Chapter 3

1 0 0
                                    

May mga panahon na hindi ko maintindihan si Jin at isa itong ginagawa nya ngayon sa mga panahon na yun.

Hindi ko alam kung anong nagawa kong mali dahilan kung bakit ayaw nga akong pansinin? Nagtampo kaya sya sakin kasi hindi ko nasabi sa kanya na Crush ko si Hobi? Marami na naman akong naging crush ahh? Bakit ngayon big deal sa kanya na crush ko si Hobi?

Simula kahapon hanggang ngayon hindi man lang sya nagparamdam sakin. Minsan daig pa ako ni Jin kung makareact. Minsan nga naisip ko parang sya pa yung babae saming dalawa.

Habang nagbibihis ng school uniform ko ay kinuha ko ang cellphone ko sa drawer at tinext si Jin.

To: Genie😝
Pssst? Nagtatampo ka pa rin sakin?

To: Genie😝
Sorry na!😢

To: Genie😝
Sabay na tayong pumasok ha?

Ilang minuto kong hinintay ang sagot nya pero kahit isang reply wala akong natanggap.

Napabuntong hinga nalang ako. Lumabas ako sa kwarto at nagtungo sa hapag kainan.

Nakahanda na ang pagkain ngunit wala naman doon ang mga magulang ko.

"Nay, nasaan po sila Mama at Papa?" tanong ko sa matagal na naming katiwala na si Nanay Lourdes.

Pilit na ngumiti ang matanda sa akin. Nakikita ko sa mga mata nya ang lungkot at awa. Naawa marahil sya sa sitwasyon ng pamilya namin.

"Ang Mama mo nasa kwarto pa ayaw kumain. Ang Papa mo naman kagabi pa hindi umuuwi." sagot ni Nanay Lourdes.

Sigurado akong nag-away na naman silang dalawa. Pero kahit naman hindi sila mag-away lagi namang ganito sa bahay. Sabi nila Home is where your heart is pero bakit sa bahay na to walang akong nararamdaman na pagmamahal?

"Ahmmmm, halika kana Anak kumain kana lang dito." si Nanay Lourdes habang inaalalayan akong umupo.

Napailing nalang ako at mapait na ngumiti.

"Wag na po Nay. Nakakalungkot pong kumaing mag-isa. Pabaonan nyo nalang po ako ng sandwich pwede?" Pilit kong nginitian si Nanay. Ayaw kong makita nyang nasasaktan ako sa sitwasyong ito ng pamilya namin. Matagal na kaming ganito pero bakit hindi pa rin ako nasasanay?

"Gawin nyo nalang po palang dalawa." ibibigay ko kay Jin ang isa para pangPeace offering.

Pagkatapos ibigay sakin ni Nanay Lourdes ang dalawang sandwich ay agad na akong lumabas ng bahay patungo sa bahay nila Jin.

Malayo palang ay tanaw ko na ang mga magulang ni Jin sa Labas ng gate ng Bahay nila.

"Good Morning po Tito! Tita!" Bati ko sa kanila sabay beso.

"Oh, ikaw pala Shen. Good Morning din sayo." bati ni Tita sa akin. Si Tito naman ay ngumiti lang.

" Ahmm. Si Jin po pala Nasaan?" tanong ko.

"Kanina pa sya nakaalis Iha. Akala ko nga sabay kayong pumunta sa school eh." tila nagtatakang tanong ni Tita.

"Ay ganun po ba? Ahmm. San po pala ang lakad nyo Tita?" pag-iiba ko sa usapan. Alam kong gigisahin na naman ako ni Tita ng mga katanungan kung bakit kami hindi magkasama ni Jin.

"Uuwi kaming Korea ngayon Iha. Itong asawa ko may gagawing trabaho dun tapos ako naman aattend sa fashion week. At the same time doon din ilalabas ang mga bago kong designs." nakangiting sagot ng Mama ni Jin sa akin. Fashion Designer ang Mama ni Jin. Samantalang isa namang kilalang CEO sa korea ang Papa nya. Ang Mama nya ang Full blooded Filipino samantalang ang Papa naman nya ang Pure Korean kaya lagi silang bumabyahe sa Korea dahil nandoon ang mga negosyo nila.

One Great LoveWhere stories live. Discover now