala si Kuya. Ako ang may kasalanan kung bakit sya namatay! Kung hindi nya sana ako tinulungan sana buhay pa sya ngayon.

Kasalanan mo yan Shenna kasi ang Bad Girl mo. Hindi mo sinunod ang turo sayo ng kuya mo na tumingin sa daan bago tumawid. kasalanan mo ang Lahat! Kasalanan mo!!!

Sigaw ng isipan ko. Hindi ko namalayan na kanina pa pala pumapatak ang luha sa mga mata ko. Kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan ang pagtulo ng mga luhang hindi ko na napigilan umalpas sa mga mata ko.

Napayuko ako.

"Kuya bakit mo ako iniwan?" sabi ko sabay hikbi.

Nakaramdam ako ng mahinang yabag papunta sa direksyon ko ngunit hindi ko iyon pinansin.

Hanggang sa may isang pares ng converse na sapatos ang tumigil sa harapan ko kasunod noon ang pagtigil ng pagpatak ng ulan.

Nagangat ako ng tingin at tumanbad sa harap ko ang isang gwapong batang lalaki. Mas matanda sya sakin ng isa o dalawang taon. Kaedad nya siguro si Kuya Arthur Naisip ko.

Natigilan ako sandali at agad na nagpahid ng luha. Ayaw kong may ibang taong nakakakita saking umiyak.

"Bakit ka nagpapabasa at umiiyak dito sa gitna ng ulan?" sabi nya.

Napansin ko na may hawak syang payong sa pagitan naming dalawa.

Hindi ko sinagot ang tanong nya sakin. Nahihiyang napayuko lang ako sa harapan nya.

nakaramdam ako ng mahinang paghaplos sa buhok ko.

"Wag ka ng umiyak. Alam mo ba sabi ng Mama ko hindi daw dapat umiiyak ang mga magagandang babae kaya tahan kana." sabi ng batang lalaki habang hinahaplos pa rin ang buhok ko.

Bigla akong napaangat ako ng tingin sa kanya. Ang mga salitang yun. Ganun din ang sinabi sakin ni Kuya kapag umiiyak ako.

"Ang mga magagandang babae hindi dapat umiiyak kasi nakakapangit yun kaya tumahan kana." -Arthur

paulit ulit na umugong sa isipan ko ang mga katagang yun.

Naramdaman ko ang biglang pagbigat ng dibdib ko hanggang sa hindi ko na napigilan ang sarili ko. Pumalahaw ako ng iyak sa harap ng batang lalaking hindi ko naman kilala o kaano ano.

"whaaaaaaahhhhh!!!" iyak ko. Nataranta naman ang batang lalaki ng makita akong umiiyak. Hindi nya alam kung anong gagawin kaya bigla nya nalang akong niyakap. Nalaglag ang payong na hawak nya dahil doon pero kahit ganun ay hindi nya pa rin ako binitawan.

"M-May masakit ba sayo? Tahan kana! Wag ka ng umiyak!" paulit ulit nyang sabi habang nakayakap sakin.

Niyakap ko sya ng mahigpit. Pakiramdam ko sya si Kuya ng mga sandaling yun.

"S-Sorry! H-hindi ko sinasadya Kuya! I'm Sorry!" bulong ko sa pagitan ng pagiyak.

Nagtataka man ay hindi nagtanong ang bata sa inasal ko.

Nanatili kami sa ganoong posisyon ng ilang minuto. Tumigil na din ang ulan maging ang mga luha ko.

Nahihiyang bumitiw ako sa batang lalaki na ngayon ay katulad kong basang basa na ang damit.

"S-salamat pala saka pasensya kana dahil sakin nabasa ka." bulong ko habang nakatingin sa lupa.

"ayos lang yun." nginitian nya ako.

"Ako pala si Kim Seokjin. Ikaw anong pangalan mo?" tanong nya.

"Ako pala si Shenna. Shenna Saabedra." pinilit kong ngumiti sa kanya. Napakabait kasi nya kaya nakakahiya naman syang sungitan.

Sabay kaming napaatching na dalawa at Napatingin kami sa isa't-isa sabay tawa.

Hinatid nya ako sa bahay at doon ko napagalaman na sila pala ang may ari ng bagong bahay sa tabi ng bahay namin.

Nang araw na yun pinagalitan ako ni Mama dahil sa ginawa kong pagtakas at pagpapabasa sa ulan. Nakatikim ako ng tatlong palo sa pwet pero ayos lang dahil sa araw din na yun nakahanap ako ng isang tunay na kaibigan.

One Great LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon