20

2K 50 4
                                    

Matapos ang isa sa pinakamahabang dinner na iyon ay hindi ko na nakausap si papa dahil mayroon pa itong kailangang asikasuhing importanteng bagay.

Kasalukuyan kaming nasa sasakyan ni Moris pauwi ng Metro... Sinabi ko rito na sa condo ko na nya ako ihatid at idinahilan ang mga importanteng bagay na kailangan kong asikasuhin.

"D.A..." Anito sa akin sa tila nananantyang tono.

Ako naman ay sinulyapan siya at napansin ang tila kinakabahan ito sa kanyang sasabihin... Huminga ako ng malalim at tumingin muli sa labas ng bintana...

"Moris... Kung talagang kakailanganin ka nina tito sa kumpanya nyo ayos lamang sa akin... You are his only son... Sa inyong dalawa ni Mishy ikaw talaga ang magmamana ng pamamahala ng negosyo nyo... " sabi ko sa kalmadong tinig.

Narinig ko ang paghinga nito ng malalim tila nahihirapan siya sa sitwasyon...

"Seryoso ako Moris... Ayos lamang sa akin na umalis ka at mawala ng ilang linggo... I can manage..." Sabi ko rito

"Alam kong kaya mo ang sarili mo pero magkaibang bagay na iiwanan kita na may Jaime sa paligid mo D.A." he said frustratedly.

Huminga ako ng malalim... Tila lalog bumigat ang kalooban ko dahil sa sinabi nito... Alam kong napipigilan siyang iwan ako dahil kasama ko si Jaime... Na may pagkakataong makalapit ito sa akin ... Natatakot si Moris na masaktan ako ni Jaime at wala siya roon upang protektahan ako... I know how Moris wants to shelter and protect me from pain.

"Moris... Mas kailangan ka nina tito ngayon. Ilang araw lamang naman iyon.. I can protect and take care of myself...don't worry too much about me... Moris... Marami kaming makakasama... Ang team natin?" Sabi ko sa kanya sa pagpapayapang tono.

I know that when tito asked his help that means it is not just a small problem! Hindi siya pinatatawag nito kung kayang kaya nilang ayusin ang problema... Alam ko iyon! Dati noon nasa Switzerland kami ay bigla siyang pinauwi ni Tito dahil nagkaroon ng krisis ang Romanov Chain of Hotels and Restaurants . Kamuntikan na sila mabankrupt kundi lamang nagawan ng paraan ni Moris noon iyon... Tatlong buwan siyang pabalik-balik noon sa akin at rito sa Pilipinas.

Inihinto nito ang sasakyan dahil red light na... At hinarap ako kaya napatingin ako sa kanya...

Nakita ko ang paghihirap sa mga mata niya...

"But... How can you protect yourself from someone who own a piece of you,  D.A? " mahina nitong tanong . Puno ng kalungkutan ang tinig nito

Napaiwas ako ng tingin rito...at huminga ng malalim ...pilit kong inaalis ang bara sa aking lalamunan dahil sa pagpipigil ko na sumabog ang puso ko dahil sa mabigat na nararamdaman.

"I moved on. " pilit kong pinatatag ang tinig ko upang maibigay ang kombiksyon sa sinabi ko..ngunit alam ko na bigo ako... Tila ba ang tinig na lumabas sa akin ay ang aking sarili ang kinukumbinsi at pilit na pinaniniwala sa sinabi ko.

Huminga ng malalim si Moris at muling pinaandar ang sasakyan...
Tahimik na lamang ito sa buong byahe.

Makalipas ng isang oras ay nakarating na kami sa Stavros Tower... Kung saan pinapamahalaan ito ni kuya Ybarra.

"Salamat sa paghatid Moris." Kalmado kong sabi at saktong bubuksan ko ang pinto ay nilock nito iyon kaya napatingin ako sa kanya.

"Sana D.A. ako ang kinukumbinsi mo sa sinabi mong nakamove on kana ... Hindi ang sarili mo... Ayokong nakikita kang nasasaktan... Alam mo iyon... Ayokong nasasaktan ka. Mahalaga ka sa akin ... " sinserong sabi nito sa akin.

Bumigat lalo ang pakiramdam ko sa akin dibdib... Alam kong hindi ito naniniwala sa sinabi ko kanina... Alam kong kilalang kilala ako nito...
Hindi na lamang ako kumibo...

"Mawawala ako ng mga ilang araw lamang... Gagawin ko ang lahat upang hindi umabot ito ng dalawang linggo o isa man lang... Sana sa mga araw na wala ako... Guard your heart up D.A. wala ako roon para protektahan at damayan ka. Kaya pakiusap... Gawin mo muna iyon para sa akin. I trust you to take good care of yourself ...especially your heart..." Anito sa seryosong tinig.

Ngimiti ako sa kanya dahil sa sinabi nito... At tumango ng mariin. "I promise, Moris... I will. Just trust me on this." Sabi ko sa kanya na puno ng determinasyon.

Tumango ito at hinila ako payakap sa kanya at di rin nagtagal ay kumalas ito at bumaba ng sasakyan upang pagbuksan at alalayan ako pababa.

"Hindi na kita maihahatid pa sa loob... Alam kong matatagalan lamang ako kung sakali dahil magkukulitan pa tayo... Magiingat ka huh? Ang mga bilin ko sayo." Anya sa tila isang kuya sa kanyang kapatid.

Nginitian ko sya at tumango ."Opo. Ingat ka sa pagdadrive Moris! Ayaw kong mawalan ng P.A at bodyguard!" Biro ko rito na ikinatawa niya.

Ginulo nito ang buhok ko bago ako hinagkan sa noo gaya ng nakagawian ... At nagpaalam na.
Hinintay nya muna akong makapasok sa tower bago siya umalis.

Napapailing na naglakad ako patungong elevator... Saktong bumukas iyon at sumakay ako... Mabuti na lamang at wala akong kasama sa loob... Pinindot ko ang floor bago ang penthouse kung saan naroon ang aking unit. Ang penthouse ay kay kuya Ybarra. Doon ito namamalagi tuwing abala sya rito sa Metro at hindi makauwi ng Tagaytay.

Sa 18th at 19th floor ay mayroong tig 4 malalaking unit... Sa 19th floor kami nina Ate Clover Yvangeline at Kuya Ymar. Gustuhin man ni Queen na sa penthouse ito ngunit ibinigay iyon nina papa kay kuya Ybarra dahi sakanya ipinamahala ang Stavros Tower. Sa 18th floor naman ang kina kuya Carlos, kuya Hades at kuya Renolve. Mayroong tig-isang bakanteng unit doon at ang alam ko ay ginagamit iyon tuwing mayroong foreign investors or partners na bisita ang pamilya at doon pinatutuloy kung walang mabook na room sa hotel para sa mga ito. . Si kuya Ybarra lamang ang madalas namamalagi rito dahil may kanya-kanyang bahay na kaming magkakapatid dito sa Metro... At sa lagay ko naman ay kina Moris din ako namamalagi pag narito ako sa Metro dahil malungkot dito sa unit ko at sa bahay na binili ko noong umuwi ako rito. Kung ako ang masusunod noon ay di na ako bibili ng bahay noon kaso iginiit ni kuya Ymar na kakailanganin ko iyon ng malaman nyang uuwi ako ng Pinas.

Ilang sandali ay bumukas ang lift sa 6th floor at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung sino ang naroroon.
Nagrigudon na nman ang puso ko at nagkagulo ang mga insekto sa tiyan ko. Nagkabuhul-buhol ang sistema ng aking pagkatao...

Lihim akong napasinghap ng maamoy ang napakapamilyar na pabango nito...na minsan kong kinaadikan noon ...ako mismo ang pumili niyon para sa kanya...

Tila natulos ako sa kinatatayuan ko ng pumasok ito at pinindot ang 19th.



Napatingin ako sa kanya. "D-Doon ka sa 19th floor?" Tanong ko sa kanya sa di makapaniwalang tinig.

"Yeah." Anya habang may mapaglarong ngisi sa kanyang mga labi.

Huminga ako ng malalim... Siguro ay may idadaan lamang ito roon..baka nasa itaas si Queen.

"May dadalhin ka ba kay Queen?" Tanong ko na lalong ikinalawak ng ngisi nya na tila naaaliw sa akin .

Umiling lamang siya. "Dito ako tumutuloy." Anya sa akin

Saktong bumukas ang lift sa floor namin.

"What?!"

"I owned the unit next to yours Devone. One of the perks of being youf business partner." Anya at lumabas ng tuluyan sa lift at naiwan akong tulala roon.

Muling hinarap ako nito at tumaas ang isng sulok ng kanyang mga labi ... "Hindi ka pa ba bababa? Magsasara na ang lift." Anito sa mapagarong tono.

Tila natauhan ako't nagmamadaling lumbas ng lift ...

"P-paanong hinayaan ka nina papa na makuha ang unit sa floor na nilaan lang sa pamilya,  Jaime?! Ano bang nangyayari ngayon?! " hindi ko mapigilang itanong.

Huminga ito ng malalim at nginitian ako ng malungkot. "I wish I could answer you, Ai. But I won't. Hindi ako ang nasa tamang lugar para magsabi ng lahat ng nangyayari at nangyari ... Good night Ai... See you the day after tomorrow." Anya at pumasok sa pintuan ng unit na nasa tapat ng akin.


Damn!

Ano bang nangyayari?! Wala na akong maintindihan!

Stavros 2: STONE COLDWhere stories live. Discover now