15

2.3K 65 1
                                    

Matapos naming makabalik sa Vitalis ay wala na kaming imikan at pansinan muli ni Jaime. Di na nagtanong pa si Moris kung anong nangyari nanatili lamang itong tahimik at iniiwasan niya na mabanggit ang kung ano man may kinalaman sa dalawang araw na pagkakawala namin ni Jaime...

Siguro ay alam nyang hindi ko kayang magkwento ... Dahil pagdatin ko sa villa namin ay agad ko siyang hinanap at niyakap ng mahigpit... Tsaka ako umiyak ng todo sa kanya...
Hinayaan nya lamang ako...
Tulad noong isang dekada na ang lumipas... Sa kanya rin ako umiyak noon... Dahil siya ang bestfriend ko...

Nakausap ko na rin si Rome at humingi ako ng dispensa sa nangyari... Nagdahilan lamang ako upang di ito magtaka kay Jaime... Buti na lamang at mabait at maunawain si Rome... At di na nagtanong pa.

"Nakaalis na sila Gabrielle kanina 3am...nagmamadali si Jaime dahil may importanteng meeting pala ito maya-maya... Siguro ay nasa Metro na silangayon... Nagtatanong siya kung hindi daw ba tayo sasabay.. Ang sabi ko ay hindi na dahil tutuloy tayong Baler ngayon... Para sa Project PH." Aniya sa akin .

Ngumiti ako sa kanya at tumango. Tapos na kaming maglibot sa Ilocos Sur at Norte... Hindi nalang namin pinuntahan ang Pagudpud dahil alam ni Moris na ayaw kong mapunta muli roon... Hindi ngayon sa estado ng puso ko.

Pinipilit kong ibalik ang aking sarili sa normal na ako... Hindi maaaring ganito ako...dahil maaapektuhan ang proyekto namin...

"Tatapusin lang namin ang shoot sa Pagudpud ngayong araw ...hindi ka kasama roon... Kami lamang ng team... " paalam nito sa akin

"Sure. Dito na muna ako at magpapahinga!  Gosh! May video conference pa ko with the board ng YTT!" Ani ko sa eksaheradang tono na ikinailing lamang ni Moris.

"Let's skip Baler first! Hike tayo after this!" Yaya nya sa akin na ikinaexcite ng puso ko! Damn ! I love hiking!

"Sure!  That's awesome,! " sagot ko sa kanya at niyakap ko pa siya ng mahigpit sa tuwa bago ako kumalas at tinaboy siya upang matapos sila ng maaga!

At habang hinihintay ko sila ay napagdesisyonan kong magcheck ng mails ko... And updates sa business ...

From: Yumi

What the hell are you thinking !?! Bakit ka sumama kay Jaime sa ancestral house nila?!

From: Summer

That snake called us! She was asking for your number because she couldn't reach Jaime's ! She told us that you were together! Gr... I hate her guts!

From: Mishy

Oh! I'm gonna kill kuya Moris for not protecting you! Damn it! I'll kill him with that snake and jerk!


Napataas ang kilay ko ng makitang may groupchat pala kami ng bitches. At biglang nanlaki ang mga mata ko sa realization ko na alam nila ang nangyaring pagkawala namin! Fck!

To Bitches

I'm fine... Don't make a fuss out of it! I'm perfectly fine! Please keep this as a secret! My family wouldn't appreciate it if they found out.

Then I logged out.
Nakaramdam ako ng pagkairita kay Gabrielle dahil sa ginawa nito... Why does she have to call my friends just to reach Jaime?! Damn it! Hindi ba nya pa ba napupuntahan ang ancestral house nito sa Pagudpud?!

Huminga ako ng malalim at inayos ang sarili para sa video conference ko with YTT board of directors.

Yes! YTT is not your ordinary travels and tours agency... It is a big company right now and we cater International ang local tours... We have by land, by air and by water tours offering. Name it!

Stavros 2: STONE COLDWhere stories live. Discover now