Kabanata 9

14.1K 516 67
                                    

Kabanata 9

"What's the deal between you and Yona earlier?" Tanong ni Arkit.

Kanina pa siya nakauwi samantalang ako ay kagagaling lang sa mall.

Namili kasi ako ng mga damit para sa summer dahil karamihan ng mga damit na nadala ko ay para sa malamig na panahon.

"She's my half sister," sagot ko.

Nanlaki ang mata ni Arkit, lumapit siya agad at naupo sa tabi ko dito sa sofa.

"Really? Grabe naman, small world! Kaya pala bitch 'yon, bitch pala talaga since birth," she surely said.

Natawa ako sa sinabi niya. Hindi pa rin talaga nagbabago si Yona, I can't even call her Ate now.

"It's okay, hindi naman ako naaapektuhan sa kanya." nagkibit ako ng balikat.

Umiling si Arkit at nagtaas ng kilay sa sinabi ko.

"But girl, sobrang sama ng mga ginawa niya sa'yo dati, are you sure okay lang na makatrabaho siya?" Tanong niya.

Huminga ako nang malalim at tumango.

"Marami nang nagbago, Kit. Hindi ko naman hahayaang saktan niya ulit ako."

Hindi lang naman pangalan ang nagbago sakin, nagbago na rin ang pananaw ko, ang ugali ko, at ang tingin ko sa sarili ko.

Hindi na ako si Savine na mababa ang tingin sa sarili. I'm now Aisla Zamora at sinigurado ko na hinding hindi ko na ulit hahayaan na hawakan ng ibang tao ang kasiyahan ko at halaga ko.

"Of course, dahil ako ang unang mananakit sa kanya bago ka pa niya saktan. I'm the boss you know." kinindatan niya ako.

Ngumiti ako at humilig sa kanyang balikat.

Her boyfriend is also our boss, idiot. Gusto kong idagdag pero nanatili akong tahimik.

Sa loob ng anim na taon, na-realize ko kung gaano kahalaga ang mga taong naniniwala at nagmamahal sa'kin

Because in this life, no matter how fucked up we are, no matter how messed up our lives, having them is enough.

At the end of the day, ang malaman na may mga taong hindi ka iiwan kahit na ang tingin mo sa sarili mo ay hindi na karapat dapat para sa kanila ang siyang importante, kaysa sa mundong nagsasabi sa'yo na wala kang mararating at wala ka ng pag - asa.

"Na-miss mo ko 'no?" asar niya.

Nag angat ako ng tingin para irapan siya. Tumawa siya at binatukan ako.

"Cold mo talaga!" tumawa na ako at binatukan din siya.

Sa loob ng dalawang araw kong pahinga para makapaghanda bago magsimula ang shooting ay sinigurado ko na nagawa ko ang lahat ng dapat kong gawin.

Sa unang araw ay wala akong ginawa kundi ang mag edit at mag upload ng mga pending vlogs ko sa youtube. Tapos ay nakipag video call ako kila Mama.

Sa sumunod na araw naman ay natulog lang ako. Sinigurado ko rin na alam na alam ko kung paano ang atake na gagawin ko sa pagkuha ng mga shots, kaya nag research ako ng iba pang paraan.

Ngayon ay nakasakay ako sa taxi papunta sa first shooting location, kagabi ay pinadala sa akin ang call sheet na naglalaman ng call time at location ng bawat eksena.

Hindi kami sabay pumunta ni Arkit sa location dahil may dinaanan pa siya, maaga siyang umalis at wala naman problema sa akin na mag commute.

Pagkababa ko ng taxi ay naabutan kong busy na ang lahat sa pag aayos ng mga equipment na gagamitin. Outdoor ang una naming location kaya kailangan mag take note sa lighting.

Nights With You [ Isla Azul Series #1 ] Where stories live. Discover now