Chapter 7

8 0 0
                                    

"Maligo kana baka magkasakit kapa." sabi ni Jin sabay abot sa akin ng isang towel at damit pamalit.

"Paano ka? Hindi ka ba maliligo? Maligo kana rin." pilit ko syang nginitian. Pinipilit kong maging masaya kahit pa mugto na ang mga mata ko sa kakaiyak. Hindi ko naman maamin sa kanya na kanina pa ako giniginaw dahil alam kong sesermonan na naman nya ako kapag nagreklamo ako.

"M-mamaya na ako pagkatapos mo." sagot nya. Tatalikod na sana sya at lalabas sa kwarto ng bigla ko syang hilahin pabalik.

"Mas matanda ka nga sakin pero minsan mas matigas pa ang ulo mo kaysa sakin. Halika maligo kana rin." sabi ko sabay hila sa kanya.

Agad nyang binawi ang kamay nya sa pagkakahawak ko.

Napansin kong biglang namula ng pisnge at tenga ni Jin. Nanlalaki pa ang mga mata na parang gulat na gulat sa sinabi ko.

"Ya!S-Shenna k-kapag may na-nakarinig na ibang tao sa sinabi mo baka iba yung i-isipin nila." nauutal nyang sabi.

Napakunot noo ako sa kanya. Ano bang sinasabi ng mokong na to?

"ha? Anong iba? Pauunahin lang sana kitang maligo tapos pagkatapos mo ako naman. May masama ba dun?" nagtataka kong tanong sa kanya.

Mas lalong namula ang pisnge nya sa sinabi ko. Padabog nya akong tinalikuran at nagtungo sa kabinet nya para kumoha ng towel at damit.

Nakapout pa sya habang may sinasabi na hindi ko naman maintindihan bago nagtungo ulit sa pintuan.

"wbajakshakak sbskakaklssjlw sege na maligo kana dyan. Sa baba nalang ako maliligo. Chskzbskaals"

Napataas naman ako ng kilay ng makaalis na si Jin.

Seryoso? ano ba talaga ang problema ng isang yun?

Napailing iling nalang ako at pumasok na sa banyo para maligo at makapagpalit na ng damit.

Natagalan ako sa paliligo dahil nagenjoy ako sa hot shower. Mas naging relax ang katawan ko habang nakatapat sa mainit na tubig. Pakiramdam ko ay nawawala ang lamig na nararamdaman ko at sakit ng katawan ko.

Napansin ko ang sugat sa mga tuhod ko. Ngayon ko lang naramdaman ang hapdi dahil sa ilang beses kong pagkakadapa kanina.

"Ayan Shenna ang clumsy mo kasi yan tuloy makakapeklat pa ata ang maganda mong legs." bulong ko sa sarili ko habang tinitignan ang mga sugat sa tuhod ko. Takot akong sabunin o hugasan man lang ang sugat ko kaya hinayaan ko nalang.

Pagkatapos kong maligo ay agad kong sinuot ang damit na binigay sa akin ni Jin kanina.

Kulay pink na sweater at kulay grey na jogging pants ang pinahiram nya sakin. Nasabi ko na bang mahilig sa pink itong si Jin? Pero infairness bagay naman talaga sa kanya ang color pink dahil maputi sya. Pero kahit ano naman atang suotin nya bagay sa kanya eh.

Pagkatapos kong suotin ay pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin.

At tadaaaahhh! Nagmukha akong fetus sa suot ko. Mukha akong elementary student na pinagsuot ng malaki at maluwang na damit. Umabot hanggang mid thigh ang sweater na pihiram nya sa akin. Ang jogging pants naman ay medyo maluwang at mahaba din para sa akin. Napabuntong hinga nalang ako. The struggle is real.

Mataas kasi si Jin kaya natural lang na malalaki talaga ang damit nya.
Hanggang balikat lang ni Jin ang inabot ng height ko na syang pinagtataka ko dahil noong mga bata kami ay magkasing tangkad lang naman kaming dalawa.

Ngayon tuloy para na kaming sina David at Goliath.

Sinuklay ko ang buhok ko at nagpasyang lumabas ng kwarto nya.

One Great LoveМесто, где живут истории. Откройте их для себя