Kabanata 8

13.6K 451 38
                                    

Kabanata 8

What happened between us in that island was just a meaningless one night stand, it was purely lust. I'm just a woman craving for some attention and I got it from him.

I really don't know what came to my mind at bumalik ako sa isla, kahit ako ay nalilito. Is it because I want him back or is it because I want to let him go.

One thing is for sure though, I didn't get the answer back there. I got it earlier when I saw him for the first time after six years.

We're done.

I was wrong because I buried this memory for too long, I was wrong because I should've settled this with myself years ago.

He was just a part of my past, just like my father and his family. What I have now doesn't concern them anymore, and I'm definitely not the same girl as before.

Kaya naman hindi ko hahayaan ang sarili ko na lamunin ng nakaraan, kung kinakailangan ko kalimutan silang lahat na para bang isang panaginip ay gagawin ko para sa ikapapayapa ng kalooban at isipan ko.

They owe me that much after all. 

I woke up the next morning hearing Phoebe Ryan's Mine. I immediately took a shower and fix myself. Today is the pre-production meeting Arkit was talking about. 

“Alam mo, pagkakamalan ka talagang artista kung ganyan ang porma mo...”

I smirked. Wala naman rule na nagsasabi na hindi pwedeng mukhang artista ang Director of Photography, right?

I glanced at the full-length mirror again. Today, I am wearing a black sando paired with a white blazer top and high waist shorts. I then fixed my black laced-up heels one last time, bago ako nakuntento.

“I'm done!” deklara ko.

Nilingon ko na si Arkit.

“Let's go?”

She groaned and nodded.

“Finally! Ang tagal mo pa rin kumilos!”

Ngumisi lang ako at kinuha na ang tumbler ko sa kanya na naglalaman ng kape na tinimpla ko kanina. Tumayo naman na siya sa kama ko at nauna nang lumabas ng condo.

Saglit lang ang naging byahe namin papuntang Q Entertainment. Matunog na ang network na ito bago pa man ako umalis ng Pilipinas noon, but I didn't expect this building to be this huge now.

Ayon pa kay Arkit, ito na raw ang pinakasikat na TV network sa buong Pilipinas ngayon.

"As I was saying earlier, tatlo nga kaming producers..." Nauna siyang pumasok sa elevator. "Iyong isa ay head director, while the other one is a part-owner of this network..."

Tumango ako.

"What's the title of this movie again?"

"Sugal Ng Pag — Ibig..."

Tumango akong muli.

Pagkalabas namin ng elevator ay agad bumungad sa akin ang maraming tinted glass doors. Sinundan ko na lang si Arkit nang pumasok siya sa pintuan sa bandang dulo ng pasilyo.

Marami na ang tao sa loob kaya paniguradong malapit na magsimula. Isang malaking round table ang nasa gitna at nakahilera ang mga upuan sa paligid nito.

I immediately saw my name beside Arkit's kaya sinundan ko na siya papunta sa aming designated seats. Nga lang ay agad may humarang sa akin na babae.

"I'm sorry, Miss. Hindi po diyan ang mga artista, doon po!" Turo niya sa right side ng table.

Naagaw namin ang atensyon ng karamihan dahil sa sinabi niya. Nagkatinginan kami ni Arkit at kitang — kita ko ang effort niya sa pagpipigil ng tawa.

Nights With You [ Isla Azul Series #1 ] Where stories live. Discover now