Chapter 8

1 0 0
                                    

"Okay class! Ang sport na lalaruin natin ngayon ay volleyball. Boys vs boys and Girls vs Girls. Ako ang mamimili ng magkateammates. Understood!" sabi ng P.E teacher namin. Nasa Covered court kami ngayon para sa PE class namin.

"Yes Sir!" sagot naming lahat. Sa totoo lang ayaw ko talaga sa P.E class namin. bakit? Ayaw ko yung pakiramdam na naglalakit ka sa pawis pagkatapos.

Pero this time masaya ako. Bakit ulit? Paano ba naman kasi P.E class din nila Hobi ngayon. Nasa kabilang panig sila ng court at naglalaro ng Basketball.

Spell Destiny!  Spell Soulmate! Spell Tadhana!

Kung pwede lang sanang makijoin sa mga classmates ni Hobi na nagchecheer kanina pa sana ako sumali.

Para akong maiihi na ewan kapag nakakapuntos sya. Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapapalakpak sa tabi ni Mich na dedma lang sakin.

"Hindi lang pala sya magaling sumayaw. Magaling din pala syang magbasketball." nakangiti kong bulong sa sarili ko.

Nakatuon lang ang buong atensyon ko sa kanila kaya nagulat pa ako ng biglang nagsitayuan ang mga kaklase ko.

Napagroan si Michelle sa tabi ko kaya pinukolan ko sya ng nagtatakang tingin.

"Bakit?"

"Start na ng game." sagot ni Michelle at napatayo na rin.

"Sinong kasama ko sa team?" tanong ko sa kanya. Wala akong naintindihan sa mga pinaliwanag sa amin ng Teacher namin. Ang buong atensyon ko kasi ang nakafocus lang kay Hobi.

"Don't worry magkasama tayo." nakasimangot pa ring saad ni Mich.

"Oh? Magkasama naman pala tayo eh bakit nakabusangot pa rin yang mukha mo?" tanong ko ulit sa kanya.

"Sila yung mga kalaban natin!" tila naiiritang may tinuro si Mich sa likuran ko. Sinundan ko naman kung sino ang tinutukoy nya at napa-groan din ako ng makita sa di kalayuan si Bea na mahinhing tumatawa kasama ang iba naming mga kaklase na sigurado kong kateammates niya.

Ohh! Great! May hindi ako magandang pakiramdam sa mga mangyayari mamaya.

-------------------------------------------------------------
"Let's Go!" sigaw namin ng mga kateam mates ko. Hindi naman ako magaling sa paglalaro ng volleyball at sa katunayan nga first time kong maglaro pero nakakatuwa lang dahil kahit papaano ay nakakascore naman ako. Lamang na ang team namin ngayon sa team nila Bea.

One point nalang at mananalo na kami. Nasa last set na kami ng laro at kapag nakascore kami ay panalo na kami. 22-23 ang nakalagay na score sa scoreboard.

Nagkoconsentrate talaga akong mabuti dahil alam kong nanonood si Hobi pati ang mga kaklase nya. Ayaw ko namang mapahiya sa kanila kaya binibigay ko talaga ang 101% ko. Maging si Michelle nga ay nagulat dahil para motivated daw akong ngayong araw.

Nagserve na ang team nila Bea at agad naman kaming dumipensa. Ilang minuto din ang tinagal ng pagpapalitan namin ng bola hanggang sa nakahanap ako ng tyempo at malakas na inispike ang bola papunta sa panig nila Bea.

"MINE!" malakas na sigaw ni Bea at hinabol ang bola pero sa kasamaang palad ay nadapa sya at ang bola ay pumasok sa loob ng linya ng walang kahirap hirap.

"Whaaaahhhh!!!" nagtalunan kami sa sobrang saya. Napayakap pa ako kay Michelle at sa iba naming kateam mates.

"Perfect score tayo nito sa exam." sabi ng isa naming kaklase na si Liza. Ang sabi kasi ng Teacher namin na kung sinong manalo ay magkakaroon ng authomatic perfect score sa exam namin.

Masaya kaming nagkukwentohan ng maramdaman ko ang malakas na pagtama ng bola sa ulo ko na dahilan para mapaupo ako sa sobrang sakit.

"Aray!" sigaw ko. Sapo sapo ko pa ang ulo at ilong kong tinamaan ng bola.

One Great LoveWhere stories live. Discover now