It feels like our souls are made for each other. At kung pwede lang sana ay ganito nalang kami. Sana dito nalang kami.

Pinunasan niya ang mga luha ko. Inayos niya rin ang buhok na tumatabing sa aking mukha.

Pumikit nalang ako ng maramdam ko ang mainit niyang labi sa aking labi. This kiss is also different, there is so much adoration in this. It feels like we're doing it all in.

Ako ang unang kumalas, hinihingal pa ako habang nag aangat ng tingin sa kanya. He looks so intoxicated and there is so much passion in his eyes.

I missed this look, this version is my Landon.

"Thank you," bulong ko.

Nakayakap pa rin siya sa akin.

We stayed like that for some time bago ako nag desisyon na lumabas na ng sasakyan. Late na ako sa pagsundo kaya wala akong ginawa kundi ang magdasal na delayed ang flight para umabot ako.

Habang papunta sa airport ay pakiramdam ko lumulutang parin ako. Sobrang lalim ko na at hindi ko alam kung paano ako aahon sa nararamdaman ko para kay Landon.

I don't believe in love at first sight, and surely hindi ganon ang sa amin. All I know is that wala akong sagot sa kahit anong tanong kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa kanya.

It's like I'm willing to risk everything, I'm willing to be in this mess for him. I'm willing to be bad just for him.

Kumaway si Elon ng makita ako. Ngumiti ako at nag simula ng lumapit pero ng makita ako ni Silas ay mabilis itong tumakbo papunta sa akin.

Tumawa ako ng sa wakas ay nag-abot na kami at mahigpit niya akong niyakap.

"I miss you so much Mommy Aisla," Silas said.

Kumalas ako sa yakap at hinalikan siya sa pisngi.

"Miss you more handsome. How are you?"

"I'm hungry," Sagot niya.

Tumawa ako at tumango.

Lumapit sa'kin sila Elon at Mama. Pinanliitan ko ng mata si Mama. Umiwas ito ng tingin.

"Ma! Bakit di mo sinabi?!" Iritado kong sabi.

"It's okay anak, I'm fine. Wala 'to, kayang kaya ko 'to. And I have you guys, I'm already complete."

Tumulo ang luha niya at ganon din ang akin.

"Ma naman eh!" Sinabunutan niya ako at inakap ako. I'm still worried kaya sisiguraduhin ko na buong suporta ang ibibigay ko sa kanya.

Isa pa, malakas ang Mama ko. I know kaya niya 'to. Saka malakas siya kay Lord. I know He has great plans for her.

"Drama, let's go now," singit ni Elon. Nilingon ko siya at inirapan. Ngumisi siya at lumapit para halikan ako sa pisngi.

"Yuck! Stop it!" Tumawa lang siya pati si Mama at Silas.

"Let's go na, nagugutom na si Silas." Tumango sila sa sinabi ko.

"Ate, Jollibee tayo please," si Elon.

Tumango ako. Hiniram ko ang sasakyan ni Arkit at mabuti nalang wala siyang trabaho kaya pumayag siya. Gusto niya sana sumama magsundo pero wala pa siyang tulog kaya hindi ko pinayagan.

"What's Jollibee Daddy?" Tanong ni Silas kay Elon. Nakasakay na kami sa sasakyan ni Arkit at naghahanap ng Jollibee.

"Paboritong kainan 'yon ng Daddy mo," Si Mama ang sumagot. Nakakaintindi si Silas ng konting tagalog dahil nagta-tagalog naman kami sa bahay.

Nights With You [ Isla Azul Series #1 ] Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt