I quivered and paced through the pavement towards the store. Gustuhin ko man bagalan ang lakad pero kailangan ko na takasana ang lamig.

I am bundle of nerves when I arrived at the Bildergate. Pag bukas ko ng pintuan ay bumungad sa akin sina Olivia at James na hindi abala sa mga gawain. Wala rin kasing masyadong customers sa loob. Kung meron man ay tumitingin tingin lamang sa loob ng store. Suminghap ako at naamoy ang pahina ng mga libro.

"Late." Iiling iling na sabi ni James. His ponytail imitated his head. While Olivia just gave me a friendly smirk. Her nose is still bright red.

Pinamulahan ako ng pisngi at pinag lapat ang dalawang palad. "Sorry."

James nodded, acknowledging me. Abala yata siya sa pagdo-doodle sa papel.

"Hi green hair. . .Marami ba akong namiss?" Tanong ni Olivia na ngayon ay kumakain ng skittles. On her tone, I can sense that she's up for something. Na para bang may hinihintay siyang balita na alam na niya pero nais niyang manggaling sa akin. I guess I already have an idea on what it is.

Inalok niya ako ng skittles nang makalapit ako sa counter.

"Nothing much." I said, grabbing two pieces from her.

Tinitigan niya ako na para bang hindi siya naniniwala. She shifted on her chair to face my direction.

"Well according to James, you and that beggar is getting along well." Isinayaw ni Olivia ang kaniyang perpektong kilay.

Bumagsak ang balikat ko sa kaniyang remarks, dismayado sa binigay niyang titulo. "He is not just a beggar Olivia. He is just. . . a guy.  A lost guy that's all."

A lost guy, just like me.

Tiningala ako ni James mula sa pagkakadungaw sa kaniyang dino-doodle. Kinuha niya ang papel sa counter at nilukot iyon sa kaniyang palad.

"Sana naman safe yung pinag dalhan sa kaniya ni Lorie noh? Where do you think it is?" Untag niya at hinagis ang crumpled paper sa trash bin na parang bola. Nanatili ang tingin ko roon, iniisip ang kalagayan ni Theo.

"Siguro sa mga organizations na kumukupkop sa mga walang matirhan." Suhestiyon ni Olivia. Napatingin ako sa kaniya na kasalukuyang ngumunguya ng skittles.

Nanahimik na lamang ako, piniling mag arrange ng mga kung ano ano kahit hindi naman kailangan. Itinaktak ko ang mga magazines, pinagpantay pantay at muling ibinalik sa rack. I can feel the puzzled stares of James but I don't mind. I just need to do something to keep my mind occupied. At least for while.

Nang sumapit ang lunch break ay si Olivia ang nagyaya na kumain sa labas. Sa usual place kung saan sila naglalunch ni James. Gusto ko sana sumama kaya nga lang ay nakakahiyana magpalibre.

"I don't want to. Nag lunch na kami kahapon e. 'Wag ka naman sugapa." Ani James at nilabas ang kaniyang bag sa stocking room. Kahit papano ay nakahinga ako nang maluwag doon. Pero papano naman itong si Olivia?

"Ang daya niyo naman!" Ani Olivia, pabirong sumimangot, hinihilot ang kaniyang bilog na tiyan.

Ako naman ay tahimik lamang habang nagtatalo silang dalawa. Iniisip ko kung ano na ba ang ginagawa ni Theo roon. Nagbabasa pa rin kaya siya? Nanonood ng tv kahit hindi marinig ang sinasabi? Nakatingin sa labas ng bintana?

He is still limping and imagining him walking around the apartment to accomplish some of his needs brought some fear to me.

Nag balik realidad ako at sinalit ang tingin kay James at Olivia.

"Pwede bang bumalik muna ako sa apartment? Kakain lang ako." Tumayo ako sa upuan.

"Sama na kami." Ani James, tumayo rin sa monoblock. "Makikikain lang. Is it okay?"

Things I Cannot SayWhere stories live. Discover now