It was 8 am. Sinadya kong bumangon nang maaga, iligpit ang kama at ang cabinet. I am feeling productive today, knowing that I am not a useless person anymore who doesn't have a purpose. Well that was before. Now. . . I finally have.

Binuksan ko ang pintuan at namataan na tulog pa rin si Theo. Ganoon pa rin ang posisyon niya simula nang iwan ko siya kagabi. He is now wearing my black t-shirt and another loose pajamas that seems fit to him. Kailangan ko talaga gawan ng paraan upang hanapan na siya ng trabaho pambili ng kaniyang mga damit. At kung makapag ipon na nang malaki laki, maybe we can buy him his very own property. Hindi pwedeng iaasa niya lang sa akin ang lahat. Restoring every pieces of his life should be a team work between us.

Hindi pa ako nakakapag grocery, pero mukhang kailangan ko na manghingi muna ng advance kay Lorie upang makabili na ng groceries dahil hindi pwedeng omelet na lang ang aking kakainin. Binuksan ko ang cabinet at napagpasyahang gumawa na lang ng mushroom soup. I have to save the remaining eggs for the dinner.

After cooking the eggs, nilagay ko na iyon sa dalawang plato. Pinatay ko na ang stove at dahan dahan na naglakad palabas ng kusina dahil baka magising ko lamang si Theo.

Nang makalabas na ako ng kusina ay namataan kong gising na pala siya at nakaupo lamang sa sofa, tinitignan ang mga libro. Ang dalawang kamay ay nakahawak sa papel at ballpen.

Tinignan ko ang kaniyang mga mata. Kita ko sa mga mata niya na gusto niya basahin ang mga ito. Gusto ko sabihin sa kaniya na pwede niya ito basahin kahit kailan niya gusto pero kailangan niya muna kumain ngayon.

Kinuha ko ang ballpen sa table at kumuha ng papel upang mag sulat ng maikling letter.

Good morning Theo!

Nilingon ko siya at naabutang nakatingin sa direksyon ko. I gestured him to come over and eat with me. Hindi na siya nagpapilit ba dahil kusa na siyang tumayo sa sofa at lumapit sa akin. He is still limping. Sa tingin ko ay lumala iyon nang kaladkarin siya ng mga pulis kahapon. The soreness of his affected muscles are still there, making me more concerned for him. I will work on that later using the spoon I left inside the fridge. But first, lets make sure that he will eat well.

Ipinaghila ko na siya ng upuan at hinayaan siyang maupo roon. Kinuha ko ang letter sa table at ibinigay sa kaniya iyon nang makita kong may inaabot din siya sa aking letter. Ito ata ang sinulat niya habang nasa kusina ako.

Binuka ko ang papel at nakita ang kaniyang pamilyar na handwriting.

Good morning Makayla :)

Habang kumakain ay hindi ko mapigilang maging curious kung paano nawala ang pandinig ni Theo pati ang kakayahan niyang mag salita. Pwede ring in born na ito dahil may mga kakilala akong ganito rin ang kaso. Saglit tuloy akong napaisip kung may mga paraan pa bang pwedeng gawin upang makapag salita na ang mga katulad niya. Kung hindi kaya siya ganiyan, ano kaya ang boses niya? Husky kaya? Matinis kaya?

Nauna siyang matapos kumain sa akin. Habang kumakain ako, namataan kong nagsusulat uli siya sa papel.

Let me wash the dishes

Napatingin ako sa kaniya. In his eyes, I can see the willingness. I don't want him to move around here. I want him to rest. Ang dami niyang pinagdaanan bago muling makapag pahinga. Ayoko munang mapagod siya. He is still recovering.

M - You have to rest.

T- Please?

His expressive eyes can melt one's heart. Kaya sa huli ay natalo lang din ako. Ayoko rin naman pagurin siya sa pagsusulat dahil lang sa pagpupumilit sa akin na tulungan niya ako sa mga gawain dito sa apartment.

Things I Cannot SayWhere stories live. Discover now