14

2K 57 0
                                    

"Babalik na akong Manila next week. Uuwi si kuya Ymar galing U.S. bago siya pumasok muli sa training nya sa SEAL. " sabi ko kay Jaime.

Kasalukuyan kaming nakasakay sa Kayak. Niyaya nya ako kanina... We did try the longest zipline of the world na naririto sa Pugudpud. And that's one of the best experience I had here!

"A-akala ko ba 2 weeks ka pa dito?" Anito na tila may lungkot sa kanyang tinig.

I felt guilty about it. Dahil alam kong nagextend lamang sya rito ng ilang linggo para masamahan pa ako.

"S-sorry Jaime... But my father told me to go home next week . For almost 3 years my brother didn't shown himself part of his training... Kaya papa wants us to be there... " paliwanag ko rito.

Huminga lamang ito ng malalim... Tila may iniisip ito...

"J-Jaime..."

"We will see each other...in Metro." Aniya na tila siguradong sigurado ito .

"But... Metro is quite big..."

"Don't think bout it." Sabi niya at nagpatuloy sa pagsagwan.

"Balik na tayo... Maglulunch na ... Inang prepared for us ..." Aniya sa akin .

---"Aalis na po kami inang

Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou télécharger une autre image.

---
"Aalis na po kami inang...maya-maya... Pinapacheck lang ho ni Jaime ang sasakyan" Paalam ko sa sa matanda...

Ngumiti ito ng malungkot sa akin....at tumayo sa kanyang wheelchair at niyakap ako.

"Sana ay bumalik ka pa rito...Angela..." Anito sa seryosong tinig.

"Pagnakahanap po ako ng oras nang... Papasyal ho ako rito... Pangako ho iyan." Sabi ko rito habang yakap yakap parin ako

Naramdaman kong humigpit ang yakap niya sa akin. Bago ito kumalas at niyakag ako paupo sa upuang katabi ng kanyang wheelchair. 

Tahimik naming pinagmamasdan ang napakagandang panahon sa lugar... Tila nakakarelax ito ... Kundi lamang sa halu-halong emosyong nasa puso ko ngayon ay mas maaappreciate ko ang lugar na ito...


"Alam mo bang nalungkot ang buong pamilya ng nalaman namin ang pag-alis mo ...Angela... Lalong lalo na si Jaime... Sobrang lungkot at nasaktan ito... Dahil sa nangyari noon sa inyo..."
Napatingin ako kau inang ng basagin niya ang katahimikang namamayanin sa aming dalawa... Hindi ko mapigilan ang mabibilis na kabog sa aking dibdib... Alam ko kung ano ang kahihinatnan nito... Alam ko... Alam kong babalik at babalik kami sa umpisa...

"Ang batang iyon... Napakabuti ng puso niya... Na kahit ang sariling kaligayahan ay kaya nyang isakripisyo para mapabuti ang kanyang mga minamahal... " nakita ko ang pagguhit ng malungkot na ngiti sa mga labi ni inang... At ang mga nagbabadyang pagalpas ng luha sa kanyang mga mata...

Napakagat ako sa ibabang labi ko... Nararamdaman ko ang sakit sa akibg puso... Dahil alam kong tama ang inang... Gagawin lahat ni Jaime kahit ikasakit pa ng sarili nito upang mapabuti lamang ang mga minamahal niya... Kaya nga di ba ? Pinili nito noon si Gabrielle dahil ito ang minamahal niya at hindi na ako? 

"Ilang beses namin siyang kinausap noon na huwag ituloy ang kanyang pinaplano... Ilang beses ko siyang pinakiusapan noon... Pero ang batang iyon ay namana ang katigasan ng ulo ng kanya lolo... Kaya siguro di siya nakinig sa akin at itinuloy pa rin nya... " pagpapatuloy pa nito.

Suminghap ako upang makasagap ng hangin...dahil sa sobrang bugat ng nadarama ko sa aking dibdib... Kasabay niyon ang pagpatak ng mga luha mula sa aking mga mata... Bumubukas muli ang mga sugat ng kahapon... Hindi ko alam pero sa ginagawa ni inang ngayon ay parang bumabalik na naman ang sakit...


"At dahil doon sobrang laki ng pinagbago niya... Hindi na ito palakibo... Ni hindi na ito napapasyal rito kung hindi pa ako kamuntikang mamatay dahil sa atake sa puso ay di siya tatapak pang muli dito...  "

Nanlaki ang mga mata kong napatingin sa kanya...
A-anong ibig nyang sabihin....?

"I-inang... A-ano...bakit di ko... My God... " di ko mahapuhap ang mga salitang gusto kong sabihin... Dahil sa guilt na nararamdaman ko.

Hinawakan ni inang ang kamay ko at bahagyang pinisil ang mga iyon...  At nginitiab ako. Tila ba sinasabi nitong maayos na sya... Na nagpakalma ng aking kalooban..

"Hindi ko alam kung paano kong ibabalik ang ngiti sa mga labi ng apo ko nung imalis ka Angela... Pero alam mo? Isa lang ang alam ko... Mah---"

"Inang! " napaharap si inang sa pinanggalingan ng tinig ako naman ay nagmamadaling inayos ang aking sarili... Alam kong narinig nya ang huling parte bg paguusap namin ni inang... Alam ko...


"Apo... " ani inang na pilit pinasasaya ang tinig. "Nagdadramahan lamang kami nitong si Angela... Jaime... Alam mo namang namimis ko ng sobra ang nobya mo...."

Huminga ng malalim si Jaime at napatitig sa akin na tila hinihintay na ikumpirma ko ang sinabi ni inang.

Ngumiti ako ng malungkot at tumango.

"Inang naman... Alam nyo hong bawal sa inyo ang maging emosyonal." Nagaalalang sabi ni Jaime.

Tinawanan lamang siya ni inang at bumaling sa akin. "Hala Angela! Mukhang kulang sa ulayawan ang nobyo mo! Kaya naman sige na!  Umalis na kayo ngayon at ng makarami kayo! " mapaglarong ani inang na ikinapula ng mukha namin ni Jaime.

"INANG!" tila naeeskandalong saway nito sa lola na ikinahalakhak lamang ng matanda.

"Bakit?! Anong akala nyo sa akin ? Alam kong ginagawa nyo na iyon noon pa man! Akala nyo ! Huh! Matanda na ako!  At gusto kong makita ang mga apo ko sa tuhod mula sa mga paborito kong apo... Kaya sige lang!" Dagdag pa nito


Damn! Wala ba kaming naitago pa kay inang noon?!

Stavros 2: STONE COLDOù les histoires vivent. Découvrez maintenant