Mint Academy ▒ Chapter forty seven

27.9K 950 111
                                    

Dahil wala akong pasok eto na mapapaaga ang update ko pero wala akong update bukas ah hahaha. Mahaba haba to kaya sana 'wag nyong sabihing bitin aba 2600+ ito. Hahaha XD

Enjoy reading...

Cure

Pag gising na paggising ay kaagad na akong naligo para makapunta sa hospital. Hindi ko na ginising pa sila Yana at umalis na ako sa bahay ng walang pasabi. Ayoko namang mag alala sila sa akin.

Habang nasa loob ako ng taxi hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman, maiiyak ba ako matatawa sa itsura ko.

"Hija?" tiningnan ko si manong driver na nakangkti sa akin "Pasensya na pero bawal sa taxi ko ang malungkot na mukha. Smile ka naman jan sayang ang ganda."

Nagtatakang tiningnan ko sya pero ngumiti pa rin naman ako baka kasi mamaya ibaba nya ako dito eh walang sakayan dito.

"Hija. Kung ano man yang problema mo huwag kang mag alala nanjan lang ang Diyos, manalangin ka lang sa kanya."

Tama. Sa sobrang busy ko nakalimutan kong nandyan pala ang Panginoon. I'm sorry papa God. Mas lalo tuloy akong naiyak pero di na ako pinakialaman pa ni manong. Nang makarating kami sa hospital ay kaagad ko syang binayaran at hindi ko na kinuha ang sukli kaya naman nagpapasalamat sya sakin.

Medyo gumaan din ang pakiramdam ko knowing na may natulungan ako kahit na ganito ang sitwasyon ko. Pumasok ako sa loob ng hospital at agad akong pinagtinginan, oh yeah of course dahil sa damit na suot ko.

Mint Academy t-shirt and jeans of course makukuha ko kaagad ang atensyon nila kahit nga ang atensyon ng mga nasa organization ay makukuha din namin. Yun nga lang di nila kami pwedeng pakialaman hangga't di pa kami graduate dahil kung hindi mamamatay sila.

Kung ang phantom ba naman ang kikitil sa buhay mo di ka ba matatakot?

Dumeretso na ako sa front desk at saka nagtanong.

"Miss saan po ang room ni Misis Cencia Mendrez?" tiningnan naman ako ng nurse at nanlaki ang mga mata nito pero agad din naman itong bumalik sa dati.

"May I know kung kaano ano mo sya?"

"She's my mom." sabi ko saka binigay ang ID ko at nanlaki naman ang mga mata nya.

"Ah ye-yeah sorry. Private room number fifteen po."

So sa private room pala nila nilagay si mommy. Natural di papayag si daddy na sa ordinary room lang si mommy. Umalis na ako sa front desk pero ramdam ko pa rin ang tingin ng mga tao sakin.

Sanay na ako sa mga tingin pero may isang tingin na kakaiba akong nararamdaman. Puro kasamaan, ramdam ko ang gusto nyang pagpatay sa akin kaya naman kinabahan ako pero hindi ko pa rin ito pinansin.

Nang makarating ako sa room ni mommy ay nakita ko sila ni daddy na tulog na tulog kaya naman lumambot na naman ang puso ko. Lumapit ako sa kaliwang bahagi ng kama ni mama para naman di ko magising si daddy.

"Mom?" naiiyak kong tawag "Mommy don't worry gagaling ka po." ang luha ko di pa rin pala ubos napatakip ako sa mukha ko at tahimik na naiyak.

"Kecy?" napatingin ako kay mommy at kahit na hirap na hirap sya ay nakangiti pa rin sya. "Kecy, ikaw ba talaga yan?" nag nod ako at nakita ko ang pagpatak ng luha ni mommy "Akala ko di na kita makikita Kecy natatakot ako na baka patayin ka nila."

Ramdam ko ang takot ni mommy para sakin, ramdam ko rin na wala syang alam kung ano o sino ang papatay sakin sa panaginip nya.

"Ano ka ba naman Cia, hindi naman mamatay si Kecy safe sya sa Mint Academy." sabat naman ni daddy. Gising na pala sya di ko man lang naramdaman.

Mint Academy: The school for intelligentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon