19

2.3K 61 2
                                    

Maghapon akong ginugulo ng mga tanong sa akin isipan matapos nang mainit na pagtatalo namin ni Jaime kanina. Gusto kong makausap agad sina papa at ang mga kuya ko tungkol dito... I need to know what's going on!

Pinilit kong tapusin ang mga nirereview kong dokumento... Ayaw kong masira ang plano ko sa 3 araw kong pahinga... Damn.

"Ms. D.A. delivery po." Napatingin ako sa intercom. Napakunot ang noo ko ... Wala akog matandaang nagpadeliver ako ng kahit ano...

"What's being delivered? And from who?" Sabay sandal sa aking upuan at hilot sa aking sentido at bahagyang sinilip ang screen ng macbook ko kunsaan kasalukuyang nakabukas ang file na naglalaman ng summary ng performance na lahat company under Stavros Empire and nangunguna pa rin ang Stavros Foods Merc. Sinundan ng Stavros y Diogracios Pharmaceuticals, Stavros Airlines , Yvangeline Travels and Tours , followed by the Stavros Steel... And the list goes on... Dati ay pangatlo ang YTT sa top performing company ng empire...at dahil sa mababang sales sa local package tours namin ay bumaba kami... Tho it won't be a problem since YTT is still on the top travels and tours .

"Foods and Espresso Macchiato Ms. D.A. "

Napakunot ang noo ko lalo dahil doon ."I didn't ask for foods to be delivered... Kanino galing?"

"From a certain Senyora Isabella dela Marced Ms. D.A."

Kay inang? Pero di ba at nasa Pagudpud ito?

"Okay. Bring it in." Sabi ko at kinuha ang phone ko upang tawagan ang inang at pasalamatan.

Narinig ko ang pagring ng kabilang linya...

Napatingin ako nang pumasok sa loob ang aking sekretarya kasunod si Jaime na may bitbit na paper bags na galing Lutong Bahay ni Juan at dalawang plastic cups na may tatak ng isang sikat at mamahaling coffee shop.

"Anong ginagawa nya rito Andrea?" Malamig kong tanong sa sekretarya ko na tila natakot sa akin.

"U-uhm... Siya po yung nagdeliver..Ms. D.A." alanganing sagot nito.

Matalim na tingin ang ipinukol ko rito na nagpaputla ng kulay nya. "Don't be too hard of your secretary Dev... Totoo ang sinabi nya. I personally delivered foods in behalf of inang... She asked me to bring you foods nang malaman nyang nasa parehong kumpanya lamang tayo ngayon. " anya

Huminga ako ng malalim at pinaalis ang sekretarya ko na tila nagmamadali dahil sa takot sa akin.

"Hello ! Angela Apo! Naihatid na ba ni Jaime ang binilin ko sa kanya? Naku di nyo man agad ibinalita sa akin na partner na pala ang kumpanya ninyo... Ano yan? Dahil magpapakasal na kayo? Nako bilisan ninyo at balitaan nyo agad ako para nakapaghanda ako rito!".

"U-uhm Inang.. Maraming salamat po sa pagkain... Opo narito po ngayon si Jaime at inihahanda po ang pagkaing ipinahatid ninyo... A-ah ... Nagkasundo lamang po sila nina papa tungkol sa business..at di pa p-po kami pakakasal ni Jaime inang... " hirap kong sagot rito.

Ayokong ma-upset ang inang. Alam kong matanda na ito para maging malungkot .

Napatingin ako kay Jaime na tila natigilan sa narinig nito... Ngunit nagpatuloy rin agad sa ginagawa...

"Ganun ba? Sayang naman... Akala ko naman ay magpapakasal na kayo... Ano pa bang hinihintay nyong dalawa? Sayang ang panahon...Angela... "

"U-uhm... Inang... Alam nyo naman po hindi p-po ba? Busy po kami pareho sa trabaho namin ni Jaime... " pagdadahilan ko .

Napansin kong palapit sa akin si Jaime... At mula sa likuran ko ay dumikit ito sa akin at niyakap ako ... Ipinatong nito ang baba niya sa aking balikat at idinikit ang tenga sa phone tila nakikinig sa sasabihin ni inang.
Nawindang at nagkagulo ang aking sistema... Agad na nagsigising at nagwala ang mga insekto sa aking tiyan... Bumilis ang tibok ng aking puso... Gusto ko syang itulak palayo ngunit ayaw makipagcooperate ng aking katawan... Para bang hinigop nito ang lahat ng lakas ko...

Stavros 2: STONE COLDWhere stories live. Discover now