Kabanata 4

16.3K 454 157
                                    

Kabanata 4

Nag desisyon ako na magpalit muna ng damit. Isang white beach dress ang sinuot ko dahil pakiramdam ko hindi bagay ang suot ko kanina para sa video na aming gagawin.

Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. Kung may isang bagay man sa akin na hindi ko kailanman naging problema, iyon ay ang itsura ko. Kaya naman hindi ko maintindihan kung bakit napakatagal ko rito.

Inihilamos ko ang kamay ko sa aking mukha. Wala akong nadala na kahit anong make-up kaya I don't know how to enhance my face. Umiling ako, it doesn't matter dahil wala na rin akong magagawa.

Yes, it doesn't matter kung hindi iiral ang insecurities ko. Umiling ako at nagpasya nalang na itaboy ang mababaw kong problema na hindi ko pa naman naramdaman noon.

Nakaramdam ako ng konting kaba pagkasakay ko sa elevator. Napairap ako dahil sa pakiramdam na ito, it's not like I'm a teenager. I know I am not supposed to act like this.

Kinalma ko na lamang ang aking sarili at mabilis ng pumunta sa lugar na napili ni Landon.

Malayo palang ay tanaw ko na ang ilang babae na napapatingin at napapahinto para tignan ang ginagawa niya, pero sigurado ako na mas gugustuhin nilang tignan siya kaysa ang ginagawa niya.

Landon is indescribably handsome and I'm not kidding. He's that kind of handsome na hindi lang lilingunin, hihintuan pa.

With that face, body, and talent, I'm sure life would be so easy for him.

Hindi pa man ako nakakalapit ay agad niya na akong nilingon at mabilis sinalubong.

Inabot niya sa akin ang isang wireless Bluetooth earphones. I gave him a questioning look.

"Just put this on and listen, then do what you want."

Ginawa ko ang sinabi niya, may pinindot siya sa kanyang cellphone at nagsimula na ang kanta.

Malayo ang parteng ito ng isla at wala masyadong tao kaya hindi ako nahihiya.

Nanatili ang mata ko sa kanya. Iniangat niya ang kanyang dslr at itinutok iyon sa akin.

Pumikit ako at pinakinggan ang kanta, he has an artistic side and I'm sure there's a reason why he wants me to just listen.

Nights With You [ Isla Azul Series #1 ] Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang